War of High School 40

1.4K 30 3
                                        

Trixiana's Pov:

Habang naglalakad ako sa hallway ay panay ang bati sakin ng mga students na sa tingin ko ay kasama sa The Queens na sarili kong grupo kaya panay naman ang ngiti ko ng matamis para lalo nila akong magustuhan kaya wala akong ibang choice kundi ang magbait baitan muna.

"Good morning po Queen." Ngiting bati sakin ng isang student na humarang pa talaga sa daan ko para lang bumati sakin ng magandang umaga. Kahit na naiinis ako sa ginawa niya ay bigyan ko pa rin siya ng isang matamis na ngiti.

"Good morning din sayo dear." Kahit ang totoo ay sinira mo ang umaga ko.

"Sige po mauna na ako." Tinanguan ko na lang siya at magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may mahagip ang mata ko na isang bagay na hawak ngayon ng student na bumati sakin kaya natigilan ako. Hindi ko maialis ang mata ko sa bagay na yon.

Kahawig na kahawig ng bagay na yon sa bagay na matagal ko ng itinapon at sinunog. Tandang tanda ko pa kung paano yon naging abo, kaya paanong nasa kanya ang bagay na yon? Hindi kaya mali ang nakuha ko na imposible naman dahil alam kong nagiisa lang yon.

"Queen! Queen! Queen Trix!!" Nabalik ako sa katinuan ng may tumawag sa pangalan ko at ng tingnan ko kung nasaan na yong students na may hawak ng bagay na yon ay wala na ito at hindi ko na mahawak.

Sh*t naman! Nasabi ko na lang sa isp ko bago ako kumaripas ng takbo. Kailangang malaman niya ang nakita ko.

Pagbasok sa Maleyon building ay tumakbo agad ako papunta sa teritoryo niya at hingal na hingal akong pumasok doon.

"What now Trixiana?" Ramdam ko ang pagkairita sa boses niyo pero hindi ko yong pinagtuunan ng pansin.

"Yong Diary!" Agad na banggit ko sa kanya at nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon niya sa nabanggit ko.

"At ano naman ang mayroon sa diary na matagal mo ng sinunog at kinalimutan."

"Nakita kong hawak siya ng isang students!!" Inis kong sagot dahil kinakabahan na talaga ako at siya ay paeasy easy lang.

"What?! Imposible! Matagal ng wala ang diary na yon!!"

"No! Nakita ko talaga kanina at hindi ako pwedeng magkamali dahil talagang pinagkatitigan ko talaga yon at kaparehong kapareho talaga siya sa diary na sinunog natin dati!"

"Sinasabi mo bang may kapareho ang diary na yon?"

"Yes Zach! At hindi pwedeng may makaalam kung ano ang meron sa diary na yon!! F*ck that stupid girl! Naisahan niya tayo!!" Gusto ko na talagang sumabog sa inis dahil sa l8ntek na diary na yon! Paanong may kapareho yon?!

"F*ck talaga! Ba't tatanga tanga ka at hindi mo muna sinugurado na yon nga ang diary na yon at wala ng kapareho!! Bakit hindi mo kinuha yong diary na hawak ng student kanina at tinitigan mo lang!!" Inis niya sabi.

"Hindi ako tanga! Ikaw ang mas tanga sating dalawa! Ikaw kaya ang nakahanap ng diary na yon at ikaw rin ang nagutos sakin na sunugin ko!! Wala ka namang sinabi na tingnan ko pa!! At kaya hindi ko nakuha agad sa babe yong diary kanina dahil bigla na lang itong nawala sa paningin ko!! Kaya wag mo akong masabihang tanga dahil pareho tayong may kinalaman dito!!" Natahimik siya bigla sa sinabi ko at namayani ang kaunting katahimikan. Maya maya pa ay siya na rin ang unang bumasag nito.

"Then hanapin natin ang lintek diary na yon!!" Seryoso niyang sabi na ikinatango ko lang.

.....
Someone's Pov:

"Diary? At ano naman ang mayroon sa diary na yon at ganyan ang reaksyon nila? Kahit ano man yon ay siguradong may kinalaman yon sa pagkamatay niya." Agad agad akong lumayo sa pinto pagkatapos ng narinig ko. Tama na muna ang nalaman ko para unahan ko silang mahanap ang diary na sinasabi nila.

"Kunting tiis na lang at malalaman ko rin ang lahat lahat." Mahinang bulong ko sa sarili.

.....
To be continued...

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon