War of High School 68

1.3K 27 2
                                        

Third Person's Pov:

"Ihulog na yang dalawang yan!" Agad namang nagskilos ang tauhan ni Mrs. Cardova at hinila sina Trixi at Zach habang ang sina Ever naman ay kinakabahang nakatingin sa mga ito.

Wala silang magawa dahil na rin sa mga lalakeng nakapalibot sa kanila na may mga  baril na nakatutok sa kanila.

Gustuhin man nilang manlaban, sigurado namang sila ang mamamatay. Kaya hanggang panalangin na lang ang magagawa nila para mailigtas silang lahat.

"Ano pang hinihintay niyo?! Pagsabayin niyong ihulog ang dalawang yan!!" Nagaalangan pa ang dalawang lalakeng nakahawak sa dalawa.

"W..wag! Maawa ka!" Pagpupumiglas pa ni Trixi habang si Zach naman ay parang wala sa sarili at nakatingin lang sa kawalan.

"Bakit? Naawa ba kayo ng hinulog niyo ang anak ko? Hindi naman diba? Sa halip ay itinago niyo pa! Kaya walang rason para maawa ako sa inyo!"

"Hindi ko sinasadya yon! At hindi ko siya hinulog dahil aksidente yon! Please maawa ka!" Patuloy pa rin sa panlalaban si Trixi sa mga lalakeng nakahawak sa kanila.

"Mrs. Cardova pagusapan natin to, kahit naman po may kasala.."

"Manahimik ka! Isa ka pa! Di ba kaibigan ka  ng anak ko? Bakit mo siya hinayaang mamatay?! Dapat prinoprotekhan mo siya dahil kaibigan mo siya! Pero ano?! Wala ka man lang nagawa kaya manahimik ka na lang diyan dahil ikaw ang isusunod ko!!" Nagulat na lang ang lahat ng biglang maglakad si Mrs. Cardova palapit kay Trixi at ito mismo ang nagtulak rito.

"Tulong!!" Sigaw pa ni Trixi bago ito tuluyang mahulog.

Gulat lang ang mababakas sa mga mukha ng mga studyante. Hindi sila makaimik at tila prenoproseso pa nila  sa kanilang utak ang biglang pangyayari.

Miski si Ever ay hindi rin makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala.

"See? Ang dali dali lang ng inuutos ko hindi niyo pa magawa ng mabilisan!!" Pagalit na sabi ni Mrs. Cardova sa  kanyang tauhan na nakahawak kanina kay Trixi at nagaalangan sa pinagutos nito.

"Pasensya na po ma'am." Sabi na  lamang ng kanyang tauhan na sinamaan niya lang ng tingin.

"Ikaw! Baka hindi mo pa magawa?! Isunod mo na rin ang isang yan!" Turo nito kay Zach.

Nagpipigil hininga ang lahat, tila bumagal ang oras habang unti unting linalapit ng lalake si Zach sa pinakaharang ng rooftop.

Nakatunganga lang si Zach at tila walang pakealam sa mga nagyayari. Sunod sunuran lamang siya sa lalake.

Ng akmang itutulak na siya ng lalake ay bigla na lang...

"Itaas ang kamay!! Ibaba niyo ang mga baril niyo!" Napalibutan na agad sila ng mga pulis na ipinagtataka nila.

Pati si Mrs. Cardova ay gulat na gulat hanggang sa di na niya namalayan na may nakalapit na pala sa kanyang isa sa mga ito at linagyan siya ng posas.

Ganun rin ang ginawa nila sa mga tauhan nito na  wala ring nagawa kundi ang sumunod dahil napapalibutan na  rin sila.

"A..anong nagyayari?" Wala sa  sariling tanong ni Mrs. Cardova.

"Dadalhin na po namin sa Head Quarters at doon po namin kayo kakausapin ma'am." Hindi na nakaimik pa si Mrs. Cardova at wala sa sariling sumunod sa mga ito.

"Ever!" Agad na lumapit si Aika sa  kanya at yinakap siya nito ng mahigpit at ganun rin ang ginawa niya.

"Ayos ka  lang ba? Anong nangyari? Wala bang masakit sayo?" Puno ng pagaalalang tanong ni Aika.

"Ayos lang ako Aik, ikaw? Ayos ka lang?"

"Oo ayos lang ako."

"Teka si Liam may saksak siya!" Taranta niyang sabi at hinanap ng paningin niya si Liam.

"Nasa baba na siya sa baba." Tila nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ni Aika.

.....
Ever's Pov:

"Tapos na, ayos na ang lahat." Hingal na sabi ni Aika saka umupo sa tabi ko.

"Paano niyo nahanap ang daan palabas?" Tanong ko sa kaniya.

"Mahabang kwento, basta ang daan palabas ay isang under ground street na tanging mga driver lang ng school bus natin ang nakakaalm pati na rin ang may ari ng school." Napatango naman ako sa sinabi ni Aika.

Kami na lang pala ang natitira dito sa rooftop. Nagsibabaan na pala ang lahat maliban saming dalawa.

"Teka nga, ano bang nagyari at bakit hinuli si Mrs. Cardova? Ano ang ginagawa niya dito?"

"Mahabang kwento rin Aika. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod."

"Halika na baba na tayo." Aya ni Aika sabay tayo kaya tumayo na  rin ako at sabay kaming naglakad pababa.

.....

"Honey are you okay?" Agad namang yumakap ng mahigpit si Aika kay Van ng makita niya ito.

"Ayos lang ako, ikaw? Agos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Nagaalalang tanong ni Aika kay Van.

"Ayos lang ako, mga galos lang ang natamo ko."

Hinayaan ko na lang si Aika don sa boyfriend niya at hinanap ng paningin ko si Liam.

"Babe naman, sorry na nga eh!" Imbes na si Liam ang mahanap ko ay nahagip ng paningin ko sina Zico at Shantal na parang may LQ na naman.

"Heh! Manahimik ka na nga lang diyan! Pagod ako kaya gusto ko nang magpahinga! Saka na nga lang magsorry diyan!" Masungit na sabi ni Shantal na yumakap naman sa nobyo at sabay na  ipinikit ang mata.

Nakaupo kasi ang dalawa sa isang beanch at nakapatong ang ulo ni Shantal sa dibdib ni Zico habang nakapikit ang mata na halata nga ang pagod.

"Sige magpahinga ka na lang muna  babe." Nailing na lang ako sa dalawa.

"Babybabe dito!" Agad na nadako ang tingin ko kay Liam na nakaupo sa bungad ng ambulansya sa likod. Agad akong lumapit sa kanya.

Ng makalapit ako sa kanya ay bigla na lang niya akong yinakap ng mahigpit na ikinagulat ko.

"I miss you, miss na mis na kita Everly.."

Everly...

Everly...

Everly...

"Ashton??"

.....
To be continued....

VOTE & COMMENT


War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon