Ever's Pov:
"Mukhang wrong timing ang dating ko. Hindi pa kayo tapos magpatayan. Pero dibale na lang, ako na lang tatapos sa mga natitira sa inyo. Dalhin niyo lahat ng humihinga pa at pabayaan na lang ang mga patay na!!" Biglang may nagsilabasang mga lalakeng may mga dalang baril na ikanagulat namin.
Pinalibutan nila kami at isa isang kinuha at linabas ng gym.
Manlalaban sana ang iba kaso may mga baril sila na nakatutok sa bawat isa sa amin kaya siguradong hindi sila magdadalawang isip na iputok ang baril nila kapag nanlaban kami.
Hanggang sa kami na ang pinatayo nila. Pati si Liam na hirap na hindi pa nila pinalagpas.
"Pati si Trixi dalhin niyo!" Agad din naman nilang dinala si Trixi na wala ng malay.
Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin pero sigurado akong masama ang binabalak nila sa amin.
"Saan niyo po ba kami dadalhin?" Tanong ni Shantal.
"Manahimik ka na lang diyan bata!" Sita sa kanya ng lalakeng nakahawaksa kanya.
"Ayos ka lang ba Liam?" Tanong ko kay Liam na malapit lang sa tabi ko kaya sigurado akong rinig niya ang sinabi ko.
"Ayos lang babybabe, wag kang magalala hindi naman na masyadong masakit ang sugat ko." Nakahinga naman ako ng maayos sa sagot niya.
Tahimik lang kaming lahat na naglalakad habang nakasunod sa amin ang mga lalakeng may dalang baril.
Walang ni isa sa amin ang magsalita dahil na rin siguro sa takot sa mga lalakeng nasa likod at unahan namin. Kung wala silang mga baril baka kanina pa kami nakawala sa kanila.
Dahil na rin sa katahimikan ay hindi ko namalayan na nasa rooftop na pala kami. Teka, rooftop?? Anong gagawin namin dito??
"Magsiupo kayong lahat!! Kayo naman ay palibotan niyo sila!" Sabay turo niya sa mga lalake. Habang kami naman ay nagsiupo sa lapag ng pabilog.
"Mukhang nagtataka siguro kayo kung anong mga nangyayari at kung bakit ko kayo dinala dito? Well gusto ko lang naman ipaalala sa inyo kung saan namatay ang Reynang tinuturing niyo dati." Napasinghap kaming lahat dahil sa sinabi niya.
"Ano po bang kailangan niya sa amin at dinala niyo kami dito? Diretsuhin niyo na po kami! At saka ano naman ang kinalaman ng pagkamatay ng dating Queen namin dito?" Ramdam ko ang pagkairita ni Shantal.
"Alam kong itatanong niyo yan kaya naman hindi ko na rin patatagalin pa ito dahil nasasabik na rin akong ihulog kayo isa isa dito sa rooftop. Pero bago ang lahat kailangan muna nating gisingin ang Inyong Queen na nahihimbing ang tulog ngayon. Buhusan niyo yan ng tubig!" Kumilos naman ang isa sa mga lalake at agad na binuhusan ng tubig si Trixi na hindi ko alam kung saan galing ang tubig na yon. Agad namang nagising si Trixi at takang takang nakatingin sa paligid niya.
"Dalhin niyo siya dito sa harap ko pati na rin ang Zach na yon!!" Sabay turo niya kay Zach na ngayon ay tahimik at parang namumutla na.
"A..anong n..nagyayari dito?" Utal na tanong ni Trixi.
"Naaalala niyo ba kung anong meron sa lugar na'to?" Kita ko kung paano mamutla si Trixi at ganun na rin si Zach. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan kung ano bang pinupunto niya at naguguluhan din ako kung ano ang balak niyang gawin sa amin.
Tama ba ang narinig ko kanina? May balak siyang ihulog kami ditong lahat?
"A..ano b..bang sinasabi mo? Pakawalan mo ng..."

BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018