War of High School 60

1.2K 19 2
                                    

Ever's Pov:

"That's crazy! War?! What the hell! Ano na naman bang pumasok isip ng bruhang yon?!" Shantal

"Baliw talaga ang Trixi na yon! Bakit naman siya nagdeklara ng war sa pagitan ng grupo nila at grupo natin? Wala naman tayong natatandaan na may pinagawaya ang dalawang grupo at saka wala rin tayong ginawa para kainitan tayo ni Trixi." Aika.

"Ang mas worse a ay mamayang gabi na ang war na magaganap. Imposible namang hindi tayo umuwi. " Shantal.

Naguguluhan rin ako sa war na pakulo ni Trixi. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit gusto niyang may mganap na war at para patayin kami.

Hindi rin ako makapaniwala na gusto niya akong patayin,kami ng mga  kagrupo ko.

Unti na lang at maiisip kong nababaliw na talaga siya at gusto niya ng makapatay ng tao.

Kahit naman kasi wala lang pakialam ang mga studyante dito sa gusto nilang gawin ay sigurado naman akong hindi nila vustong pumatay. Remember, namatay ang kaibigan mo dito sa school niyo.

And it hits me, namatay nga pala ang kaibigan ko at walang nakakaalam kung bakit nangyari yon. So posibleng kaya ngang pumatay ng mga students na nandito kung gugustuhin nila.

Ako, si Aika, kaya rin namin sigurong pumatay para lang maligtas ang sarili namin sa war na mangyayari.

"Lady E, ano na bang gagawin natin?"

May war na magaganap pero wala akong maiisip na kahit anong plano. Parang natigil ang pagproproseso ng utak ko. Ang naiisip ko lang ngayon ay kung ano ang mangyayari mamaya? Ano bang pinagmulan ng war na magaganap mamaya? Masyado na bang galit sa grupo namin si Trixi at gusto niya na  kaming mamatay?

"Ever ano na?"

Sobrang babaw naman ng dahilan na yon. Ang imposible na yon ang pagmulan. Pwede naman kasing daanin yon sa sabunutan o sapakan kapag ganun ang dahilan.

"Ever! Natulala ka na!" Bigla na lang akong natauhan dahil sa sigaw ni Aika.

"Huh?"

"Kanina ka pa kasi tulala at hindi ka sumagot ng tanungin namin kung anong plano natin ngayon? Sa magaganap na war mamaya?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa tanong ni Aika.

"Ano ba  kasing iniisip mo Lady E?" Shantal.

"Wala akong maisip na plano."

"What?! Paano na po tayo mamaya? Masyado pong madami ang grupo ni Trixi." Grace isa rin sa grupo namin.

"Balita ko rin po na pinagsama ang grupo ni Trixi at King Zach sa di malamang dahilan. Kaya po pinasara ang Maleyon building kanina para walang White Heaven na member ang makapasok doon." Melisa. Lalo naman akong nagulat dahil sa sinabi niya na magkakampi si Trixi at Zach.

Ngayon alam ko na talaga ang totoo. Puro kasinungalingan lang ang lumabas sa bibig ng Zach na yon. Tama lang at habang maaga pa ay pinigilan ko nasiya.

Wala talaga siyang pinagbago, muntik niya na akong mapaniwala na totoo ang nararamdaman niya para sakin. Pero lahat pala ng yon ay pakitang tao lang ata puro kasinungalingan.

Matagal na siguro silang may connection na dalawa ni Trixi. At plinano nila lahat ng pinapakita sakin ni Zach.

"Ang Zach na yon! Akala ko po naman patay na patay siya sayo Ever! Tapos malalaman natin ngayon na magkakampi pala ang dalawang yon! Mapapatay ko talaga ang lalake na yon sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya, at sa mga pinakita niya sayo! Magsama sila ng bruhang Trixi na yon dahil bagay lang sila!" Naggigigil na sabi ni Aika.

"Wag na muna nating isipin yan Aika. Kailangan na  nating makagawa ng plano kung paano lalabanan sila Trixi sa magaganap na war nila. Kung ginusto talaga nila yon, then ibibigay natin yon sa kanila. Hindi tayo magpapatalo sa kanila." Seryoso kong sabi.

"Paano po natin sila matatalo kung kakaunti lang po tayo at ang dami nila." Darla na isa sa mga nerd naming kagrupo.

"Hindi nasusukat sa dami o kaunti ang pagkapanalo. Kahit pa kaunti lang tayo ay kaya rin natin silang talunin basta magakakasama tayo. Hindi naman porket kaunti lang tayo ay papayag na tayong magpatalo sa kanila. Kailangan lang nating maging matapang at harapin sila. Wag niyong isipin na matatalo tayo kundi isipin niyo na kaya natin silang labanan at kahit kaunti lang tayo mananalo tayo." Mahabang paliwag ni Aika na ikinatangu namin.

"Madami na rin ang 150+ yeah know. So what naman kung nasa 300 ang kalaban natin. Kung mahihina naman ang iba sa kanila wala rin. Kayang kaya natin sila lalo pa't puro lang yabang ang iba don sa kanila pero pag nandiyan ay tatakbo na lang bigla. Malalaks kaya tayo. White Heaven kasi!" Natawa naman ang iba sa kasama namin dahil sa sinabi ni Shantal. Parang pinapagaan niya lang ang tensiyon na nabubuo sa loob ng HQ.

Nasa 500+ lang kasi ang students dito sa Hellyon. Hindi naman kasi tulad ng ibang school na umaabot ng 1000+ ang students.

"So let's make some plan na?" Aika.

"Let's star then." Agad naman kaming nagsiupuan sa malawak na sahig. Hindi kasi kakasya kung gagamit pa kami ng mesa at upuan kaya pinatili na lang naming bakante at malinis ang malawak na sahik para sa sahig na lang kami magtipon tipon at magusap usap. Nakapabilog kaming lahat at mabuti naman at nagkasya kami.

"So ganit.." hindi pa man natatapos ang sasabihin sana ni Aika ng bigla na lang may patabog na nagbukas ng pinto ng HQ. At doon pumasok ang grupo ng mga lalake at kasama na don si.....Liam?

"Mukang alam niyo na kung anong mangyayari mamaya. So nandito nga pala kami para sabihin sainyo na kakampi niyo kami at handa kaming tumulong sa magiging plano niyo." Seryosng sabi ng isang lalake na hindi famillar ang mukha.

"Sa tingin naman namin kailangan niyo kami. Hindi biro ang dami ng kabilang grupo kaya kailangan niyo rin siguro ng guwapong lalakeng katulad namin *wink*." Matutuwa na sana ako dahil seryoso si Liam ng magsimula siyang magsalita. Kaso hinaluan niya ng kayabangan yong dulo niyang sinabi at may pakindat kinta pa siyang nalalaman.

"Oh my ghad! Kailangan nga namin kayo! So ilan ba kayo?" Tuwang sabi ni Aika.

"30+ kami kasama yong boyfriend nong Aika at Shantal daw. Nakita lang namin sila kanina sa isang tabi." Bigla namang napunta ang atensyon naming lahat kay Aika at Shantal na ngayon ay namumula na parang mga kamatis.

"Di wow! Kayo na may forever!" Biglang singit ng dakilang bitter naming kasama.

.......
To be continued.....

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon