War of High School 59

1.2K 22 2
                                    

Liam Jenson's Pov:

"Bakit ba tayo pinatatawag ni Queen Trixi at King Zach? Biglaan naman yata." Girl 1

"Hindi ko rin alam bes, pero parang magugustuhan natin ang sasabihin nila." Girl 2

"I hope so. Tara na  ngalang sa gym." Girl 1

"Pinasara din nila yong gate ng Maleyon building at parang The Queens lang ata ang pinapapasok." Girl 3

"So weird naman ngayon." Girl 2

"Sinabi mo pa, let's go na lang" Girl 1

Tsk! Ang gulo nga ng nangyayari ngayon.

Ano na naman kaya ang pakulong gagawin ngayon ng panget na Zach na yon at yong bruhang Trixi?

Pinasara pa talaga ang gate ng Maleyon at yong grupo lang ng The Queens na sinasabi nila ang pinapapasok.

"Hoy panget!" The f*ck!

"Sinong panget?! Nananahimik ako dito. Wag niyo akong guluhin dahil nakakabad vibes kayo. Baka mabawasan pa kaguwapohan ko. Saka guwapo ako! Gu.wa.po! Tandaan mo!" Kaasar ang grupo ng panget na to eh.

Kung hindi niyo sila natatandaan sila lang naman yong inaway ako at ipinagyabang ng leader nilang panget na guwapo siya. Eh lamang pa naman ako sa kanya ng sampung paligo.      (ー_ー)!!

"Tsk! Tsk! Chill ka nga lang pre. Hindi naman kami nagpunta rito para awayin ka ulit. Gusto lang namin itanong kung alam mo na ba ang mga nangyayari dito?" Sabi ng leader nilang panget.

"Masyado bang halata? Sa tingin niyo magmumukha akong tanga dito habang nakatingin sa mga students na nagmamadaling nagpupuntahan sa gym kung alam ko ang mga nangyayari?" Pamimilosopo ko.

"Oppss! Chill nga lang pre masyado kang hot diyan." Panget 1

"Alam ko matagal na. (ー_ー)!!" Hindi ba nila halata na hot ako?

"Masyado ka talagang mahangin pre kaya nagustuhan kita eh." Ows?

"Pasensya na pre pero hindi ako pumapatol sa lalake."

"Hanep ka talaga! Hahahahaha! Ang ibig sabihin lang ni Rayo gusto ka naming maging kaibigan. Hindi naman yan pumapatol sa lalake katulad mo! " panget 2.

"Tsk! Ang gugulo niyong kausap."

"Saglit lang pare!" Pigil ng leader nila na Rayo daw ang pangalan ng akmang aalis na ako.

"Ano na naman ba?"

"Seryoso talaga kami na gusto ka  naming maging kaibigan. Mukha kasing magkakasundo tayo. Rayo nga pala." Sabi pa ng leader nila.

"Art pre." Panget 1/Art

"Axe pare. Seryoso talaga kami na maging kaibigan ka." Panget 2/Axe.

"Jenson." At nakipagkamay ako sa kanila.

"So katropa ka na namin?" Tanong ni Rayo.

"Oo ba! Teka nga, alam niyo ba kung anong mga kaganapan ang nangyayari dito!" Kunot noo kong tanong.

"Yon na nga ang pinoproblema namin. Ayaw naming sumama sa binubuong grupo ng Zach at Trixi na yon."

"Tsk! Ano ba kasi yon?"

"Ganito kasi yon pare, tinitipun ng ating panget na King at Queen ang grupo nila dahil may magaganap daw na war at ang alam kong kalaban nila ay yong grupo nong Ev..Ever bayon? Tama Ever nga, hindi ko lang alam kong bakit basta narinig ko lang yon sa mga students kanina." Chismosong bata (ー_ー)!!

"War? Bakit naman kaya?"

"Yon nga ang gusto naming malaman kung bakit. At saka ayaw naming sumali sa grupo nila. Mas gugustuhin pa naming sumali sa grupo ni Ever kesa sa kanila. Bukod sa kawawa sila dahil puro sila babae at marami ang makakalaban nila ay maganda pa yong leader nila na si Ever." Ngiting ngiting sabi ni Rayo kaya  sinamaan ko siya ng tingin.

"T*ngna mo pre! Aagawin mo pa sakin future wife ko! Magkalimutan na lang tayo ngayon kung magiging karibal lang kita. Sumama na lang kayo sa panget na Zach na yon!" Hindi ko na nga karibal ang Zach na yon may dumating naman na isa   pang panget.

"Uy teka lang pare! Gusto mo talaga yong Ever?" Di makapaniwalang sabi ni Art.

"Matagal na! Kaya magkalimutan na lang tayo ngayon." Bigla naman silang nagsitawanan dahil sa sinabi ko. Problema nila? Seryoso kayaako dito tapos pagtatawanan lang nila ako.

"Hahahaha! T*ina! Tinamaan ka nga pare! Hahahahaha! Wala naman akong sinabi na gusto ko si Ever. Sabi ko lang naman maganda siya at saka hindi naman siya aagawin sayo ngayong tinamaan ka pala sa kanya. " Rayo.

"Oo nga naman pre! Madami kayang nagagandahan kay Ever dito at kasama na kami don pero hindi naman kami nagkainteres sa kanya yong panget na Zach lang talaga. Hahahahahaha! Isa ka rin pala sa tinamaan kay Ever, ibig sabihin si Zach ang karibal mo hindi kami!" Axe

"Hahahaha! Kaibigan na ulit ha?" Art. Akala ko talaga magkakaroon na  ulit ako ng bagong karibal.

"Oo na! Basta wag niyo lang agawin sakin mapapangasawa ko." Seryoso kong sabi sa kanila pero pinagtawanan lang nila ako. Saya nila  eh. (ー_ー)!!

"Oo sabi pre! Hahaha! Mabuti pang pumunta na lang tayo sa kabilang building para malaman nila ang nangyayari dito. Sabihin na rin natin na sa kanila tayo kampi. Wag kang magaala pre seryoso talaga kami na hindi namin pagkakainteresan yong mapapangasawa mo kuno. Atsaka iisipin pa ba namin yon ngayon eh may magaganap na war dito." Bigla na lang sumeryoso si Rayo kaya napaseryoso rin ako.

Tama nga si Rayo, may magaganap nga na war. Kailangan kong protektahan si Ever kaya kailangan naming makabuo ng plano kapag nakarating na kami sa Femaleyon building.

"Tara na sa kabilang building dahil siguradong nagplaplano na ang grupo nila Zach tapos hindi pa alam ng kabilang grupo." Seryosong sabi ni Art.

"Tara na." Sabi naman ni Axe kaya kumilos na kami.

......
Ever's Pov:

"Lady E! Nagpunta ako sa kabilang building at may mga kaganapang nangyayari doon at hindi ko lang alam. Habang pabalik ako dito ay may nagpapabigay nito note sayo na isang sa grupo ng The Queens. Pinapabigay daw ni Trixi sayon." Agad kong tinanggap ang note at ikinagulat ko ang laman nito.

"War is coming Ever so you better be ready pati na ang mga kasamahan mong loser katulad mo. Sa war na mangyayari mamayang gabi ay sisiguraduhin kong walang matitira sa inyo miski isa. At ikaw ang ihuhuli kong papatayin."

This...

Is....

Crazy....

"Anong sabi Lady E?" Aika

"War is coming...." i seriously said

......
To be continued....

[A/N: Malapit ng matapos ang story na to. Sa mga susunod na chapter magaganap ang War of High School so be ready readers. Kahit wala akong masyadong alam tungkol sa mga war ay sisiguraduhin kong magiging maayos din ang kalalabasan.

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon