"Wait lang ha, bakit nga ulit natin hinahanap yong dairy ni Ina? At sakaparang wala naman yon dito eh, ilang beses na tayong nagpaikot ikot dito eh." Reklamo ni Aika.
"Remember Aika? Ikaw ang nakaisip na kailangan nating hanapin yong iba pang diary ni Ina baka may makuha tayong impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Ina." Kanina pa kasi siya reklamo ng reklamo. Pinagsisisihan ko tuloy na isama ko pa siya dito. Dapat ako na lang mag isa dahil alam ko namang mainipin ang isang to.
"Oo na! Ako na ang nagsabi! Pero pwede ba tayong magpahinga? Nagugutom na rin kasi ako eh."
"Sige mauna ka na lang dito na muna ako." Sagot ko na lang.
"Sigurado ka?"
"Yeah." Tanging sagot ko.
"Sige mauna na ako nagugutom na talaga ako."
Pagkalabas ni Aika ay nagpatuloy na ulit ako sa paghahanap.
Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman yong diary ni Ina sa pagkamatay niya. O kung hindi man ay parang may makukuha naman akong info sa diary niya.
Ilang oras din akong naghanap ng naghanap pero wala talaga. Napaupo na lang ako sa isang sulok habang titig na titig sa book shefl na nasa harap ko.
Iniisip ko na kung saan pa kaya ako pwedeng maghanap. Para namang wala talaga dito sa library eh. At saka naisip ko rin na kung bakit naman dito itatago ni Ina yong diary niya? Pwede namang dalhin niya sa bahay. Tama! Baka nasa bahay niya ang ibang diary niya at yong nakita namin ay nakalimutan niya lang siguro dito kaya napasama sa mga libro.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at napatitig ulit ako sa book shelf na nasa harap ko. Parang may nakita akong kakaiba kaya mas lumapit ako dito. Hanggang sa may nakita na naman akong kakaibang libro na manipis na masisiguro ko na kahawig ito don sa diary ni Ina.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Lila's Property?" Bulong ko sa sarili.
Sino naman si Lila? Bakit may diary rin siyang nakatago dito katulad ni Ina? Katulad pa talaga sa diary ni Ina.
Kilala niya ba si Ina? O baka magkakilala sila ni Ina o di kaya kilala siya ni Ina.
Isang lang ang naiisip ko. Siguradong may alam siya kung bakat namatay si Ina o siya mismo ay may kinalaman sa pagkamaty niya.
....... To be continued......
*Sino naman kaya si Lila? Bakit may diary siya na katulad ng kay Ina?*