Third Person's Pov:
Pagkalabas na paglabas ni Ever habang hila hila si Jenson ay agad na dinampot ni Zach ang ano mang libro ang makita niya sabay tapon nito.
Nagulat pa si Trixi sa ginawa ni Zach at akmang pipigilan pa niya ito ng pigla na lang nitong itumba ang book shefl na malapit sa kanya na na ikinatili ng dalaga.
"Zach ano ba!! Tumigil ka nga!!" Pilit na pigil ni Trixi sa binata ngunit hindi ito nakinig sa kanya.
Galit lang ang nararamdaman ng binata dahil pakiramdam niya ay ipinagpalit siya ni Ever sa kay Jenson.
Nagsisisi tuloy siya na binigyan niya ng oras ang dalaga na makapagpahinga sa pangungulit niya. Nadiskartehan tuloy ito ni Jenson na tinuturing niya karibal kay Ever.
Patuloy pa rin sa pagwawala si Zach at wala na siyang pakealam sa paligid basta't mailabas niya lang ang galit niya.
Habang si Trixi naman ay takot na takot habang nakatingin kung paano magwala ang binata. Ngayon niya lang nasaksihan na sobrang galit na galit ang binata.
Hindi naman kasi ito ganito kapag galit na galit, ngayon lang. Nakikita niya rin ang madilim na aura nito na lalo niyang ikinatakot.
Pinipigilan man niya ang sarili na wag matakot dahil si Zach lang naman ito ay hindi niya magawa. Iniiwas niya na lang ang tingin sa binata dahil hindi niya matagalan.
Di nagtagal ay medyo kumalma na ang binata at hingal na hingal ito napatingin kay Trixi na nasa isang sulok lang at pinakikiramdaman ang pinaggagagawa niya.
Ng maramdaman niya naman na tumigil na sa pagbabato ng libro ang binata ay nagaalangan siyang tumingin sa gawi ng binata na nakatingin rin pala sa kanya.
"T..tapos ka na ba?" Lakas loob niyang tanong sa binata, kahit ramdam pa rin niya ang takot niya rito.
Hingal na hingal naman na tumango ang binata sa kanya. Kaya kahit hindi pa rin makahulma sa pagwawala ng binata ay nanginginig siya tumayo at pilit na inaalis ang takot rito.
......
Zachary's Pov:Ramdam ko ang pagaalangan ni Trixi habang tumatayo. Natakot siguro dahil sa biglang pagwawala ko.
Sino ba naman ang hindi magseselos at magagalit kapag nakit mo ang taong mahal mo na may kasamang ibang lalake. At ang ikinagagalit ko pa ay parang mas pinipili niya ang lalakeng yon ng hilahin niya ito palabas.
"*smirk* Ng dahil sa babaeng yon nagkakaganyan ka." Nagulat ako sa sinabi ni Trixi at biglang pagngisi nito.
"Tanga mo kasi! Halata naman na hindi ka gusto ng Ever na yon pero pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kanya! Di ba nga galit yon sayo dahil ikaw mismo na boyfriend ng kaibigan niya hindi mo manlang nadalaw nong mamatay. Dahil lang niligtas mo siya at nagpasalamat siya sayo ay akala mo ay ayos na kayo. Hahahahha! Nagpapatawa ka ba? Tsk! Tsk! Dahil lang sa babaeng yon nagiging mahina ka! Nasan na ba yong Zachary Wilson na nakilala ko? Yong tipong kayang manggamit ng tao para lang mapunta sa kamay niya ang trono na matagal niyang gustong makamit. Tsk! Pinatay mo na siguro siya eh." Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Trixi.
Nasaan na nga ba yong dating Zachary Wilson na walang pakealam sa pagmamahal na yan?
"Wag mong gawing mahina ang sarili mo dahil lang sa pagibig na yan Zachary Wilson, yan ang siguradong magpapabagsak sayo lalo na ngayon na dilekado ang sekretong matagal na nating tinago." Bulong ni Txiri bago ako lagpasan at iwan na nakatulala.
......
Someone's Pov:Malapit na, malapit na malapit na. Kunting kunti na lang at mangyayari na ang lahat ng gusto kong mangyari, ang lahat ng gusto kong makita.
Gusto ko silang makitang magdusa. Gusto ko silang makita na parang hayop na gustong gustong pumatay at makasakit kahit pa sa sarili nilang mga kaibigan.
"Make sure na unti unti na talaga silang mawawala sa katinuan."
"Masusunod po."
........
To be continued.....VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018