...VOTE & COMMENT...
__________Third Person's Pov:
Nagkatinginan sina Ever at Aika dahil sa sinabi ni Trixi. At maya maya pa ay sabay silang nagtanguan na parang nagkakaintindihan.
"Payag kami sa gusto mong mangyari at kapag natalo namin sila hindi na namin itutuloy ang paglilinis ng buong school." Sandali namang natahimik si Trixi at maya maya lang din ay tumango din ito.
"Sure, walang problema at kapag natalo kayo gusto kong isa kayo sa magiging mga tagapaglingkod ko." Nagkatinginan ulit sina Ever at Aika sabay ngisi ng nakakaloko.
"Sige ba, so pwede na nating simulan?" Aika.
Agad na pumunta sa gitna ang Dark Angel at sumunod naman sina Ever at Aika. Sandaling nagkaroon ng katahamikan sa loob ng silid at nagkatitigan lang ang dalawang grupo.
Maya maya pa ay bigla na lang sumugod ang isa sa dark angel at agad na hinigit ang buhok ni Ever at sumunod namang sumugod ang iba kay Aika.
Hindi kaagad nakaganti si Ever sa pagkakasabunot sa kanya dahil sa higpit rin ng pagkakasabunot sa kanya at hinawakan din ang magkabila niyang braso ng dalawa pa sa dark angel. Ganun din ang ginawa ng tatlo pa kay Aika. Sinasabunotan siya ng isa habang ang dalawa naman ay nakahawak sa magkabila nilang braso.
Hindi naman makapalag ang dalawa dahil sadyang malakas ang anim dahil kilala nga talaga ang mga ito sa pagiging warfreak.
Ever's Pov:
Pakiramdam ko matatanggal na ang buhok ko sa sakit ng pagkakasabunot sakin ng isa sa dark angel. Hindi na naman ako makalaban dahil may nakahawak sa magkabilang baraso ko.
Nagpumilit akong magpumiglas dahil subrang sakit na talaga ng anit ko. Napatingin na din ako sa gawi ni Aika at nakikita kong nahihirapan na siya. At ng mapatingin naman ako sa gawi ng demonyitang si Trixi kita kong masayang masaya pa ang demonyita dahil nakikita niyang nahihirapan kami.
Namuo bigla ang sobrang galit sakin at agad kong sinipa ng malakas ang isa sa binti ng nakahawak sa kabilang braso ko at ganun din ang ginawa ko sa kabila pa. Nabitawan naman nila ang pagkakahawak nila sakin at napahiga sila sa sahig dahil na siguro sa lakas ng pagkakasipa ko.
Hinarap ko naman ang sumasabunot sakin at agad kong hinawakan ang magkabila niyang braso para paharapin sakin. Agad ko namang sinipa ang sikmura niya kaya napaupo siya at namimilipit sa sakit.
Tumakbo agad ako sa gawi ni Aika na hindi makaganti at hirap na hirap na. Sinipa ko ang likod ng isa sa mga nakahawak ng braso ni niya kaya napaupo ito. Binigyan ko pa ito ng isa pangng malakas na sipa para hindi na siya makatayo.
Hinila ko naman ang buhok ng sumasabunot sa kanya at hinila ito palayo sa kanya. Kita ko namang gigil na gigil na si Aika at yong nakahawak sa isa pa niyang braso ang pinanggigilan niya. Sinabunotan niya ito ng mahigpit at pinagsisipa na rin ang sikmura.
Napangisi naman ako sa nakikita ko at hinarap ko ang sinasabunutan ko ngayon na dumadaing na. Hinigit ko pa siya lalo at inuntog ko ang ulo niya sa pader kaya napaupo siya. Pinagsisipa ko rin ang sikmura niya kaya..
"Tama na please! Hindi ko na kaya please!" Lalo naman akong napangisi dahil sa narinig ko. Pero hindi pa ako tapos eh.
Hinawakan ko ulit ang mahaba niyang buhok ay hinila siya patayo, dinala ko siya sa harap ni Trixi na gulat na gulat ngayon dahil sa nakikita niya.
"Please tama na!" Pagmamakaawa pa niya.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ng isa sa Dark Angel na pinagmamalaki mo. Ngayon, kami na siguro ang panalo kaya paalisin mo na kami ngayon sa silid na 'to." Seryoso kong sabi pero hindi pa rin nagsalita si Trixi at titig na titig lang sa mukha kong seryoso.
Itinulak ko na lang ng malakas papunta kay Trixi yong babaeng sinabutan ko kaya napahiga ito malapit sa inuupuan ni Trixi.
Linapitan ko naman si Aika na halos patayin na ang isa sa dark angel dahil sa galit nito.
"Aika tama na yan, mamatay na oh maawa ka naman." Ngisi kong sabi sa kanya kaya tinigilan niya naman ito.
"Tss! Pasalamat talaga siya at dumating ka." Sabi pa niya
"Halika na, labas na tayo." Sabay lakad ko palabas at nginisihan ko pa si Trixi ng madaanan ko ito at lumabas na ako ng tuluyan habang nasa likod ko lang si Aika at nakasunod.
Trixi's Short Pov:
"Ugh! Hindi pa tayo tapos Ever! At sisiguraduhin kong mawawala ka na ng tuluyan dito! Ughhhh! Mga letse rin kayo eh! Ang hihina niyo! Paano kayo natalo ng dalwang yon eh ang dami niyo!" Galit na galit kong sigaw sa mga letseng babaeng 'to.
"Pasesya na po queen hindi po nam...."
"Wala kayong kwenta kamo! Mga bwesit kayo!!!" Putol ko sa sasabihin ng lider nila na wala ring kwenta. Sabay tayo ko para lumabas dahil nagiinit ang ulo ko sa kanila at baka mawala pa sila dito sa mundo ng wala sa oras.
........
To be continued......THANKS FOR READING..

BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018