War of High School 26

1.5K 44 1
                                    

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:

It's been a day? Week? 2 weeks? Hindi ko na alam kung ilang araw, linggo na ba mula ng mawala si Ash.

Mula ng mangyari yon parang nawalan na ako ng gana. Wala na akong pakealam sa paligid, palagi na lang akong tulala at nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako sa pagkawala ni Ash pero iniisip ko na lang na naging masyado ata akong malapit sa kanya kaya nagkakaganito ako ngayon.


Mag isa na lang ako dito sa condo dahil ginusto ko. Gusto sana ni mommy na bumalik na lang ako sa bahay pero hindi ako pumayag. Gusto ko na lang mapag isa alalahanin ang mga panahong nandito pa si Ash. Pakiramdam ko sumasaya ako ng kahit kaunti kapag naalala ko yong mga panahon na nadito pa siya. Pagbumabalik naman ako sa ulirat ay bigla na lang akong umiiyak.


Mula rin ng mangyari yon ay hindi pa ako pumapasok sa school kaya hindi ko na rin alam kung ano ang mga nangyayari don ngayon. Kaya napagpasyahan kong pumasok na rin bukas kesa tumulala na lang dito. Kahit naman ilang buwan, taon ako tumulala dito alam kong hindi na babalik si Ash eh, at pagsasabihan ako dahil sa  katigasan ng ulo ko.


Namalayan ko na lang na umiiyak na naman ako. Hindi na ako nag abalang punasan dahil siguradong hindi naman to titigil sa pagtulo eh. Mas mabuti pang iiyak ko na lang muna ngayon dahil bukas kailangan ko ng harapin ang mga nangyayari sa school.


Lumapit ako sa kama ni Ash at humiga doon sabay yakap ko sa unan niya. Kunwari siya na lang ang unan na to at buhay pa siya ngayon at katabi ko lang siya. Pero dahil sa iniisip ko ay lalo lang nagsitulo ang mga luha ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog na lang ako sa kama ni Ash.


.......
To be continued.....

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon