Liam Jenson's Pov:
Cool talaga ng school to. Walang teachers, walang lesson, easy life, kahit ano pwedeng gawin, at walang makikealam sa mga pwede mong gawin.
"Diba ikaw yong isa sa mga transferee?" Biglang salubong sakin ng isang panget na may kasama pang tatlong panget.
"Ako nga, ano bang atin mga pre?" Apat sila isa lang ako kaya hindi ko na sila papatulan. Sayang naman kasi ang guwapo kong mukha kung magagasgasan lang ng mga kamao ng mga panget na to.
"Wala lang naman, akala ko kasi may masgwagwapo pa sakin. Ang panget mo rin pala katulad ng mga nasa likod ko." Yon lang? F*ck sh*t naman to! Eh ang guwapo ko nga sa kanya.
"Pre wag naman masyadong mayabang ha. Hindi ka ba marunong manalamin. Tingnan mo kung sinong mas guwapo satin."
"Ako." Aba't!
"*smirk*Pasensya kana pre pero ako talaga ang mas guwapo satin. Tanong mo pa diyan sa mga kasama mo." Ngisi kong sabi at halata kong napipikon na isang to.
"Sinong mas guwapo saming dalawa?!" Tanong niya sa mga kasama niya at sinamaan pa talaga niya ang mga ito ng tingin para lang sumangayon.
"Syempre pre ikaw." Ngising ngisi naman itong tumingin sakin.
"See? Ako talag..."
"Natakot kasi sa sama ng tingin mo kaya napilitang umuo." Nagtiim bagang naman ito. Pero hindi ako magpapatalo dahil guwapo ako at nagsasabi lang din naman ang natotoo.
"Oppss! Walang pikonan pre, nagsasabi lang ako ng totoo. At saka kung ako ang pinaka guwapo sa mundo ikaw naman ang pangalawa so it means guwapo ka parin pero pangalawa lang sakin. " pigil ko sakanya ng akmang magsasalita na ito.
"Ako ang pinak...."
"Pre wag ng magpumilit. Ako kasi talaga ang bagay sa trono na yon. Ako ang pinakaguwapo dito dahil nasa lahi talaga namin yon. Wag kang pikon pre pangalawa ka naman eh." Sabay karipas ko ng takbo.
He! He! He! Buti naman at hindi nila ako sinundan. Baka pagtulungan pa nila ako at masira ang guwapo kong mukha. Naku, baka hindi na ako makilala ni babybabe. Baka balian nila ako ng buto hindi na ako mamakapglakad sa altar kapag ikinasal na kami ni babybabe.
......
To be continued...VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018