War of High School 15

1.7K 54 9
                                    

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:


Hell week!


Grabe ang sakit ng katawan ko, gusto ko ng magpahinga.


Napatingin ako sa gawi ni Aika at nakita kong hirap na hirap na siya. Ganun din ang ibang students.


"Aika kaya mo pa?" Tanong ko.


"Ang sakit talaga ng buong katawan ko at parang hindi ko na kaya. Wala man lang tayong pahinga. Nanghihina niyang sabi at napaupo na siya ng tuluyan. Agad naman akong lumapit sa kanya para alalayan siya.


"Paano ba kasi nanalo ang Trixianang yon! Madami ngang galit dun eh! Tapos siya pa ang ibinoto ng halos lahat ng students dito! Akala ko ba ayaw nila sa kanya! Tapos ngayon! Heto tayo! Naghihihrap sa paglilinis sa lintek na school na 'to!" Naiiyak na sabi ni Aika.


Yes, pinaglilinis kami ng buong school, lahat ng babaeng students habang ang mga boys naman ay nagpapakasaya lang dahil King naman nila ang masusunod hindi katulad namin na ang demonyetang Queen namin ang nasusunod.


At yon nga pingalinis kami ng school buong linggo. Hindi kasi namin matapos tapos dahil sobrang dumi ng buong Femaleyon building. Yong tipong kapit na kapit na talaga ang mga dumi. Wala rin kaming pahinga. Pagdating namin sa school linis agad at kapag may palamya lamyang maglinis at hindi kami pinaglulunch. Tuwing lunch lang kami nakakapagpahinga at kalahating oras lang yon balik na agad sa paglilinis.


Such a hell week! Tuwing uuwi ako ay agad akong maglilinis ng katawan at magpapalit tapos deretso tulog na, hindi na ako kumakain ng dinner dahil sa sobrang pagod ko. Buti naman at paguuwi ko ay saktong wala pa si Ash kaya hindi niya nahahalata na hindi ako kumakain ng dinner. Nagagalit kasi yon kapag hindi ako kumakain.


"Sshhh, magpahinga ka na muna ako muna tatapos nito." Pagalo ko na  lang sa  kanya.


Nasa cr kami ngayon kasama ang ilang students, dito na kasi kami maglilinis. Sobrang dumi pa at ang hirap linisin.


"Hindi kaya ko." Sabay tayo niya na inalalayan ko naman dahil nanghihina na siya.


Liningon naman niya ang mga kasama namin na nagpapahinga muna at sinamaan niya ito ng tingin.


"Oh?! Bakit kayo nagpapahinga diyan?! Maglinis kayo! Ito naman ang gusto niyo eh! Ang maghirap tayong lahat sa kamay ng demonyong Trixi na'yon! Tapos ngayon may karapatan kayong magpahinga! Maglinis kayo at wala kayong karapatan na magpahinga dahil ginusto niyo 'to! Kung hindi niyo sana ibinoto ang demonyong yon! Eh di sana nasa mabuting kamay tayo ngayon! Dapat inisip niyo muna na sa kamay ni Trixi ay maghihirap tayong lahat baho niyo siya ibinoto! Tapos siya nagpapakasarap lang!" Puno ng galit  na sigaw ni Aika habang umiiyak.


Napayoko naman ang mga students na kasama namin at nagsimula na ulit na maglinis.


Yinakap ko agad si Aika na lalong umiyak. Ramdam ko ang galit at pagod niya. Nakikita kong nahihirapan siya katulad ng mga students sa paligid namin.


Nakaramdam ako ng awa para sa kanila at para kay Aika. Gusto kong gumawa ng paraan para matapos na ang paghihirap namin pero wala akong magawa.


Sana matapos rin to dahil pakiramdam ko suko na ako........


.........
To be continued.....

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon