War of High School 12

1.7K 53 1
                                        

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:

Pagpasok ko palang sa room ay bumungad agad sakin ang mga mukha ng mga kaklase kong parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nanaman? Anong meron?

"Nangyari sa kanila Aika?" Tanong ko agad kay Aika ng makalapit ako sa kanya.

"Ewan ko nga rin, pagpasok ko rin kanina ganyan na ang mga mukha nila parang namatayan na hindi." Sagot niya.

"Ano ba talagang meron?"

"Di ko din alam Ever, pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda ngayon parang magiging ganyan din ang hitsura natin na parang namatayan." Tama si Aika, pakiramdam ko rin yon. Sana naman hindi mangyari kung ano man yon.

"Good morning students! Sa araw na ito ay magaganap ang botohan ng ating magiging sunod na queen kaya manatili kayo sa inyong sari sariling class room dahil pupunta na lang ang ating students sa bawat room niyo. Understand? Now.... let the voting begin!" Nakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa sinabi ni president sa speaker ng school na rinig na rinig ng bawat students. Umaasa akong mananalo ako sa posisyong ito para matupad ang gusto ng mga studyante dito. Sawa na akong makitang may inaapi, sawa na akong may sinasaktan at ayaw ko na ring mawalan.

Gusto kong manalo para rin matupad ang mga plano ko. Gusto kong mabigyan ng katarungan ang nangyari dati, yong ginawa niysa sa kanya hindi ko yon matanggap at kahit kailan hindi ako matatahimik dahil sa ginawa niyang yon.

"Hindi ko kayang gawin yon sa kanya! Kaibigan ko siya at imposibleng magawa ko yon! Maniwala po kayo sakin! Nagsisinungaling lang po siya dahil gusto niya lang akong maparusahan dahil naiinggit siya sa higit na atensiyon na binibigay sakin ni...."

"Ikaw ang sinungaling! Isa kang demonyo! Paano mo nagawa yon sa kanya?! Ha?! Dahil naiinggit ka sa pagiging queen niya? Dahil naiinggit ka na mas madaming atensyon ang nakukuha niya? O dahil siya ang mahal ng taong mahal mo? *Pak!*"

"Hindi yan totoo! Hindi ako naiinggit sa kanya! Sinungaling ka talaga! Pwede kong makuha ng lahat ng yon sa sarili kong paraan! Pero hindi ko kayang pumatay ng tao para lang makuha yon!

"Ever umiiyak ka!" Nabalik ako sa realidad ng biglang sumigaw si Aika.

"H..ha?"

"Sabi ko umiiyak ka." Hinawakan ko kaagad ang pisngi ko at totoo ngang umiyak ako dahil basa ito. Dahil nanaman doon umiyak ako.

"Wala lang to wag mo nang pansinin." Sabay punas ko sa pisngi ko.


"Sigurado ka?"

"Oo, okay lang ako."

"Okay, sabi mo eh. By the way punta muna tayong canteen dahil maya maya lang dadating na rito yong mga student council." Tinanguan ko na lang si Aika at sumunod sa kanya palabas ng room.

Kunting kunti na lang, matutupad na ang mga plano ko. At sana naman kung nasan ka man ngayo ay samahan mo ako sa laban na to.....


.........
To be continued....

[A/N: This chapter is dedicated to: yerinjung15 and FlySkyscaper]

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon