War of High School 64

1.2K 24 24
                                    

Trxiana's Pov:

"Siguradong nasa loob lang sila ng gym na ito at nagtatago sa dilim. Nakikinig at nakikiramdam lang sila sa mga kilos natin kaya wag kayong mga tanga." Kahit naiirita ako sa mga tangang to ay pinigilan ko lang sarili ko na laksan ang boses ko dahil siguradong nasa palagid lang ang kampon ng Ever na yon.

Aaminin kong hindi ko naiisip na gagawa sila ng kung anong pakulo dahil ang nasa isip ko lang kanina ay ang mapatay ang Ever na yon na kontrabida sa buhay ko.

Lahat na lang gusto niyang agawin sakin. Trono, atensiyon ay gusto niyang agawin sakin, at pati na si Zach ay inagaw niya sakin.

Nangiginig ang na akong patayin ang Ever na yon. Bigla na lang bumalik sakin ang mga panahon kung paano niya sinubukang agawin sakin ang trono ko at noong mga  panahon na napunta sa kanya ang atensiyon ng mga students at pati na rin ni Zach.

Hinding hindi ko makakalimutan ang panahon na yon kaya isa rin yon sa dahilan maliban sa sekreto ko kaya naiisip kong magkaroon ng war dahil ito ang paraan para mapatay ko si Ever.

"Kami na po muna ang bahalang pumasok sa gym Queen. Yong may mga injury po ay iiwan na muna namin dito kasama niyo. Bubuhayin lang po namin ang switch ng ilaw ng gym bago po kayo sumunod ni King. Tara na." Nagsisunuran anamn si kay Yanni.

"Maghintay muna tayo dito Zach. Pagnabuhay na ang ilaw sa paligid ay saka na  tayo susunod para naman makita natin ang mukha ng mga talunan na yon." Sabi ko kay Zach na nasa tabi ko lang at kanina pa tahimik.

"I know." Tss! Gusto ko sana siyang samaan ng tingin dahil sa sagot niya pero hindi ko na lang ginawa. May natitira pa naman akong pasensya para sa kanya.

.....
Third Person's Pov:

"Ahhhhh!!!" Natigilan ang ibang kasamahan ni Trixi ng makarinig sila ng isang malakas na sigaw galing sa isa nilang kasamahang babae.

"Jesus! Ahhh!" Malakas pa nitong sigaw at naramdaman nilang parang may natumba sa sahig.

"Anong nangyayari?!" Natatarantang tanong ng iba at agad nagsilapitan ang iba sa sumigaw na kasamahan.

"Sh*t!!"

"Ahhh!!"

"T*ngina!!" At kung ano ano pang sigaw ang narinig nila galing sa ibang kasamahan.

"Ano bang nagyayari sa inyo! Punyeta!!" Galit at kinakabahang sigaw ni Yanni na napatigil din dahil sa narinig na daing ng mga kasamahan nila.

"Ang sakittt!! Ayoko na!! Huhuhu!!" Palahaw ng isang babaeng students na kasama nila.

"Yong ilaw! Buhayin niyo yong ilaw!! T*ngina! Ang sakit! T*angina!" Mura pa ng isang lalake habang ang iba naman ay hihikbi at umuungol sa sakit.

"Oh my ghad! Ano ba talagang nagyayari?! Yong ilaw daw! Ano ba! Buhayin niyo yong ilaw!!" Natatarantang sigaw ni Yanni.

"F*ck this! Open the light mga bobo!!" Nagulat na lang sila sa malakas na sigaw ni Trixi kaya gad na  nagsikilos ang iba upang mabuksan ang ilaw.

At maya maya pa ay tuluyan na ngang nag bukas ang ilaw ng buong gym at nagimbal sila sa nasaksihan nilang pangyayari sa iba nilang kasamahan.

May mga kung anong matutulis na bagay ang nakatirik sa sahig at parang sinadyang ilagay itong patihaya na kung maapakan mo ay maari kang matusok.

Yon nga ang nangyari sa mga kasamahan nila. Naapakan nga ng mga ito ang matutulis na bagay at siguradong tumagos ito sa sapatos nilang suot kaya natusok ang mga  paa nila na naging dahilan para mapaupo sila sa sahig na kung saan marami pang naghihintay na matutulis na bagay doon na naging dahilan din ng pagkatusok ng ibang pa ng katawan nila.

Nakikita nila kung paano dumugo ang mga  sugat na nakuha ng mga kasamahan galing sa matutulis na bagay. Pati ang sahig ay nagkamantsa na rin ng dugo.

Ang iba  ay naawa sa sinapit ng kasamahan at ang iba naman ay galit na galit sa nakikita katulad na lang ng kanilang Reyna.

"Lumabas ka Ever kung saan ka man nagtatago ngayon!! Isama mo na rin yang mga kasamahan mo!! Pagsisisihan mo talaga lahat ng ginawa mo, niyo ng kasamahan mo sa ginawa mo sa grupo ko! Papatayin kita!!" Nanggagaliiting sigaw ni Trixi. Pulang pula na ang buong mukha nito dahil sagalit.

Galit na galit ito dahil hindi niya matanggap na naisahan siya ni Ever na yon. Akala niya isang napagaan na  pakulo lang ang hinanda ni Ever pero nakamali siya  dahil may kasunod pa pala ito.

.....
To be continued....

*Time check: 12:47 am! Hindi pa ako dalawin ng antok kaya nagupdate na lang muna.😂😂*

VOTE & COMMENT



War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon