Aika's Pov:
Tulala pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga nalaman ko kanina. Nandito ako sa canteen ay tulalang nakatitig lang sa binili kong pagkain.
Pagmamay ari kita...
Pagmamay ari kita...
Pagmamay ari kita...
Pagmamay ari kita...
"Aishh! Ano ba naman Aika! Kalimutan mo na yon dahil hindi yon totoo! Lokohan lang yon! Iniwan ka nga niya kanina dun eh." Kausap ko sa sarili ko na parang tanga.
Oo iniwan nga ako kanina ni Van na nakatunganga pagkatapos ng mga sinabi niya. Tss! Nakakinis lang eh! Paano niya naman ako magiging pagmamay ari aber? Bagay lang? Bagay lang na pwedeng bilhin? Tsk! Abasta! Hindi ko na lang iisipin yon dahil siguradong pinagtritripan lang ako non.
.....
Ever's Pov:Papunta ako ngayon sa canteen para hanapin si Aika at para na rin makapag sorry ako sa kanya dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Nakakaguilty lang kasi, kaibigan ko yon tapos nasigawan ko ng ganun. Pero hindi pa rin ako babalik sa dati dahil mas gusto ko na ng ganito.
Habang naglalakad naman ako ay bigla kong nakasalubong si Trixie. Lalagpasan niya na sana ako pero bigla itong huminto at bumalik sa harap ko. Hindi niya rin siguro ako nakilala.
"Wait! E..ever the loser??" Di makapaniwala niyang tanong kaya tumigil din ako sa paglalakad. Binigyan ko lang siya ng isang malamig na titig at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hahahaha! At talagang binago mo pa ang sarili mo dahil lang sa pagkatalo mo." Sabi niya bago pa ako makalayo na ikinahinto ko pero nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.
Oo nga pala, hindi niya alam na namatayan ako. Ang alam niya lang na may sakit ako kaya ako umabsent ng ilang araw, ang sabi lang kasi ni Tita mommy ni Ash na aabsent lang akong ng ilang araw kay Mrs. Cardova. At sigurado naman akong wala lang pakealam yang demonyitang yan.
Pagdating ko sa canteen ay hinanap agad ng paningin ko si Aika at nakita ko naman nasa pinakasulok siya ng canteen nakapwesto at magisa lang siya dun kaya agad akong lumapit sa kanya.
Umupo agad ako sa tabi niya at mukhang hindi niya yon napansin dahil nakatulala lang siya habang nakatingin sa pagkain niya. Mukhang nagtatampo o galit ata siya sakin dahil sa ginawa ko.
At dahil tulala naman siya ay inilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya at sabay bulong ko.
"Im sorry Aika dahil sinigawan ka niya."
"What the!!" Gulat niyang bulalas at napatayo rin siya, pinagtitinginan na tuloy siya ng ibang students kaya kaagad siyang umupo at nagsorry.
"Bakit ka ba nang gugulat?!" Inis niya sabi pero imbes na sagutin ko siya yinakap ko na lang siya.
"Im sorry talaga Aika dahil sa pagsigaw ko sayo. Talaga lang sigurong nasanay akong kasama ko palagi si Ash kaya subra akong nsaktan ng mawala siya. At napamahal na rin siguro ako sa kanya." Sabi ko habang nakayakap sa kanya at maya maya pa ay bumitaw na rin ako.
"Hayyss! Alam mo bang naiinis ako sayo dahil sinigawan mo ako, pero ngayon naiintindihan ko na. Masyado ka talagang na apektuhan sa pagkamatay ng Ash na at naging ganyan ka na ngayon. Pasensya na rin kasi ang daldal ko masyado." Nakanguso niyang sabi.
"Hindi naman masyado, just a little." Bigla naman siyang napangiwi.
"Uhmmm, hindi kasi ako sanay ang cold mo talaga pati na rin pagsasalita mo kasing lamig na ng yelo." Ngiwi niyang sabi kaya umiling na lang ako.
"Sanayin mo na lang sarili."
"Tss! Whatever!"
......
To be continued.....VOTE & COMMENT
![](https://img.wattpad.com/cover/141994175-288-k732441.jpg)
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018