War of High School 57

1.3K 18 2
                                    

Aika's Pov:

Hindi ko na malayan na nakalapit na pala si Ever kay Yanni at ito ang humampas dito kaya nawalan ng malay.

Pati ang mga students na nanunuod sa nangyayari ay nagulat din sa ginawa ni Ever.

"Lady E?" Bulalas ni Shantal ng makabawi sa pagkagulat sa ginawa ni Ever.

"Baliw." Yon lang ang sinabi ni Ver habang nakatingin sa walang malay na si Yanni bago bumalik sa pwesto ko.

"Let's find that bitch again." Hindi niya na  hinintay ang sagot ko at tuluyan ng lumabas ng canteen. Tinanguan ko muna si Shantal bago ko sinundan si Ever.

.....
Shantal's Pov:

Napayakap agad ako Zi pagkatapos ng nangyari. Hindi ko inaasahang maglalabas ng patalim si Yanni na ikinagulat ko pati na rin ng ibang students na nandito sa canteen.

Hindi rin ako mapaniwala na sinasabihan niya ang boyfriend ko na pinaasa niya nito.

Inangat ko kaagad ang tingin ko kay Zi ng maalala ko ang sinabi niya. Mas matangkad kasi siya kaya kailangan ko pang tumingala.

"I'm sorry babe." Agad na sabi ng ni Zi ng tingalain ko siya pero nakataas kilay pa rin ako sa kanya.

"Sorry? Muntik ng makapatay si Yanni dahil sayo! At wala ka ring nababanggit na  naging kaibigan mo si Yanni! Nagsinungaling ka sakin Zi!! I hate you!" Bumitaw ako sa pagkayakap niya at akmang magwawalk out ng higitin niya ulit ang kamay ko.

"Let me expl....."

"Explain mo mukha mo!!" Sinipa ko pa yong sikmura niya dahil sa inis o mas magandang sabihin na sa galit ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya dumaing sa sakit kaya nakaramdam ako ng kaunting guilt pero tama lang naman yon sa kanya. Nagsinungalig siya sakin at linihim niya pa na kaibigan ni pala ang babaeng yon kaya magdusa siya.

Nakakaasar lang talaga yong lalakeng yon. Pasalamat talaga siya at mahal ko siya kundi sa b*yag ko talaga siya sinipa pero ayoko namang mabaog siya. Baka hindi kami magkaanak niyan paano na lang ang future namin.

Oo na! Ako na ang gustong mapangasawa ang Zico Smith na yon. Kahit pa naman kasi nagsinungaling yon mahal ko pa rin yon. Papahirapan ko lang naman siya dahil sa pagsisinungaling niya eh.

HQ

"LQ  kayo ng boyfriend mo? Tss! Wala talagang forever..Aray!" Nabatukan ko kaagad si Jaycen. Ang ganda kasi ang salubong niya sakin nakakairita.

"Wag ka nga bitter diyan! Matuto kang maghintay. Dadating yang kaforever mo. Wag mo lang idamay lab lyp ko diyan sa kabitteran mo!" Irita kong singhal sa kanya.

"Di ikaw na may forever! *walk out*." Napailing na lang ako sa inasta ni Jaycen.

Palibhasa dakilang bitter kaya hindi na niniwala sa forever, NBSB kasi yon kaya masyadong bitter.

Naiingit tuloy sakin dahil may boyfriend ako. Pero syempre joke lang yon, bitter lang yon kaya ganyan (*^ω^*).

Pero inis pa rin ako sa boyfriend kong supot (ー_ー)!! Paano ko nga ba naging boyfriend yon?

Well childhood friend ko lang naman yon na bigla na lang nawala na parang bulala isang araw. Tapos nabalitaan ko na lang na nasa America na pala siya kaya sobrang nagalit ako sa kanya dahil bigla niya na lang akong iniwan ng walang paalam.

Inaamin ko naman na kahit bata pa ako noon ay crush ko na siya. Kaya lang bigla na lang niya akong iniwan kaya nawala na lang yon bigla.

Hanggang sa nagkita nga kami bigla at dito pa yon sa School ko. Nagulat nga ako ng makita ko siya kasama ng mga transferee at hindi ako makapaniwala na siya yon.

Kahit malaki ang pinagbago niya hindi ko pa rin mamakakalimutan yong guwapo niyang mukha na naging crush ko dati. Bumalik bigla lahat ng galit ko sa kanya dahil sa pangiiwan niya sakin na matagal ko ng kinalimutan.

Pagkatapos non ay hindi ko na siya nakita pa na ikinatuwa ko naman dahil hindi talaga ako handang makita siya.

Tapos isang araw bigla na lang siyang sumulpot na parang kabuti.

"Shantal may naghahanap sayo." Sulpot bigla ni Jaycen.

"Sino naman?" Kunot noo kong taon.

"Basta may naghahanap sayo nasa labas. Puntahan mo lang dahil hindi ko rin kilala yon." Sabay alis niya kaya no choice ako kundi lumabas ng room at alamin kung sino yong naghahanap sakin.

Paglabas ko ng room ay gulat na gulat akong nakatingin sa taong naghahanap daw sakin kuno. Hindi ko inaasahan na ngayon siya magpapakita.

"Can we talk?" Akmang papasok na sana ulit ako dahil hindi ako handang makipagusap ng bigla na lang niya akong hawakan at agad agad na binuhat na parang sako.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako! Ano bang problema mo!" Pagpupumiglas ko pero hindi niya lang ako sinagot. Hanggang sa napagod na lang ako sa pagpupumiglas at wala na akong nagawa kundi makisama na lang.

Hanggas sa dinala niya ako no sa garaden at hindi niya na agad ako hinayaang makapagsalita dahil agad siyang nagpaliwanag kong bakit siya dati umalis ng walang paalam.

At dahil matigas ako ay hindi pa rin ako na niwala sa mga paliwanag niya at iniwan ko lang siya don ng magisa pagkatapos niyang magpaliwanag dahil galit pa rin ako sa kanya.

Ng sumunod na araw ay nagulat na naman ako dahil bigla na lang siyang sumulpot sa room na may dalang bulaklak. At sinabi niya ngang liligawan niya ako.

Kahit pa naramdam rin ako ng ibang pakiramdam noon ay pinawala ko lang siya.

Magdaan pa ang ilang araw ay nanliligaw pa rin siya. Sa bawat araw na yon ay pakiramdam ko unti unti na akong bumibigay.

Hanggang sa tuluyan ko na ngang maramdaman na gusto ko rin siya at kahit anong pagpapakipot ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Sino ba naman ang hindi maiinlove sa pagiging sweet, caring, at malambing niya kahit nanliligaw palang siya.

Pakiramdam ko nga kami na eh. Hanggang sa sinagot ko na nga siya. Natauhan kasi ako bigla ng sabihin sakin ni Jaycen na ano bang magagawa ng pagpapakipot ko kung tuluyan rin naman akong mahuhulog sa kanya. Sinasayang ko lang yong panahon na imbes na sulitin namin ay pinahihirapan ko lang siya. At saka past is past na naman daw at hindi na yon pwedeng maibalik sa halip na kalimutan na lang.

Biruin mo ba naman yong bruhang yon. Akala mo naman hindi dakilang bitter habang sinasabi niya yon eh.

"Yong boyfriend mo nasa labas!" Sigaw ni Jaycen na nakapagpabalik ng diwa ko.

"Tss! Magdusa siya kamo! Sabihin mo!" Bahala talaga siya. Kung hindi ba naman sana siya nagsinungaling eh di sana ayos kami. Nakakainis lang talaga yong supot na yon.

......
To be continued..

[M/A: Hahahahha! Supot pa daw si Zico! (*^ω^*)!! Isiningit ko lang yong lab story ni Shantal at Zico.]

VOTE & COMMENT



War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon