Ever's Pov:
It's been a month mula ng maipasara ang Hellyon High School at ng madala sa mental si Mrs. Cardova dahil tiluyan na pala itong nabaliw dahil hindi nito kinaya ang pagkamatay ni Ina.
Hindi ko akalain na ina pala ni Ina si Mrs. Cardova dahil wala rin siyang nabanggit sa amin ni Aika.
Naging tahimik naman lahat pagkatapos ng nangyari.
Lahat ng students na binawian ng buhay dahil sa nangyaring war ay nailibing na kasama si Trixi na namatay rin matapos mahulog mula sa rooftop.
Habang si Zach naman ay nangibang bansa na matapos niyang aminin lahat ng ginawa nila ni Trixi. Kung paano nahulog si Ina mula sa rooftop at sa babaeng si Lila na napatay ni Trixi at inihulog sa balon sa likod sa school.
Kung tutuusin walan namang kinalaman si Zach sa pagkamatay ni Ina at ni Lila pero ang pagkakamali niya ay imbes na ituro si Trixi na siyang makasalanan ay pinanatili pa nitong sekreto katulad ng sinabi sa kanya ni Trixi.
Sobrang nagalit talaga ako kay Trixi, aksidente nga naman ang nangyari kung bakit namatay si Ina pero hindi na niya kailangan pang magkasala at pumatay ng isang inosente para lang pagtakpan ang mga nangyari.
Pero alam kong napatawad ko na siya at hindi ko lang alam kung napatawad na din siya ng kapatid ni Lila na si Luella, Luella Harison ang ate ni Lila na kaya pala nagtransfer sa Hellyon dahil gusto niyang bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kapatid niya.
Ang mga students naman na nabuhay at mga sugat at galos lang ang natamo ay nagsilipatan na ng school katulad namin nila Aika.
Magkakasama pa rin kami nila Aika, Van, Shantal at Zico sa iisang school dahil ayaw daw nila na magkahiwalay hiwalay kami. Sa school kami ni Ash pumapasok ngayon.
At naikwento ko na rin sa kanila na matagal ko ng kilala si Ash/Liam at pati ang pagpapanggap ni Ash na si Liam ay nasabi ko na rin sa kanila.
Okay naman ang relasyon nina Aika at Van, palagi nga silang sweet sa isa isa at pati mga bago naming kaklase ay naiinggit sa kanila. Habang ang dalawa namang sina Shantal at Zico at parang aso't pusa parin. Minsan magaaway tapos magbabati. Pero ang sabi naman nila ay yon na daw ang pinaka sweet momments nila at saka hindi naman talaga sila nagaaway hilig lang daw asarin at hindi pansinin ni Shantal si Zico.
"Sweetheart nagugutom ka na ba?" Sulpot ni Ash/Liam sa tabi na nagpabalik sakin mula sa malalim na pagiisip.
"Ano sa tingin mo?" Pagsusungit ko sa kanya at linagpasan ko siya.
Totoo nga na siya si Ashton at nagpanggap lang si Liam dahil tinulungan niya ang kuya niya sa misyon nila.
Ipinaliwag niya rin na parte ng plano nila ang magkunwari siyang patay na para hindi masira ang plano. Nagalit ako sa kaniya kaya mula ng makauwi kami ay sinusungitan ko na siya at halos isang buwan na rin.
Well magdusa siya dahil ilang buwan rin akong nagluksa dahil sa kaniya tapos malalaman ko na lang na planado pala ang lahat.
Hindi ko nga alam na umabot na pala ng isang buwan na sinusungitan ko siya palagi. Naaawa rin ako minsan kapag nakikita ko ang itsura niyang malungkot kapag sinusungitan ko siya pero pinipilit kong pigilan dahil kulang pa nga ang isang buwan na pagsusungit ko sa kanya kesa sa ilang buwang pagluluksa ko dahilsa kaniya.
"Sweetheart naman palagi mo na lang akong sinusungitan. Dahil ba nagsinungaling ako sayo?" Ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang yon.
"Alam mo naman pala eh, nagtanong ka pa." Pambabara ko pa.
"Diba nga nagsorry na ako sayo at saka ipinaliwanag ko naman kung bakit ko ginawa yon. Hindi mo pa ba ako napapatawad?"

BINABASA MO ANG
War of High School
Mistério / SuspenseThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018