War of High School 62

1.2K 17 0
                                        

Ever's Pov:

''Ano naman ang mga gamit kakailanganin natin panlaban sa kanila?'' tanong ni Rayo na isa sa kaibigan ni Liam.

''Sinabi ni Trixi na gusto niya tayong patayin so it means madugo ang laban na mangyayari mamaya.'' sabat naman ni Shantal.

''My god! That Trixi is really an crazy demon! Kaya niya talaga tayong patayin? Hindi ba siya natatakot pumatay? Ughh!'' High blood na sabi ni Aika.

''Chill nga muna kayo, mabuti pang pagusapan na lang natin kung ano ang ipapanlaban natin sa kan....'' naputol ang sasabihin ni Axe ng bigla na lang may humahangos na pumasok, kaya napunta ang atensiyon namin sa may pinto.

''Narinig kong gagamit sila ng mga patalim na mula sa canteen katulad ng kutsilyo.'' agad na bungad samin ni Ann na hingal na hingal at mukhang galing pa sa pagtakbo.

"Saan ka ba galing Ann at mukhang ginahasa diyan?" Gulo gulo kasi ang buhok ni Ann at para ngang ginahasa.

"Galing ako sa kabilang building dahil gusto ko sanang alamin kung anong plano ni Trixi. At yon nga nalaman kong may war na magaganap. Narinig ko ring sinabi ni Trixi na gagamitin nila ang mga patalim na galing sa canteen. Kaya naman ganto ang hitsura ko ay muntik na akong mahabong ng nagbabantay sa gate ng Maleyon building kaya tumakbo ko at mabuti naman at nakalabas ako." Mahabang lintaya ni Ann na ikinatango naming lahat.

"T*ngina! May patayan ngang magaganap mamaya." Art.

"At wala tayong ibang tapat gawin kundi ang labanan sila dahil kung hindi ay mapapatay nila tayo. Kung gagamit sila ng patalim ay kailangang gumamit rin tayo. Kuhanin natin lahat ng kutsilyo o ano mang matutulis na bagay sa canteen na magagamit nating panlaban. Tutal sila naman ang susugod satin ay kailangan din nating gumawa ng kaunting bitag." Seryosong sabi ni Liam. Marunong pala siyang magseryoso, ngayon ko lang nalaman. (ー_ー)!!

"Good idea Jenson. Kahit yong simpleng mga bitag lang na alam niyong gawin." Van.

"Magnap tayo ng thumb tacks o push pins na pwede nating ilagay sa bungad ng gate ng Maleyon building... Aray!!" Suggestion ni Zico at bigla na lang siyang binatukan ni Shantal.

"Sigurado ka talagang thumb tacks? Hello! Nakasapatos kaya tayong mga students at kahit apakan mo pa ang thumb tacks hindi aabot sa paa mo kasi nga nakasapatos tayo hindi naka tsenelas. Remember may takong ang sapatos natin!'' masungit na sabi ni Shantal sa boyfriend niyang nagkakamot na ngayon ng ulo.

''Grabe ka naman Shantal sa boyfriend mo, nagsusuggest lang naman eh.'' pagtatanggol ni Aika kay Zico.

''Pwede bang wag niyong dalhin dito yang LQ niyo. '' iritang sabi ni Jaycen.

''Whatever Jaycen!'' Shantal

''Tumigil na nga kayo, seryosong usapan to kaya umayos kayo at makisama. Shantal nagsusuggest lang naman yang boyfriend mo eh. At saka pwede rin nating gawin yong sinabi niya pero mas maganda sigurong try nating gamitin ang push pins dahil bukod sa medyo mas mahaba ang talim non kesa sa thumb tacks ay siguradong marami yon sa mga office ng mga teachers dito.''

''Good to hear that Ann, try nating gawin yon. Pagsapit ng  ala sais ay sa gym magtitipon tipon ang iba habang ang iba naman ay magsisilbing back up. Mamaya ko na sasabihin ang ibang plano basta kailangan lang muna niyong hanapin ang mga ipapahanap ko sa inyo habang ang iba naman ay tutulong sa pagplaplano pa. At sisiumulan na natin yon ngayon.''

......

To be continued...

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon