War of High School 37

1.5K 30 12
                                    

Ever's Pov:

"Lady E tara na po sa gym!" Pagtawag sakin ni Shantal.

Papunta kasi kami ngayon sagym dahil ngayon na ipapakilala ang mga transferee kaya nagsama sama ang mga taga Maleyon at Femaleyon na students para salubungin sila. At syempre ang demonyitang Queen namin ang may pakana nito.

"Susunod ako." Tipid kong sagot kaya nauna tumango na lang si Shantal at tumakbo palabas ng room habang naiwan naman akong magisa.

Maya maya pa ay lumabas na rin ako dahil mukhang nagsisimula na ata ang kung anong meron sa gym at pakiramdam ko na kailangan ko yong masaksihan. Kanina pa talaga ako nakakaramdam ng kakaiba pero binabaliwala ko lang yon.

Habang naglalakad ako sa sa hallway papunta sa gym ay bigla ring lumalakas qng tibok ng puso ko na parang may mangyayari ngayon na hindi ko inaasahan. At sa ikalawang pagkakataon ay umiling iling lang ako at pinilit kong inalis ang kabang nararmdaman ko o kung ano man. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na nga ako sa bungad ng gym at kitang kita ko mga students na panay ang bulungan na hindi ko naman maintindihan.

Napagpasyahan ni Trixie na ang Femaleyon gym ang gamitin para sa kabaliwan na to dahil medyo malawak ito kesa sa gym ng Maleyon. Tss! Isa talagang kabaliwan ang nangyayari ngayon para sakin. Pwede namang pumasok na lang yong mgatransferee at sa kung saang building na lang sila magpakilala kesa mag abala pa ng ganitong okasyon na pawelcome daw sa kanila sa pagpasok nila sa school na to. Kahit naman pagbalik baliktarim mo pa ang buong school na to ay siguradong hindi magiging maganda ang pagpasok nila dito eh.

"Your here! Hahanapin sana kita eh." Biglang sulpot ni Zach sa harap ko na hindi ko na ikinagulat dahil nasanay na siguro ako na bigla na lang siyang susulpot na parang kabute. (ー_ー)!!

"Yeah im here, bawal ba?"

"Hindi, kanina pa nga kita hinhintay halika na." At bigla niya nalang akong hinila kaya hindi na lang ako nagreklamo pa.

Umupo kami malapit sa unahan ng stage ng gym at malamang sa malamang ay katabi ko si Zach dahil siya nga ang humila sakin.

Tmingin tingin ako sa paligid hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang lalake at babae na magkatabing nakaupo habang magkahawak ang kamay nila at sweet na sweet na kulang na lang ay mahiya sa kanila ang mga pulang langgam. Si Van at Aika lang naman yon, ang bruhang babae na kanina ko pa hinahanap dahil kanina pa rin ako naaabalibadbaran sa pagmumukha ni Zach. Tss! Sarap talagang sabunotan ng babaeng yon, palagi ba naman akong iwan at hinahayaang kulitin ni Zach. Kaibigan ko ba talaga siya? (ー_ー)!!

"Mukhang nandito na nga lahat ng students at pwede na nating simulan ang pagpapakilala sa ating mga transferee. So hindi ko na pahahabain pa at isa isa ko ng tatawagin ang mga bagong students ng Hellyon High School. Let's welcome the new students! Yuanna Tan! Luella Harrison! Zico Smith! And Liam Jenson Standford!" Isa isang nagsiakyatan ang mga transferee sa stage habang nagpapalakpakan naman kami.

Isa isa ko silang tinitigan at bigla akong natigilan ng makita ko ang mukha ng isa sa lalaking transferee na ngayon ay nakaharap na at ngiting ngiti na nakatingin sa mga students na nagpapalakpaka.

Hindi! Hindi pwede! Paanong.... Hindi siya yan, wala na siya at magkaibang magkaiba sila.

.....
Third Person's Pov:

Nakatuon lang ang atensyon ni Ever sa lalakeng nasaharapan niya habang nagsisimula na palang magpakilala ang mga transferee.

Hindi niya talaga maalis ang tingin niya dito dahil nagbabakasakali siyang siya nga ang lalakeng ito. Magkahawig na magkahawig sila at ang ipinagkaiba lang nila ay ang lalakeng ito ay may hikaw sa isang tenga, kulay abo kulay ng buhok, nakataas ang buhok nito at mapapansin din na palangiti ito hindi katulad niya na bagsak ang kulay itim niyang buhok, walang hikaw sa tenga, at hindi palangiti.

"Hi! I'm Yuanna Tan but you can call me Yuna." Pagpapakilala ng isa sa mga transferee.

"Luella Harrison."

"Zico Smith."

"Hi! Im Liam Jenson Stanford the handsome but you can call me Jenson or handsome *wink*" malokong sabi ni Liam na isa rin sa mga transferee na naging dahilan ng pagtili ng mga babaeng studyante. Hindi kasi maipapagkaila na guwapo ito. Habang si Ever naman ay natulala na lang at hindi na alam ang mga nangyayari sa paligid niya hanggang kusang lumabas sa bibig niya ang pangalan na pilit niya kinakalimutan.

"Ashton?....." kasabay ng pagpatak ng isang butil ng kanyang luha.

........
To be continued....

This Chapter is dedicated to: Aileruss thank you sa pagsuggest ng pangalan bhe(*^ω^*)!!

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon