Someone's Pov:
Let's the war begin...
.....
Trixiana's Pov:"Anong ginagawa mo dit.."
"Nakuha ko na ang diary." Ang akala ko matutuwa siya sa sinabi ko pero kabaliktaran ang nangyari.
"So?"
"Anong so ka diyan! Hindi ka ba natutuwa na nahanap ko na ang diary?" Pagkatapos kong paghirapang kunin to kay Ever ay wala lang siyang pakialam. Nagpakahirap pa talaga akong tumakbo para lang hindi maabotan nila Ever tapos ganun ganun na lang.
"Tsk! It's not a big deal Trixi."
"Your impossible Zach! Alam mo ba kung saan ko yan nakuha?" Wala pa rin siyang pakealam kaya napangisi bigla ako sa naisip ko.
"*smirk* Well kay Ever ko lang naman nakuha ang diary na to." Isang palakpak para sakin dahil nakita ko kung paano nagulat si Zach dahil sa sinabi ko.
"Sigurado akong nabasa na nila ang nakalagay sa diary na to bago ko pa makuha sa kanila. Kaya nga hinabol pa nila ako para lang makuha ang diary na to. Nakikita ko rin ang galit sa mga mata nila. So Zach? Wala ka pa rin bang pakialam?" Tingna mo nga naman. Ang isang Zach ngayon ay parang isang maamong tuta na takot na takot.
Nice Trixi nagawa mong takutin ang isang Zach. Hahaha! Nakakatawa siyang tingnan. Masyado talaga siyang uto uto.
Hindi ko naman talaga alam kung nabuksan na ba nila Ever ang diary na to eh. Pero siguradong hindi pa talaga dahil halata naman kanina habang papalabas palang sila ng library. Parang kahahanap palang nila sa diary.
"N..nagbibiro k..kalang di ba?" Nauutal na tanong ni Zach na lalo kong ikitatuwa.
"Nagsasabi ako ng totoo Zach. Kaya kung ako sayo tigilan mo na lang yang kahibangan mo kaya Ever dahi nasisigurado kong ngayon pa lang ay galit na galit na yon sayo, satin. Alam kung may balak silang gumati kaya wala tayong magagawa kundi lumaban sa kanila. Nakita kong kalahati palang sa diary ang nababasa kaya nagmadali talaga akong kunin ito. Kaya kung kailangan nating makipagpatayan para lang hindi tuluyang mabunyag ang sekreto natin ay gagawin natin." Sumeryoso agad ako ng makita kong tahimik lang si Zach at nakatulala. Tsk! Poor him, masyadong lunod sa pagibig. Kailangan ko na talagang kumilos.
"Wag kang maging mahina Zach! Kung magiging ganyan ka lang! Tuluyang mabubunyag lahat ng sekretong nakatago sa diary na to! Wag mo munang isip yang nararamdaman mo dahil yana ng magiging kahinaan mo! Isipin mo muna kung anong dapat nating gawin!"
"H..hindi, sasabihin ko lang ang totoo kay Ever alam ko nam..."
"Baliw ka ba?! Kahit naman sabihin mo ang lahat lahat sa Ever na yon! Hinding hindi ka pa rin niya paniniwalaan dahil mas mahalaga sa kanyaang kaibigan niya kesa sayo! Mas pipiliin niya ng kaibigan niya kesa syo! Naiintindihan mo ba?! Ughhhh! Wala kang kwenta Zach! Bahala ka na lang sa buhay mo! Kahit lumuhod ka pa sa harap ni Ever hinding hindi ka niya mapapatawad sa ginawa mo!" Punong puno na talaga ako sa kagagohan ng lalakeng to. Kung ayaw niyang makipagtulungan di wag! Ako na lang mismo ang gagawa ng paraan kung paano ko malulusutan sila Ever.
.......
Zachary's Pov:Tama si Trixi, hindi rin naman niya ako mapapatawad eh. Kitang kita naman kasi na hindi kami magkatulad ng nararamdaman ni Ever ako lang yong nagpapakatanga sa kanya.
Panahon na para bumangon Zachary Wilson, panahon na. Tama na ang pagpapakatanga mo sa isang babae na wala namang ginawa kundi paasahin ka lang. Isipin mo na lang ang tungkol sa sekreto niyo.
"Sandali!" Pigil ko kay Trixi ng akmang lalabas na siya.
"Anong plano mo?" Natigilan pa si Trixi sa tanong ko pero maya maya rin ay bigla na lang siyang ngumisi.
"Let start the war. Kailangang maunahan natin sila. Pagsamahin natin ang grupo ko at ang grupo mo. Alam ko namang gagamitin din ni Ever ang grupo niya. Sivurado ring sa kanya kakampi yong Jenson na karibal mo sa kanya kaya panahon na para gantihan mo siya." Great idea Trixi. Gusto ko sang sabihin pero hindi na kailangan.
"Ok then, Let start the war."
......
Ever's Pov:"*Pout* pagod na talaga ako Ever. Pwedeng bang time first ulit?" Tinanguan ko lang si Aika sabay upo ko sa damuhan. Naging isip bata na naman ang isang to.
"Saan kaya nakuha ni Yanni yong kutsilyo no? Alam naman nating pinagbabawal yon dito." Nagkibit balikat lang ako.
"Baka sa canteen."
"Siguro nga. Ang galing mo talaga kanina. Nagawa mong patulugin si Yanni ng isang hampasan lang. Hahahaha! Ayon tuloy nahihimbing sa clinic." Tuwang tuwa na sabi ni Aika.
"Baliw na siya. Parang imposible namang makapatay siya dahil lang sa kaunting dahilan."
"Walang imposible dito sa school natin Ever. Kahit nga magpatayan tayo dito hindi imposible. Sa dami ba naman ng mga demonyo dito kasama na si Trixi hindi talaga imposible." Tama si Aika, walang imposible dito. Kahit magpatayan nga kami dito walang pipigil at wala ring makakaalam dahil nasa isang lugar na kung saan pati daan palabas ay isang sekreto.
"Pansin ko lang din sa ibang students dito. Kunting bangga lang sa kanila ay para na sila Tigre na galit na galit. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanila. Kaya nga pagnagpupunta ako ng canteen gulo agad ang madadatnan ko eh. " nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Aika.
"Ganun rin ang napapansin ko kay Van. May tumungin lang sakin na lalake sobrang galit na galit na at agad na aawayin hong lalake. Kaya agad ko na lang siyang yinayakap para naman kumalma ng kaunti. Parang sobra naman siyang makapagreact dahil lang don at pakiramdam ko ang creepy non. Kaya minsan umiinit din ang ulo ko sa kanya kaya nagaaway tuloy kami." Hindi ko pa rin maintindihan yong mga sinasabi ni Aika.
"Sinasaktan ka ba niya?"
"Hindi naman, nagiiwasan lang kami katulad ngayon. Naiinis pa rin ako sa kanya kaya hindi ko siya pinapansin at siya naman, ayon parang wala lang pakealam." Ramdam ko ang lungkot ng tono sa huling sinabi niya.
"Wala akong alam sa mga ganyan pero mas magandang wag mo na muna siyang isipin." Sabay tapik ko sa balikat niya.
"Yeah, hindi ko muna siya iisipin. Kailangan muna nating isipin ngayon kung paano natin mahahanap si Trixi." Tumango na lang ako dahil wala na akong masabi.
.....
To be continued....VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018