War of High School 50

1.3K 26 1
                                        

Trixiana's Pov:

"Queen napadaan ka?"

"Gusto ko lang makausap si Sarah."

"Ganun po ba. Sarah! Gusto ka raw kausapin ni Quewn." Napatingin naman ako sa babaeng tumayo mula sa upuan niya, at tama nga ako.

"Ako po Queen?" Tanong nito ng makalapit.

"Yes, gusto lang sana kitang kausapin, at gusto ko sana sa tahimik na lugar."

"No problem po."

"Sa garden na lang siguro." At nauna na akong maglakad.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya nanahimik na lang ako.

※※※※※

Pagdating namin sa garden ay seryoso ko siyang tiningnan na ikinagulat niya. Yumuko siya bigla at sigurado akong kinakabahan ito dahil sa pagbabago ng ko.

Kung kanina mukha akong anghel na bumaba sa langit ngayon naman ay sumeryoso ako at ipinakita ko rin sa kanya na nagtitimpi ako sagalit.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang diary na yon. Kung kailan naman kinalimutan na saka pa babalik. Nagtitimpi ako sa galit dahil ang babaeng to pa ang nakakita ng diary na yon.

"Saan mo nakuha yong diary." Matigas kong tanong.

"P..po?"

"Sabi ko san mo nakuha yong diary?!!" Nakagalit talaga yong mga taong bobo na simpleng tanong lang hindi pa masagot.

"A..ano pong diary? *Pakk!!*" ako pa ang pagsisinungalingan niya.

"Alam mo ba na ayaw na ayaw ko sa mga taong sinungaling!! Madali akong mga galit sa taong yon!! Ayoko sa lahat na pinagsisinungalingan ako!! Kaya sabihin mo na kung saan mo nakita yong diary at kung saan mo yon dinala!! Kung ayaw mong sumabog ako sa galit at kung ano pang magawa ko sayo!!"

"H..hindi ko po alam yang sinas.. *Pakk!!*" ayaw pa talagang umamin eh.

Hinablot ko ng mahigpit ang buhok niya na ikinadaing nito.

"Maawa po kayo.. hindi ko po alam yang sinasabi mo!" Umiiyak niyang sabi.

"Ang bobo mo kasi!! Simpleng tanong lang hindi mo pa masagot!! Nasaan yong diary na dala mo noon?! Nong sinalubong mo ko at bumati ka sakin!! Nasaan na yon?! Yon ang kailangan ko hindi yang kabobohan mo!!" Nangigigil na talaga ako sa galit.

"Hindi po yon akin!! May nagpapadala lang po non sakin!! Na kaklase ko! Ang alam ko po binalik niya na yon sa library na doon niya nakuha. Masakit po Queen.. ayoko na po! Hindi po talaga akin yong diary na yon."

"Paano ka naman nakakasigurado na ibinalik niya na yon sa library?!!"

"Hindi niya na po kasi palaging dala at saka kasabay ko pa siyang pumunta sa library ng isasauli niya na yon."

"Sigurado ka?!!"

"O..opo Queen." Binitawan ko naman yong buhok niya at bigla naman itong tumakbo palayo. Tsk! Coward!

Papahirapan pa talaga akong hanapin yong diary na yon sa libray. Pagnakita ko talaga ulit yong babaeng yon sisiguraduhin kong lulumpuhin ko siya.

Isang Queen Trixiana Mateo pahihirapan niyang hanapin yong diary na yon sa buong libray? Tsk! I have no choice talaga! Nakakainis!

......
To be continued....

*Parang hindi naman Mystery/ Thriller tong story ko eh. Halata niyo ba?? Hahahahah! (*^ω^*)!!*

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon