Third Person's Pov:
Madilim at tahimik ang paligid, walang ano mang ingay ang mababakas. Tahimik lang ang lahat at nagaabang ng susunod na mangyayari.
Ang iba ay nasa paligid lang at nakatanaw habang ang iba naman ay gumawa ng paraan kung paano mahahap ang kanilang nais hanapin.
Habang sa kabilang dako naman ay isa isa ng nagsisilabasan ang mga taong kanina pa nila inaabangan.
Halatang handang handa na ang mga ito na makipaglaban. Bawat isa ay may kanya kanyang hawak na patalim. Iba't ibang uri ng kutsilyo, itak, martilyo, palakol, at matitigas na bagay ang kanilang mga dala na sa canteen mismo nila nakuha na ipinagtataka nga nila kung meroon ganung patalim doon.
At makikita nga sa mga mukha nila mismo na gusto talaga nilang pumatay. Na kung kanina ay nagaalangan pa ang iba sa plano ng kanilang tinuturing na Reyna, ngayon naman ay galak na galak pa sila sa mangyayari.
Ang Reyna naman nila na si Trixi ay nasa likuran lang nila habang may ngisi sa mga labi at tila tuwang tuwa. Tss! Pagkain lang naman pala ang katapat ng mga to. Nasabi pa nito sa kanyang isip.
At ang kanilang hari naman na si Zach ay nasa likod lang din at sobrang itim ng aura nito na tila isang mabangis na hayop na galit na galit.
Kahit nagtataka si Trixi kung bakit ganito ang aura nito ay ipinagsawalang bahala niya na lang din ito dahil siya mismo ay tila sabik na sabik. Sabik na sabik pumatay at makakita ng sariwang dugo.
"Magsikilos kayo at hanapin niyo kung saan nagtatago ang mga duwag na mga White Heaven. Kapag nakita niyo na sila ay wag na kayong magalangan pang patayin sila agad!!" Tila makapangyarihang utos ni Trixi na siya namang sinunod ng mga kaisa niya o sabihin na lang nating alipin niya.
Wala naman yong pinagkaiba sa turing niya sa mga ito. Tila alipin lang sila nito dahil lahat ng gusto niya ay sinusunod ng mga ito.
"Come with me Zach, tayo ang hahanap kay Ever at kay Jenson. Tayo mismo ang papatay sa kanilang dalawa dahil sila ang wumasak sayo. Dahil sa kanila naging mahina ka at nasawi sa ka sa pagibig na tinatawag mo. Panahon mo ng gantihan ang Jenaon na yon dahil siya ang dahilan kung bakit ka sinaktan ni Ever. Mas pinili niya ang Jenson na yon kesa sayo na laging nasa tabi niya lang samantalang isa lang namang transferee ang Jenson na yon." Nagtiim bagang naman si Zach dahil sa sinabi ng dalaga. Tila bumalik lahat sa isip niya kung paano ipagtanggol at piliin ni Ever ang Jenson na yon kesa sa kanya kahit wala namang nangyaring ganoon.
Tila nalason na ang utak ni Zach sa mga salita na lumalabas sa bibig ni Trixi kaya gustong gusto niya na ring makapatay ng tao.
"Ako ang papatay sa Jenson na yon." Nanggigigil sa galit na sabi ni Zach bago ito nagsimulang maglakad at iniwanan siyang may ngiting tagumpay.
"Very good Zach, at ako naman ang bahalang pumatay sa Ever na yon. Goodbye na lang sa Ever mo Zach, mas maganda na rin yon. Kapag walang Ever, walang sekretong mabubunyag." Bulong ni Trixi sa kaniyang sarili bago ngumisi ng mala demonyo.
.....
Agad na nagsikalat ang mga alipin ni Trixi sa buong building. Mayroong nagpunta sa mga silid, canteen, at pati na rin sa rooftop ngunit wala ang mga ito.Dahil nga hindi nila nakita ang mga ito sa mga pinuntahan nila ay nagtagpo tagpo ulit ang mga ito.
"Nakita niyo na ba kung nasaan sila?" Tanong ni Trixi sa mga ito ngunit nagsiilingan lang ang mga ito ba nagpapahiwatig ng hindi.
Galit na galit namang tiningnan ni Trixi ang mga ito kahit na madalim at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag. At bigla na lang pumasok sa isip niya ang malawak na gym.

BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018