...VOTE & COMMENT...
__________
Aika's Pov:
Sandali pa akong natulala dahil sa pag sigaw sakin ni Ever bago magsink in sa utak ko. Hindi ako makapaniwala na sisigawan niya ako ng ganun at parang maiiyak na talaga ako. First time niya kasi akong sigawan na hindi niya naman ginagawa dati pa at ngayon lang.
God! Ibang iba na talaga siya ngayon. Napakalamig ng aura niya at kahit ni anong emosyon ay wala kang makikita sa mukha niya kaya hindi ko talaga siya nakilala kanina. Dagdagan mo pa't nagpakulay, nagpakulot at nagpabangs pa siya ng buhok na ngayon niya lang ginawa.
Sobra naman ata siyang naapektuhan sa pagkawala ng kaibigang niyang si Ash o kung matatawag ngang magkaibigan lang sila. Nasa iisang bahay sila nakaitara at hindi maiiwasang mapagkamalan silang magkasintahan o kung ano naman. At lalong hindi maiiwasang magkaroon sila ng nararamdaman para sa isa't isa.
Nakakainis! Naiinis ako dahil sinigawan niya ako. Nang mamatay naman siya hindi naman nagkaganyan si Ever dyan lang talaga sa Ash na yan. Oo nga't ng mamatay siya ay ilang araw ding tulala si Ever at nabawi rin naman, pero ngayon mas malala talaga. Dahil lang sa Ash na yon nagawa niyang baguhin ang sarili niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may nararamdaman nga siya para sa Ash na yon kaya siya nagkakaganyan.
Ang sakit lang talagang isipin na nasigawan niya ako na nag iisa niya kaibigan kaya hindi ko maiwasang mapaluha.
Tumakbo ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makarating ako sa gate ng Maleyon building. Oo nga pala bukas ito ngayon dahil wenesday nga pala.
Pumasok na lang ako sa loob dahil gusto ko ring mapag isa muna kaya pupunta muna ako don sa malaking puno sa likod ng building na 'to. Doon kasi ako pumupunta kapag tinataguan ako ni Van o Vander Gray Crimson ang love of my life ko na palagi akong tinatakbuhan. Saklap talaga ng lablyp ko pero hindi ko muna yon iisipin dahil gusto ko munang mapagisa dahil naiinis pa rin ako sa pagsigaw sakin ni Ever.
Pagdating ko sa malaking puno ay umupo ako dun at yumuko sabay yakap ko sa binti ko na parang batang pinagalitan kaya umiiyak. Nakayuko lang ang ulo ko habang umiiyak sa tuhod ko at hindi ko alam kung ilang minuto akong ganun hanggang sa may naramdaman ako nakatayo sa harap ko kaya nagangat ako ng tingin.
"Iniiyak mo diyan?" Bungad niya sakin kaya dali dali kong pinunasan ang luha ko.
"Wala kang pakealam!" Imbes na magtatalon ako sa tuwa dahil unang beses niyang magpakita sakin ng hindi ko siya hinahabol pero tinarayan ko pa siya.
"Tsk! Himala at nagsungit ka ngayon sakin kahit alam naman nating patay na patay ka sakin at ikaw pa mismo ang naghahabol sakin." Nangaasar niyang sabi sabay upo niya sa tabi ko at sumandal din sa puno. Yes si Vander lang naman ang nandito ngayon at inaasar ako.
"Pakealam mo ba? Buhay ko 'to kaya wala kang pake kung anong gawin ko." Sabay tayo ko dahil nadagdagan pa ang inis ko dahil sa lalakeng to at wala akong panahong maghabol sa kanya ngayon.
"At saan ka pupunta?" Sabay hawak niy sa pulsohan ko kaya napatigil ako.
"Sa hell! Sasama ka?!" At iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa pulsohan ko. Nagaya ko pa talaga tong sinabi ni Ever kanina pero ibang version nga lang.
Hindi natanggal ang pagkakahawak niya sakin dahil lalo niya lang hinigpitang ang pagkakahawak dito kaya tiningnan ko siya ng masama.
"So iiwanan mo talaga ang lab of my life mo dito ng mag isa?" Panggagaya niya pa sakin tuwing sinasabi ko sa kanya na siya ang love of my life ko na ikinainis ko pa.
"So what naman sayo?! Nakakapagod na ring maghabol sa isang taong walang ibang ginawa kundi ang tumakbo na lang at magtago kapag naghahabol ako! Nakakasawa rin eh! Kailangan ko na nga talagang itigil ang kahibangan kong 'to dahil alam ko naman patuloy lang akong masasaktan! At saka sigurado naman akong magiging masaya ka na kapag tumigil na ako eh! Kaya goodbye na sayo Vander Gray Crimson a.k.a love of my life, kalimutan mo na lang yong mga panahong naghahabol ako sayo! Dahil ngayon ititigil ko na dahil pagod na pagod na akong maghabol sa taong ayaw naman magpahabol eh. Kakalimutan na kit...." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila kaya bumagsak ako sa kanya at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Bitaw nga!" Sabi ko habang patuloy paring umaagos ang luha ko dahil ang sakit na talaga.
Nakayakap kasi siya sakin kaya hindi ako makatayo at hindi ko rin siya matingnan sa mata dahil baka hindi ko pa magawang sukuan siya dahil mahal na mahal ko talaga ang lalakeng to mula sa simula na makilala ko siya.
"Tsk! Ayoko sa iyakin my love of my life." At bigla niya akong hinalikan na ikinagulat ko. Sa lips niya talaga ako hinalikan. Hindi ako makagalaw at parang naistatwa ako ngayon habang nakayakap siya sakin.
Patuloy lang siya sa paghalik sakin habang ako naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa mata niyang nakapikit at parang dinadama niya talaga ang halik na ginagawad niya sakin.
Bigla niyang idinilat ang mata niya at tinitigan niya ako sa mata na parang nagsusumamo. Bigla naman ako natauhan at humiwalay ako sa halik niya sabay tayo ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya. Kita ko kasing titig na titig siya sakin.
"B..bakit mo ginawa yon?" Naiiyak kong tanong dahil naiinis ako sa kanya dahil pakiramdam ko binigyan na naman niya akong dahilan para umasa sa kanya at siguradong hindi ko mapipigilan ang sarili ko don.
"Bakit mo sab.."
"I want you to be my love of my life too Aika Naveron...."
(⊙_⊙)!! -Ako
........
To be continued....This Chapter is dedicated to:LeanneInFantasy thank you bhe sa suggested name na Vander Gray Crimson(*^ω^*)
..THANKS FOR READING..

BINABASA MO ANG
War of High School
Tajemnica / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018