War of High School 25

1.5K 41 1
                                        

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:

Tumakbo kaagad ako kay Tita pagdating ko sa hospital habang patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Ever." Tita.

"Tita si Ash! si Ash Tita? *sob sob*" bungad ko kay Tita na umiiyak rin.

"Wala na siya Ever, wala na siya. Iniwan niya na tayo." Napayakap na lang ako kay Tita dahil nanghihina na rin ang tuhod ko. Sa mga braso ni Tita ay patuloy lang ang pag iyak ko.

"Bakit Ash? Bakit? Masaya ka naman dito diba? Pero bakit mo kami iniwan? *sob sob*. Tita bakit?"

"I don't know Ever, nabalitaan ko na lang kanina sa kuya niya na naaksidente daw siya, car accident and dead on arrival. Hindi nga ako naniniwala nong una pero pagdating ko dito sa Hospital wala na siya at nakita ko na lang na tinatakpan na siya ng puting tela." Hindi ko kaya, hindi ko na kaya ang mga nalaman ko ngayon. Pakiramdam ko bibigay na ako at hanggang sa....

Everything's went black...


Someone's Pov:

Pagpasok ko sa kuwarto niya ay nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko talaga matanggap na wala na siya. Parang kailan lang nong nangungulit siya sakin na ibili ko siya ng bagong libro tapos sa isang araw bigla na lang siyang nawala.

Umupo ako sa kama niya at pinagmasdang mabuti ang kabuuan ng kwarto niyang light pink ang kulay. Masyado talaga siyang girly hindi katulad ko. Napangiti na lang tuloy ako ng mapait. Sa lahat ba naman bakit pa siya? Bakit pa siya ang kinuha?

Napunta naman ang tingin ko sa bag niyang nakalapag sa kama niya at parang may nagudyok saking pakealaman ito.

Tss! Masyado talaga akong pakealamera sa mga gamit niya kaya palagi kaming nagaaway eh, pero nagkakabati rin naman. Lalo ko tuloy siyang namiss.

Habang hinahalungkat ko ang gamit niya ay bigla na lang may nahulog na papel sa sahig na ikinakunot ng noo ko. Kinuha ko naman ito, isa itong punit na parte ng isang notebook na sinadya talagang punitin. Pagbukas ko ay tumambad sakin ang isang sulat...

Nakita ko lahat, lahat ng nangyari ay nakita ko. Aalis na sana ako pero nakagawa ako ng ingay at nasabit ang bracelet kong bigay pa ni ate kaya nasira ito, napatingin sila sa gawi ko kaya agad akong bumaba. Nanginginig ako habang bumababa ng hagdan dahil siguradong hahanapin nila ako dahil siguradong alam nila na nakita ko ang buong pangyayari. Baka mapatay pa nila ako katulad ng ginawa nila sa kanya. At kung mangyayari naman yon ay naisulat ko na lahat ng pangyayari sa diary na ginawa ko at naitago ko na rin yon. Sana kapag nangyari ang kinatatakutan ko ay may makahanap ng diary na tinago ko para naman mabigyan ng hustisya ang nangayari sa kanya o sakin kapag nangyari yon..........

Napatulo bigla ang luha ko dahil sa nalaman ko at nagkaroon ako ng pag asa.

"Hindi pa pala tapos ang laban. At sisiguraduhin kong magbabayad kayo." Kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa papel na sabi ko.

.........
To be continued....

...VOTE & COMMENT...

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon