Ever's Pov:
"Grabe! Nakakakilig naman ng love story ni Sienna! Detalyado talaga ang pagkakasulat eh. Mula sa nakilala niya si Zach hanggang sa maging sila." Kinikilig na sabi ni Aika matapos namin basahin ang diary ni Sienna/Ina na tungkol sa love story nilang dalawa ni Zach.
Matapos kong basahin ang diary ay bumalik na naman ang lungkot na panandaliang nawala sakin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan.
"I miss her na talaga." Naiiyak na sabi ni Aika na kanina lang ay kinikilig pa.
"Me too."
"Bakit ba niya kasi tayo iniwan? Ang daya daya niya, akala ko ba walang iwanan." Tuluyan ng umiyak si Aika at siguradong hindi ko siya mapipigilan kaya yinakap ko na lang siya. Miss ko na rin si Ina katulad ni Aika.
Sienna is one of my bestfriend maliban kay Aika. Tinuturing ko siyang ate dahil sa pagiging mabait at maalaga niya samin ni Aika. Palagi niyang ipinapakita na mahal niya kaming dalawa ni Aika bilang bestfriend niya. Kaya ng mamatay siya ay nalungkot talaga ako ng sobra pati na si Aika. Halos hindi na ako kumakain dahil sa sobrang lungkot, ilang araw rin akong tulala. At doon nga dumating sa tabi ko si Ash na tumulong sakin na bumangon at harapin ang mga nangyari. Dahil tulong niya ay bumalik ako sa dati pero merong nag iba sakin. Hindi na ako palaging nakangiti katulad ng dati noong mga panahon na buhay pa si Ina. Ng mamatay naman si Ash ay tuluyan na talaga akong nagbago, at sabi nga ni Aika naging isang yelo na ako na hindi marunong ngumiti. Pero wala akong pakealam, sawa na akong maiwan at kapag si Aika mawala pa sakin ay hindi ko na ata kakayanin pa.
"Oo nga pala! Kaylangan nga pala nating maging malakas at matatag para sa kanya. Bibigyan pa pala natin ng katarungan ang pagkamatay niya. Kaya kailangang maging malakas tayo." Yan ang gusto ko kaya Aika eh. Matapang at hindi basta basta sumusuko. Kaya kahit sobrang naapektohan siya sa pagkawala ni Ina ay siya pa ang unang nakabangon saming dalawa.
"Tama ka kaya wag ka ng umiyak diyan baka makita tayo ng boyfriend mo at sabihin non na pinaiyak kita." Pagsusungit ko sa kanya kaya napabitaw siya sa pagkakayakap sakin.
"Tss! Nageemote ako dito eh!" Pagmamaktol niya kaya inirapan ko na lang siya bago ulit ako tumingin sa Diary ni Sienna.
Si Zach nga pala ang naging boyfriend dati ni Ina nong hindi buhay pa siya. Nakikita ko naman na mahal ni Zach si Ina at ganun rin si Ina. Kaya masasabi kong perfect couple talaga sila. At syempre pag may bida sa isang love story meron ding kontrabida at yon ay si Trixie. Halata kasing patay na patay si Trixie kay Zach kaya ilang beses niya binalak na sirain ang relasyon nila Ina at Zach pero hindi siya nagtagumapay.
Kaya ng mamatay si Ina ay si Trixie ang sinisisi ko dahil sigurado akong siya ang may gawa non. Kitang kita ko mismo kung paano nahulog si Ina mula sa rooftop ng Femaleyon building na mayroong limang palapag. Hindi ako makagalaw noon dahil sa nakita ko at bigla na lang ako napatingin sa taas, nakita ko doon ang isang kamay na may bracelet na pink. Sigudo akong si Trixie ang may ari non kaya sinugod ko talaga siya at sinabi kong siya ang may gawa. Walang naniwala sakin dahil wala daw akong ebedinsya at todo tanggi naman si Trixie non na kesyo kasama niya daw mga kaibigan niya at wala siya sa rooftop na yon ng mangyari ang crimen. Todo oo naman ang mga kaibigan niya.
Kahit anong gawin kong turo sa kanaya ay wala naniwala. Lumapit ako kay Zach at sinabi ko na si Trixie ang maygawa non kay Ina at hindi rin siya naniwala. Pinagtanggol niya pa talaga si Trixie kahit alam niya naman na si Trixie lang palagi ang kontrabida sa realasyon nila. Pero hindi talaga siya naniwala at doon na lang ako tumigil dahil wala talagang gustong maniwala maliban kay Aika.
Sobrang galit ang naramdaman ko noon kay Zach dahil pinagtagol niya pa si Trixie at nakita ko ring parang wala na siyang pakealam kung namantay si Ina. Hindi niya manlang binisita ang kaibigan ko, hindi manlang siya nagluksa sa pagkamatay ni Ina sa halip na maglibot lang siya sa buong school na parang walang nangyari. Na parang hindi namatay ang taong mahal niya o kung mahal nga talaga niya si Ina. Hindi naman ata eh, kaya kinamuhian ko talaga siya. Tapos ilang buwan ang nakalipas ay sasabihin niya gusto niya ako. Nasampal ko talaga siya non.
"I like you Ever *Pak!*"
"Ang kapal naman ng mukha mo!! Matapos mo sa kaibigan ko sakin naman!! Minahal mo ba talaga ang kaibigan ko o ginamit mo lang siya para makuha ang trono ng pagiging king!! Isa kang manggagamit! Ang tanga naman ng kaibigan ko at nagmahal siya ng isang taong manggagamit at walang kwenta!! Sana naman pinahalagahan mo rin ang pagmamahal ng kaibigan ko para sayo!! Hindi yong ginamit mo lang siya!! Tapos ngayon nandito ka sa harap ko at sasabihin mong gusto mo ko!! Tapos ano?! Gagamitin mo rin ako katulad ng panggagamit mo sa kaibigan ko?! Pwes ayoko!!" Galit na galit kong sabi kay Zach.
"Hindi ko ginamit si Sienna at totoong gusto kit.. *Pak!!*"
"Walang akong pakealam!! At lumayo layo ka sakin dahil nakakagalit yang pagmumukha mo." At linagpasan ko na lang siya.
Si Ina ay ang dati naming Queen at si Zach naman ang naging king. Sobra sobra talaga ang galit ko kay Zach dati pero hindi ko alam at parang naging magaan na rin ang pakiramdam ko sa kanya matapos niya akong ipagtanggol kay Trixie at ngayon naman naiinis ako sa kanya.
"Ever may napansin ka ba?" Nagising ang diwa ko sa tanong ni Aika.
"Ang alin?"
"Kung nagsusulat ng diary si Ina dati pa at ang laman nitong diary na nakita natin ay tungkol sa love story nila ni Zach. Dapat may diary rin siya tungkol sa buhay niya o kung ano pa." Kunot noong sabi ni Aika. Napansin ko rin yon at hindi alam na napansin rin pala ni Aika kaya hindi ko na lang sinabi sa kanya.
"So it means may isa pang diary si Ina?" Tanong ko.
"Correct!! Kaya kailangan nating mahanap yon baka may makuha datong impormasyon tungkol sa pagkamatay niya." Natuwa ako sa naisip ni Aika kaya pumayag ako na hanapin namin ang diary pa ni Ina.
Help us Ina, tulungan mo kami na malaman kung bakit ka pintay at kung paano ka namatay.
......
To be continued.....VOTE & COMMENT

BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018