War of High School 21

1.6K 41 5
                                        

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:


"Magkaibigan nga kayong dalawa, ang tapang niyo kahit obvious naman na hirap na hirap na kayo." Daldal ng demonyita habang palakad lakad sa harap namin.


Nandito lang naman kami ni Aika sa teritoryo ng demonyo naming Queen kuno at dito kami pinaglinis.




Dahil dakila ngang matigas ang ulo naming dalawa ni Aika at mas gugustuhin pa naming maglinis kesa magmakaawa at lumuhod sa harapan niya. Ito nga ang nakuha namin, pinaglilinis niya kami dito.


Hindi naman kasi kami lumuhod at nagmakaawa sa kaniya katulad ng ginawa ng mga studenst kahapon kaya ayon, pinatigil na sila sa paglilinis ni Trixi.


"Kesa naman magmakaawa at lumuhod kami sa harap mo. No way! Hindi ka naman santo." Matapang na sabi ni Aika.


"Really? Mukh.."


"Shupt up! Ang ingay mo kaya! Kanina ka pa salita ng salita diyan wala ka namang magandang sinasabi! Nakakarindi kaya! At isama mo pa yang laway mo na kanina pa tumatalsik." Napatawa naman ako ng bahagya dahil alam ko namang nangaasar si Aika.


"Sinabi mo pa, mukhang nangangamoy nga." Dagdag ko naman sa pangaasar niya.


Kita ko kung paano mamula na sa galit si Trixi.


"How dare you! Mabango ang laway ko!"


"Ikaw ang nagsabi, hindi kami!" Nakapoker face kong sagot sa kanya.


"You! Your getting to my nerves!"


"Ang tanong? May nerves ka ba?" Pambabara ni Aika. Pfft..


"Yeah! Puso nga wala ka tapos nerves pa kaya, wala ka nga atang lamang loob." Dagdag ko ulit na lalong ikinagalit ni Trixi.


Ewan ko ba kung saan nakuha ni Aika ang pinagsasabi niya. Eh wala naman yong kinalaman dito pero sinasakyan ko na lang din kahit walang katuturan maasar lang namin si Trixi.


"Tapos na ba kayo sa mga walang kwentang pinagsasabi niyo?!" may diing sabi ni Trixie at halatang galit na ito.


"Hindi pa? Ewan? Ikaw ba Ever may sasabihin ka pa sa ating mahal na Reyna na pinagkaitan ng pwetan at nakafoam na lang." Halos humagalpak ako tawa sa sinabi ni Aika pero pinigilan ko lang. Halatang gusto niya talagang asarin si Trixi na gustong gusto ko rin.


"Paano mo naman nasabi na walang pwetan ang Reyna nating daig pa ang clown dahil sa kapal ng make up?"


"May nagsabi kasi sakin, hindi daw lahat ng malaki ang hinaharap ay malaki rin ang likuran, malay natin foam lang. O di kaya nagparetoke lang para magkaroon ng malaking hinaharap." Malaki nga naman ang hinaharap ni Trixi at malaki rin ang likuran, may shape naman ang katawan niya pero nasubrahan lang sa make up ang mukha. Pati na rin ugali nasubrahan.


"Ano ka ba naman Aika, maganda naman ang Queen natin pinagkaitan lang ng ugali."


"Hahaha! Tama ka diyan Ever! Sigura tatay niya si Satanas noh? Halos magkamukha na kasi sila."


Usap lang kami ng usap at hindi namin napapansin na nasa harap pa pala namin si Trixi.


"Hindi kaya, mabait kaya si queen Trixi. Hindi mo ba nakita kahapon na nagmakaawa pa yong mga students para pagpahingahin niya sila."


"Oo nga pala, tayo nga lang ang hindi nakisama sa kanila kasi hindi naman siya santo o diyos na dapat luhuran at magmakaawa. Isa kaya siyang devil. Dapat ang pangalan na ibinigay sa kanya ni Santanas ay Trixie the divil! Tentenen!" Tuwang sabi ni Aika. Hahaha!


"Gra..."


"Stop!! Ginagalit niyo talaga akong dalawa! Sa harap ko pa talaga kayo nangiinsulto!" Biglang galit na sigaw si Trixi na ikinatingin namin sa kanya.


"Andito ka pa pala?" Inosenteng tanong ni Aika.


"Oo! At kanina ko pa naririnig ang pinagsasasabi niyo!"


"At natamaan ka naman? Well good to you *smirk*" Aika.


"Tss! Akala niyo papayagan ko kayang insultuhin lang ako *smirk*. Pwes your wrong! Yani!" Tawag niya sa presedent namin na kanina pa pala sa tabi niya.


"Yes my Queen."


"Ihanda mo ang dark room na pinagawa ko para sa mga students na di marunong sumunod, pati na rin yong mga basurang students na magaling makipaglaban."


"Biglaan naman ata Queen?" Yani


"Tss! Uunahin nating iparanas sa dalawang to ang meron sa room na yon." Nagkatinginan agad kami ni Aika.


"Yes my Queen." Sabay alis ni presedent at nagsmirk pa talaga siya samin.


"At ano naman ang binabalak mo?" Seryoso kong tanong kahit halata namang masama ang balak niya.


"Well dear, you'll see later *evil grin*." Sabay alis niya.



......
To be continued...

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon