..Past..
Bata pa lang si Mr. Cardova ay palagi na siyang binubully ng mga kaklase niyang walang magawa sa buhay.
Halos araw araw ay palagi siyang pinagtritripan ng mga ito. Hindi niya magawang lumaban dahil siguradong pagtutulungan siya ng mga ito at siguradong talo siya.
Halos isumpa niya na ang mga nambubully sa kanya kaya ipinangako niya sa sarili niya na paglaki niya ay gagawa siya ng isang school na malayo sa nakakararami at gagawa siya ng paraan para dito magaral ang mga studyanteng basag ulo, hindi marunong makinig sa buhay, at mga studyante na tamad mag aral.
Para sa kanya ay pabigat lang ang mga ito sa mga magulang nila kaya mas magandang ilagay sila sa isang lugar.
Hanggang sa nagkatotoo nga ang ipinangako niya. Nakapagpagawa siya ng eskwelahan na nasa isang kagubatan at sinugurado niya na walang sino man ang makakaalam ng daan maliban sa kanya.
Ang ipinangalan niya sa eskwelahang ito ay Hellyon High School na kung saan naroon ang mga studyanteng pasaway at tamad magaral.
Naghahanap siya ng mga school na maraming tamad magaaral na studyante at hinihikayat niya ang mga magulang nito upang doon pagaaralin ang kanilang anak.
Isa na rito si Everliah Salpanta. Isa sa mga studyante na tamad magaral. Pero hindi alam ng mga magulang nito na sila ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanilang anak.
Kulang sa atensiyon ng magulang si Everliah dahil palaging nasa ibang bansa ang mga ito para magtrabaho. Naiintindihan niya naman kung bakit naroon ang mga ito pero kailangan niya rin naman ng atensiyon ng mga magulang niya.
Halos lahat na lang ata ng okasyon ay wala ang mga ito at siya na lamang magisa kasama ang mga yaya niya ang nagdidiwang. Sa bawat pagdiriwang na naggaganap ay iniisip niya na may masaya siguro kung kasama mo ang mga magulang pero wala naman ang mga ito.
Hanggang sa isang araw ay nawalan na lang rin siya ng gana. Palagi siyang nakikipagaway sa school nila. Naging tamad rin siyang magaral. Hanggang sa nakick out na lang siya sa dating school na pinapasukan niya dahil halos araw araw ay palagi siyang napapasama sa gulo.
At dahil sa nangyari ay yon ang dahilan para ipasok siya ng magulang niya sa Hellyon High School at sa anak ng kaibigan ng mga magulang niya siya pinatira ng mga ito.
Wala siyang ibang nagawa kundi ang sundin na lang ang mga ito kahit na na wiwerduhan siya sa bago niyang eskwelahan.
Pero nagpapasalamat na lang siya na dito siya pinagaral ng mga magulang niya dahil dito niya nahanap ang mga tunay na kaibigan. Yon ay sina Aika at Sienna na itinuring niya ng mga kapatid.
Maayos naman ang naging takbo ng eskwelahan na pinatayo ni Mr. Cardova hanggang isang araw ay nalaman na lang niya na nahulog mula sa rooftop ang kaniyang nagiisang anak na si Sienna Cardpva na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Nagluksa siya sa nangyari sa kaniyang anak ganun na rin ang kaniyang sawa na si Mrs. Cardova.
Ang alam nila ay aksidente ang nagyari kaya wala silang nagawa upang bigyan ng katarungan ang nangyari sa kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018
