War of High School 65

1.2K 22 2
                                    

"Shantal ikaw magsama ka ng ilang babae para makasama mo sa paghahanap ng mg push pins. Zico, at Rayo. Kayo naman ang pumunta sa canteen para maghanap ng mga bagay na pwede nating gamiting panlaban, magsama rin kayo ng ibang lalake. Liam, Axe, Art. Pumunta rin kayo sa cateen at kunin niyo ang mga dishwashing liquids at magdala na rin kayo ng isang timbang tubig." Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila sa mga sinabi ko.

"Para naman saan ang dishwashing liquids babybabe?" Kunot noong tanong ni Liam.

"Basta kunin niyo na lang lahat ng pinakukuha ko. Malalaman niyo rin mamaya kung saan natin yon gagamitin. Kami naman ni Aika at Van ang maghahap ng bagay na pwedeng pandikit. Saka ko na ipapaliwanag sa inyo kung ano ang plano kapag nakuha niyo na lahat ng ipinakukuha ko sa inyo. Magkitakita na lang tayo sa gym. Kayo namang mga  naiwan dito ay pumunta na muna kayo sa gym!" Nagaalangan man ay nagsisunuran na lang din sila.

"Tayo na Aika at Van." Sambit ko sa dalawa at nauna na akong lumabas ng HQ.

.....
Pagdating namin sa gym ay nandoon na pala ang iba at kami na lang nila Aika at Van ang hinihintay.

Agad kaming nagsiupo sa sahig at agad ko ring ipinaliwanag kung ano ang gagawin namin.

"Ang dishwashing liquid na pinakuha ko kay'la Liam, Axe at Art ay kailangang ilagay sa tubig na nasa timba. Kailangang madulas na madulas talaga ang tubig kapag nailagay na ang dishwashing liquid. At pagpatak naman ng 6 pm ay saka natin ibubuhos sa sahig ang timba ng tubig duon malapit sa entrance ng gym." Sabay turo ko pa sa pinaka entrance ng gym. Agad naman silang nagsitanguan at tila mangha sa sinabi ko.

"Ang galing mo talaga Ever, hindi ko naisip yon ha." Kamot batok na sabi ni Aika na ikitawa ng iba. Habang ako naman ay nailing lang at ipinagpatuloy ang sasabihin.

"Yong mga push pins naman na nakuha niyo ay ididikit natin patihaya sa sahig duon naman sa pagpasok ng gym. Hindi natin sigurado na tatagos ang tulis ng push pins sa sapatos pero subukan lang natin. Kailangan ding kapit na kapit ito sa sahig para hindi matumba lang kapag naapakan man ng kung sino, at yon nga ang dahilan kung bakit kami naghanap nila Aika ng bagay na pandikit. At good thing naman at nakahanap kami ng super glue at shoe glue sa stock room." Nagsitanguan naman sila.

"Mamaya naman kapag nagawa na natin ang dapat nating gawin ay pwepwesto na tayo sa loob ng gym habang may hawak tayong bagay na panlaban yong mga pinakuha ko naman kay Zico at Rayo. Zico, Aika, mamaya ay magsasama kayo ng lima pa sa kasamahan natin at kayo ang maghahanap ng impormasyon kung paano tayo makakahanap ng daan palabas sa school na to.."  naputol agad ang sasabihin ko ng biglang magreact si Aika.

"What?! Hindi niyo ako kamang lumaban!! Ayoko! Gusto kong lumaban at makipagpatayan din sa kanila!!" Naiinis na react ni Aika na ikinabuntong hininga ko.

"Aika listen, makakatulong ka na rin naman samin dahil kayo nila Zico ang maghahanap ng daan natin palabas.."

"Pero..." aangal pa san si Aika kung hindi lang nagsalita si Van.

"No more buts Aika, sasama ka kay Zico at hahanapin niyo ang daan palabas. Mas maganda na yon kesa sumama ka  pa saming makipagpatayan. Hindi ka mapapahamak pa."

"Pinapalabas mo ba na hindi ako marunong lumaban?! Na mahin.." ako na ang pumutol sa sasabihin ni Aika. Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan ko siya sa mga mata niya.

"Please naman Aika sumunod ka na lang. Hindi naman dahil ikaw, kayo ang pinaghahanap namin ng daan palabas ay hindi na kayo marunong lumaban at mahina kayo. Kaya kayo ang inatasan kong hanapin ang daan dahil naniniwala ako ng hindi niyo kami bibiguin at mahahanap niyo ang daan. Malaki ang maitutulong niyo samin kapag nahanap niyo ang daan dahil kayo ang magliligtas samin sa war na mangayayari. Kapag nahanap niyo ang daan ay sabay sabay tayong aalis sa lugar na to." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Isa pang dahilan kaya ayaw ko siyang makipagpatayan ay dahil siya na lang ang nagiisang kaibigan na natira sakin. Ayokong mawala din siya katulad ni Ina. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan niyang makipaglaban dahil sigurado naman akong matapang si Aika at marunong makipaglaban. Pero natatakot lang talaga ako para sa kanya dahil sa war na mangyayari ay walang kasiguraduhang lahat kami mabubuhay. Maaring ilan samin o ako ang mapatay nila at hindi ko kakayanin kung pati si Aika ay mawawala rin.

Sa tagal naming magkaibigan ni Aika at Ina ay itinuring ko na silang parang isang tunay na kapatid. Palagi silang nanfiyan para sakin kapag may problema ako, kapag nalulungkot ako tuwing wala ang mga magulang ko. Itinuturing ko silang pamilya dahil wala nga ang mga magulang ko nasa ibang bansa para sa trabaho nila.

Kaya mula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na proprotektahan at aalagaan ko sila dahil ayoko ng maramdaman ulit na nagiisa ako.

Kung palagi ba namang nasa ibang bansa ang mga magulang mo para sa mga business nila hindi mo kaya maramdaman na magisa ka. Wala rin akong kapatid dahil only child lang ako.

Kaya noong mawala si Ina ay sinisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko napabayaan ko siya. Hindi ko siya naprotektahan kaya nawala siya. Kaya ngayon hindi ko na uulitin ang nagyari noon. Si Aika na lang ang natitira sakin maliban sa iba ko pang naging kaibigan dito katulad ni Shantal. Hindi ko na hahayaang mapahamak siya at mawala sakin katulad ni Ina.

"Pumapayag na ako, basta ba pagnahanap na namin yong daan ay siguraduhin mong kasama ka naming lumabas ha." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Aika. Parang pinagbabantaan niya talaga ako na kailangang buhay pa ako pag alik niya dahil lagot ako sa kanya.

"Remember Aika? Ako si Ever at malakas ako katulad mo kaya sama sama tayong uuwi mamaya." Ngumiti naman siya ng pilit at yinakap ako ng mahigpit kaya yinakap ko siya pabalik.

"Zico ikaw naang bahala sa girlfriend ko, naniniwala akong kaya mo siyang protektahan. Kapag may nangyaring masama sa kanya mapapaty kita." Nagbabantang sabi ni Van kaya sinamaan siya ng tingin ni Aika pero binalewala niya lang ito dahil na kay Zico lang ang atensiyon nito.

"Oo ba basta wag mo ring pabayaan girlfriend ko dahil mapapatay rin kita kapag may nangyaring masama sa kanya. Pwede bang isama na lang din siya samin?" Tanong naman ni Zico at akma na  sana akong sasagot ng maunahan agad ako ni Shantal.

"Hindi pwede! Kailangan din ako ni Ever dito! At saka for information naman kaya kong lumaban noh! Gusto mo ipakita ko pa sayo ulo ng mga mapapatay ko mamaya eh!" Masungit nagot ni Shantal sa boyfriend niya habang kami naman ay nakatingin lang sa kanila.

"Seryoso ak.."

"Seryoso din ako mister! Wag ka ngang praning! Ang masamang damo ay matagal mamatay at isa ako don! Duh! Hindi nama  ako papayag na patayin nila ako! Never! Over my dead body! Uunahan ko na sila." Natutuwa talaga ako sa katapangan ni Shantal, kaya nga naniniwala akong kaya niyang makipagsabayan samin mamaya eh. Pwro syempre hindi ko din naman siya hahayaan mamaya sa laban pati na  rin ang iba dahil mga kasamahan ko sila at kung wala sila baka kami lang at nila Aika ang makikipaglaban sa kampon ni Trixi.

"Aishh! Siguraduin mo lang na miski isang galos ay wala kang makukuha kundi papakasalan talaga agad kita kapag nakalabas na tayo dito. Sa ayaw at sa gusto pipikutin kita." Sabay labas ni Zico ng gym. Halatang naiinis siya kaya Aika.

"Tss! Wag niyo na ngang pansinin ang may topak na yon. Magplano na lang ulit tayo." Naiinis rin sabi ni Aika na ikinailing naming lahat.

......
To be continued...

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon