War of High School 35

1.5K 36 1
                                    

Ever's Pov:

"Lady E! Lady E!" Liningon ko naman agad ang tumatawag sakin.

"War na naman po! Nasa canteen po sila!" Sabay hila niya sakin kaya nagpatianod na lang ako. Siguradong war na naman, hindi na maiwasan ang magkaroon ng gulo sa pagitan ang dalawang grupo at halos araw araw na lang.

"Wag kang masyadong magmalaki! Kaya ka lang naman umaangat kasi nasa panig ka ng demonyitang Queen natin! At alalay ka lang naman niya!" Bungad agad sakin pagdating ko sa canteen.

"Eh ano naman?! Atleast nasa mataas ang pinapanigan namin! Eh kayo? Isang lose... *Pakk!*"

"Wag na wag mong matawag tawag na loser si Lady E!! Mas gusto pa nga naming siya ang maging queen eh! Kesa naman diyan sa queen niyong hampas lupa at namamalimos para lang makaangat!!" Lintaya ni Shantal pangatlong namumuno sa grupo namin. Palaban yan lagi kaya hindi pwedeng hindi magkakaroon ng gulo kapag nagsimula ang isang grupo dahil siguradong hindi yan magpapatalo katulad ni Aika.

"Ahh ganun?! Tutal ikaw na ang unang nanampal ba't hindi pa natin simulan! " at bigla na lang sinugod ni Mia si Shantal ng sabunot, pati na rin yong iba pa ay nakipagsabunotan na rin habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila dahil siguradong hindi ko sila mapipigilan.

Si Mia ay isa rin sa The Queens at siya palagi ang kadalasang pinagmumulan ng gulo dahil masyado siyang insecure sa nakikita niya sa iba. Kahit kaunting bagay ay linalait niya at pinagmamalaking mas maganda ang sa kanya o sa kanila. Siya rin ata ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Trixie maliban sa President.

Humanap ako ng komportableng pwesto at umupo duon para panuorin ang nangyayari sa buong cantee. Hindi ko ugaling makisali sa gulo nila maliban lang kung nandyan si Trixie dahil siguradong kakawawain niya ang grupo namin.

Sabunot dito, sabunot doon

Bato dito, bato doon

Sampal duon, sampal dito

At kung ano ano pang pananakit ang ginagawa nila. Nakikita kong marami na ring sugat ang natatamo ng grupo ko at pati na rin ang sa Queens. Pero alam kong hindi magpapatalo ang White Heaven at siguradong kaya nilang talunin ang The Queens. Nagiging malakas lang naman ang The Queens pag nandyan ang Dark Angel na palaging kasama ni Trixie at pati na rin kapag nandyan si Trixie.

Kung ano anong mga bagay ang ginagamit nilang panghampas at pambato kaya nagkakaroon sila ng gasgas o sugat. Habang sina Shan/Shantal at Mia naman ay patuloy lang sa pagsasabunotan at nasa ibabaw na ni Mia si Shan habang sinasabunotan niya ito na ikinatuwa ko pero sa loob loob ko lang dahil na natiling walang emosyong makikita sa mukha ko na nakasanayan ko na at hindi na matatanggal sakin.

Marami na ang nawasak na upuan at lamesa sa loob ng canteen at kung ano pang gamit dahil sa gulong nangyayari o mas tinatawag na lang na war sa pagitan ng dalawang grupo.

Maya maya pa ay natapos na rin at pagod na pagod na napaupo at napahiga ang mga students sa sahig. Sa grupo ng The Queens ay madaming may sugat at pasa katulad rin ng White Heaven habang yong iba naman ay hindi na makagalaw dahil sa sakit na nakuha pero buhay pa naman. Nagsitayo na ang White Heaven at isa isang naglakad palabas ng canteen habang inaalalayan naman ng iba yong mga napurohan at nahihirapan. Huling tumayo si Shantal na kakatapos lang makipagsabunotan kay Mia na nakahiga pa rin ngayon sa sahig at madami na ding sugat sa mukha dahil siguro kinalmot ni Shantal ng mahahaba niyang kuko, hindi kasi masyadong makalaban kasi nadadaganan nga siya ni Shantal. Bago lumabas si Shantal ay dumaan muna siya sa pwesto ko..

"Injoing the view Lady E? *Smirk* ang galing ko talaga." Pagmamalaki niya at binigyan ko naman siya ng isang ngisi na once in a blue moon ko lang gawin na pinalitan ko agad ng walang emosyong tingin bago ko siya tapikin sa balikat.

"Pagaling kayo." Sabi ko na tinanguan niya lang at nagpatuloy na sa paglabas ng canteen.

Tiningnan ko ang mga Queens na nakahilata na sa sahig at hirap na hirap. Tss! Nakakaawa, yan ang masasabi ko sa kanila. Well dapat lang naman yan sa kanila. Habang ang buong canteen naman ay parang minasaker at may mga dugu dugu sa sahig gawa ng sugat siguro na natamo ng mga students.

"War nga, at baka sa susunod buong school na ang magkagulo. At mabuo ang...." linibot ko muna ang tingin ko sa buong canteen bago ako naglakad palabas sabay sabi ko ng...

"War of High School."

.......
To be continued...

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon