War of High School 14

1.7K 52 9
                                        

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:


Nagtipon tipon lahat students ngayon dito sa gymnasium kasama na ang boys. Nayon na kasi iaannounce kung sino ang magiging bagong queen ng buong Hellyon High. Kanina pa rin ako hindi mapakali.


"Good morning students! Ngayon na nating nalalaman kong sino ang ating magiging bagong queen. Hindi ko na papatagalin pa, so kahapo nangyari ang botohan at ngayon ang naging resulta ay........"


Nakikita ko ang tensyon sa mga mukha ng bawat students. Parang naiiyak na rin ako sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko t..ta..talo ako...


"Ang magiging bago nating queen ay walang iba kundi si......si........Ev... Trixiana Mateo!!! Congratualations Trixi! Ikaw ang ating bagong Queen nagyon."



Third Person's Pov:


Natahimik lahat ng tao sa loob ng gym at tanging tunog lang ng sapatos ni Trixi ang maririnig paakyat ng stage. Habang para namang gumuho ang mundo ni Ever ng marinig niya ang sinabi ng kanilang presidente na ngayo'y may nakakalokong ngisi habang nakatingin sa kanya.


Nang mabanggit ang simula ng pangalan niya ay nakaramdam agad siya ng saya dahil alam niyang siya ang tinutukoy na panalo sa pagiging Queen ngunit parang nangaasar talaga ang kanilang presedente at sinadyang banggitin ang una sa pangalan niya at bago isunod ang pangalan ng tunay na nanalo sa pagiging kanilang reyna. Naglaho lahat ng saya na namumuo sa kanya na napalitan ng lungkot at pagkabigo dahil hindi niya nakuha ang trono.


Mangiyak ngiyak siyang nakatingin kay Trixi na nasa stage na ngayon at may kung anong sinasabi at makikita rito ang mukha niyang masaya dahil siya ang nagwagi.


Hindi niya na kasi maintindihan ang pinagsasabi nito dahil para siyang nabingi ng malaman niya kung sino ang kanilang magiging bagong reyna.


"Natalo ako, hindi ko nagawa." Nasabi ni Ever sa isip niya at walang sabi sabing tumakbo palabas ng gym.

Takbo lang siyang takbo habang walang tigil na umaagos ang luha niya at hindi niya na rin alam kung saan siya pupunta. Hanaggang sa namalayan niya na lang na nasa harden na pala siya ng eskwelahan.

Napaupo na lang bigla siya sa damuhan habang umiiyak dahil hindi niya matanggap ang naging resulta ng botohan.


Samantalang nakatingin lang si Zach kay Ever na ngayon ay mahinang umiiyak habang nakaupo sa damuhan. Sinundan niya kasi ito bigla ng bigla na lang itong tumakbo palabas ng gym.


Ng hindi siya makatiis na tingnan ito, ay linapitan niya ito dahil nasasaktan siya sa nangyayari sa dalaga. Ayaw niyang makita itong umiyak dahil masakit yon para sa kanya, matagala na kasi siyang may gusto rito mula ng makalimutan niya na ng tuluyan ang unang babae niyang minahal ng sobra.



Ever's Pov:


Tahimik lang akong umiiyak dito sa garden ng school dahil dito agad ako dinala ng mga paa ko, pinipigilan ko ring humikbi. Napaupo na rin ako sa damu, hindi ko maiwasang maiyak sa naging resulta, hindi ko matanggap.


Kaya pala pakiramdam ko may hindi mangyayaring at ito ngayon ang malamang si Trixi ang magiging bagong Queen ng buong school.


Nagtataka rin ako kung paano nangyari yon, madami ngang students ang galit sa kanya para iboto siya ng halos lahat ng students dito. Ang daming tanong ang namumuo sa isipan ko at gusto kong masagot yon lahat.


Kung bakit nangyari yon? May nangyari bang dayaan? O sinadya talagang mangyari ito? Yan gusto kung alamin, pero paano? Ang hirap! Hindi ko alam ang gagawin para masagot lahat ng tanong ko.


Patuloy pa rin akong umiiyak ng bigla may umupong tao sa harapan ko at..


"Shhhhh! It's okay magiging maayos rin ang lahat." Bigla niya akong yinakap.


"Just cry Ever, andito lang ako." Lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya at napayakap na lang din ako pabalik. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya at duon ako umiyak ng umiyak habang patuloy naman siya sa pagalo sakin. Thanks


Zach at nadito ka sa tabi ko.



Nasabi ko sa isip ko, palagi na lang siya ang sumasagip sakin sa ganitong sitwasyon.


*Kaunti na lang Zach, unting unti na lang talaga.....*



........
To be continued...

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon