War of High School 54

1.3K 27 4
                                    

Ever's Pov:

"Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang yon don sa library at magkasama pa sila ha. Kunwari pang may gusto sayo ang Zach na yon! Eh kasa kasama niya naman pala ang Trixi na yon! Tama lang talaga na pinatigil mo siya sa pangungulit sayo. Mabuti pa itong si Jen.."

"Shut up Aika! Daldal mo."

"Babybabe nagsasabi lang nam.... sabi ko nga tatahimik na." Tss! Buti naman dahil kung hindi babatukan ko talaga siya.

"Bakit ka ba nandito? Pumunta ka na nga sa building niyo." Pagtaboy ko kay Liam.

"Pinapalayas mo na ako babybabe? Grabe ka naman, gusto ko lang naman na makasama ka tapos pinapalayas mo na ako. Ano yon? Pagkatapos kitang ipagtanggol sa panget na  Zach na yon ganyan na... blah blah blah..." hindi nga siya nagsalita kanina ng makasalubong namin sila Zach eh (ー_ー)!! Makaalis na nga lang dito.

"Uyy! Babybabe san ka pupunta! Ayan ka naman eh! Iiwan mo na naman ako eh!" (ー_ー)!!

......
Third Person's Pov:

Nakatunganga pa rin si Zach sa libray.  Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Trixi. Pakiramdam niya natauhan siya sa sinabi ng dalaga ngunit hindi niya naman maitanggi na totoo talaga ang nararamdaman niya para kay Ever at ayaw niya sukuan ito dahil ngayon lang siya nagmahal ng ganito.

Kung totosin mas minahal nga niya si Ever kesa sa dat niyang kasintahan na si Ina.

Kaya lang naman siya lumapit at nanligaw kay Ina noon dahil gusto niyang makuha ang trono ng pagiging Hari/King. Wala talaga siyang nararamdaman dito. Kung baga ginamit niya lang ito para maging iba ang tingin sa kanya ng mga  studyante dahil kasintahan siya ng kanilang Reyna/Queen.

At ng sagutin nga siya ni Ina natupad ang kanyang ninanais. Naging Hari siyang ng buong Hellyon High School na ikinatuwa niya.

Habang siya ay hari nananatili pa rin ang pagiging magkasintahan nila ni Ina. At habang nagtatagal ay nakakaramdam na rin siya ng pagkagusto sa dalaga na hindi niya inaasahan dahil ang alam niya lang ay ginagamit niya lang ito at wala dapat siyang maramdaman para dito.

Ngunit hindi niya rin mapigilan ang sarili kaya hinayaan niya na lang ang sarili niya magkagusto sa dalaga. Ng tuluyan ng mangyari yon ay saka naman dumating si Trixi at ginulo ang nananahimik nilang relasyon.

Pero hindi sila nagpatinag sa dalaga at kahit anong pagsira nito sa relasyon nila ay pilit nilang pinapatatag ang pagsasama nila.

Isang araw na mabalitaan ng buong iskwelahan na patay ang kanilang Reyna at walang sino man ang nakakaalam kung sino ang may gawa nito.

Nalungkot siya sa nangyari sa dalaga at hindi siya makapaniwala. Palagi siyang nasa isang sulok at nakatulala. Hindi niya na rin magawang pumunta sa libing nito dahil hindi niya kayang makitang wala na itong buhay. Pakiramdam niya habang buhay niya itong pagsisisihan.

Nasaktan siya sa nangyari sa dalaga ngunit pinilit niyang kalimutan ito na nagawa niya naman.

At isang iglap ay nakalimutan niya ang nararamdaman kay Ina ng matuon ang pansin niya sa kaibigan nito na si Ever.

Unang beses niyang makita ito ay nagkaroon na siya ng interes rito na pinagwalang bahala niya lang dahil nga kasintahan pa niya noon si Ina.

Nagtuloy tuloy na nga ito at hindi niya napigilan ang sariling mahalin ito lalo pa't palagi niya itong kinukulit at sinasabing gusto niya ito na palagi na naman siyang sinigawan nito at kinakainisan dahil isa daw siyang demonyo na hindi niya lang pinapansin.

At ngayon nga na minahal na niya ito ng tuluyan. Papakawalan niya pa ba? Ngayon lang siya nagmahal ng ganito at walang makakapigil sa kanya na makuha ang gusto niya.

Anong silbi ng pagiging Hari niya kung hindi niya ito magamit para makuha ang gusto niya.

Kung hindi niya makuha ang dalaga sa madaling paraan pwes gagawa na lang siya ng ibang paraan para makuha ito gamit ang kapangyarihan niya bilang Hari ng buong Hellyon High School.

......
Someone's Pov:

Uubusin ko kayong lahat at wala akong ititira. Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat ika nga nila. Tutal kaaisa lang naman nilang lahat ang pumatay sa kanya. Lalahatin ko na at masisiguro kong dadanak ang dugo dito mismo sa school na to. Kung saan siya ginamit at pinatay.

Nanginginig ako sa galit habang inaalala ang mga nalaman ko. Kulang pa nga ang mga buhay nila sa ginawa nila. Pakiramdam ko hindi pa ako makukuntento kung mamamatay lang sila kaya sisiguraduhin kong maghihirap muna sila sa sariling kamay mismo ng mga kaisa nila.

......
Another Someone's Pov:

So kaibigan niya rin pala yon. Pero wala rin naman akong pakealam don dahil yong kapatid ko lang ang inaalala ko.

Kailangan kong mahanap agad agad yong diary na yon dahil lahat ng gusto kong malaman ay nakapaloob sa diary na yon.

.......
To be continued....

Ever + Zachary =
Ever + Liam/Jenson =

Tapos alin ang gusto niyo sa dalawa na makakatuluyan ni Ever??

I'm hoping to your answer reader/readers (*^ω^*).

Dedicated to my only one reader: Aileruss thanks bhe sa pagsupport mo sa story ko lab you! 😙❤

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon