Ever's Pov:
Pinipeste na naman ako ngayon ni Zach kaya hindi ko maiwasang murahin sa isip ko si Aika dahil iniwanan niya na naman ako kaya kinukulit ako ngayon ni Zach.
Bakit ba kasi naisipan ni Trixie na ipermamente ng bukas ang Maleyon building. Araw araw tuloy nangungulit sakin siya Zach at nakakainis talaga. Hindi ko alam kung kailan niya ako titigilan sa pangungulit.
"Samahan na lang kita kung saan ka pupunta my queen." Napipikon na talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailan niya ako titigilan. Ano ba kasing pumasok sa kukute niya at palagi niya na lang akong kinukulit. Diba nga gusto ka niya. Natigilan bigla ako sa pumasok sa isip ko.
"Stop with this Zach." Seryoso kong sabi sa kanya kaya nakita kong naging seryoso na rin siya.
"Manhid ka ba talaga Ever? At hindi mo malaman na kaya ko to gingawa kasi gus..." pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.
"Tigilan mo na.."
"I don't want!! Ayoko!!" Sigaw niya bigla na ikinatahimik ko. Nakita ko ang galit sa mga mata niya na parang kunti na lang ay sasabog na siya. Nagiba ang aura niya na ikinakaba ko bigla kaya nanahimik na lang ako pero hindi ko ipinakitang kinakabahan ako dahil gusto kong makita niyang hindi ako takot sa kanya. Pakiramdam ko nagiging halimaw siya kapag sobrang galit na galit siya at parang nakikita ko yon ngayon.
"Ilang bese mo na ako ipinagtabuyan Ever at sa tingin mo ba okay lang yon sakin! Akala ko ba ayos na tayo! Nagusap pa nga tayo matapos niyong magaway ni Triexie! Nagpasalamat ka pa nga sakin matapos kitang tulungan! Tapos ngayon palagi mo akong ipinagtatabuyan! Ayoko.ng.rejection.Ever!! Kaya kong wala ka pang nararamdaman para sakin ay maghihintay ako. Pero habang hindi parin nangyayari yon..." sinadya niya putulin ang sasabihin niya at ako naman ay gulat na gulat pa rin habang wala pa ring emosyon ang makikita sa mukha ko dahil itinago ko lang ang pagkagulat ko.
"Akin ka pa rin. Akin.ka.Ever.Akin. Wag ka ng magtaka kong lagi ako sa tabi dahil gusto ko lang bantayan ang pagaari ko." Madiin niyang sabi.
Katahimikan ang bumalot saming dalawa. Nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinagsasasabi niyo o hindi. Biruin mo naman na ang king ng buong Hellyon High School ay may gusto sakin at idineklara pa niyang pagaari niya ako. Naramdaman kong pagbilis ng pintig ng puso ko at parang natutuwa ako sa...
"Babybabe?"
......
To be continued....VOTE & COMMENT

BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018