Third Person's Pov:
"Lumabas ka Ever! Ano?! Naduwag ka na ba at nagtatago ka na kasama yang mga kasamahan mong duwag katulad mo! Akala mo ba matatakot mo ako sa mga patibong na ginawa niyo! Pwes nagkakamali ka! Ako si Trixiana Mate ang Queen ng buong Hellyon at wala akong kinatatakutan! Kaya kung ako sayo lumabas ka na diyan sa lungga mo dahil kanina pa nangangati ang kamay kong patayin ka!" Buong galit na sigaw ni Trixi.
Mula sa sulok ng gym ay lumabas nga si Ever na may hawak na pamalong metal. Ang iba naman niyang kasamahan ay kutsilyo, itak, palakol at kung ano ano pang bagay na panlaban ang mga hawak nila.
Nandilim agad ang paningin ni Trixi ng makita niyang lumabas si Ever at ang iba pa nitong kasamahan. Nangangati na talaga ang mga kamay ni Trixi na mapatay si Ever kaya wala na siyang inaksaya pang oras at agad niya na itong sinugod.
Ang nasa isip niya lang ay ang mapatay ito at wala na siyang pakialan kung kasalanan man ito sa batas o sa diyos. Iniisip niyang tago ang paaralang kanilang pinapasukan kaya ayos lang kung magpatayan sila walang ibang makakaalam maliban sa kanilang mga studyante.
Nagulat si Ever ng bigla na lang sumugod sa kanya si Trixi kaya hindi niya agad nailagan ang kutsilyo na ibinato sa kanya ni Trixi kaya nadaplisan siya nito sa kanyang braso.
"Ever!" Sigaw pa ni Jenson.
Agad na sinalag ni Trixi ang kamao ni Trixi ng akmang susuntukin na siya nito. Pinaikot niya ang braso nito kaya namilipit ito sa sakit at pilit na nagpupumiglas.
"Okay lang ako! Kumilos na kayo Liam at makipaglaban!" Utos niya kay Jenson na agad naman nitong sinunod dahil sakto lang na sinugod naman ito ni Zach.
Tinadyakan ni Trixi ang kaliwa niyang binti kaya napabitaw siya sa pagikot ng braso ni Trixi.
Ng mabitawan siya ni Trixi ay agad naman siya nitong sinipa sa sikmura na ikinadaing niya sa kakit. Hindi pa man nakabangon si Ever dahil sa lakas ng pagkasipa ni Trixi sa sikmura niya ay napaupo ito ay sinipa ulit siya nito.
Pinagsisipa siya ni Trixi at sinabunutan. Dinaganan siya nito bago paghihilain ang buhok niya. Hindi pa ito nakuntento at pinaguuntog pa siya nito sa sahig.
Ramdam ni Ever ang hilo dahil sa walang tigil na paguntog ng ulo niya sa sahig. Umiikot na ang paningin niya at nananakit rin ang sikmura at iba pang bahagi ng katawan niya na sinipa ni Trixi.
"See? Isa ka ngang talunan at mahinang linalang na hindi nararapat dito. Tsk! Tsk! Ang dali dali mo naman palang talunin akala ko mahihirapan ako sayo." Naiiling pa na sabi ni Trixi ba linubayan na ang ulo niya sa kauuntog.
"Masyado kang pasikat pero wala ka namang binatbat sakin. Hindi ka talaga bagay na maging Queen." Hindi na niya naintindihan ang pinagsasabi nito dahil ang gusto niya lang ay makawala sa pagkakadagan nito sa kanya.
At ng makahanap siya ng pagkakataon ay buong lakas niyang sinapak sa mukha si Trixi kaya napahawak ito sa mukha niyang tumudugo na dahil sa lakas ng suntok niya.
Pinilit niyang binangon ang sarili at pinagpalit ang pwesto nila ni Trixi habang iniinda pa nito ang sakit ng pagkakasapak niya at nagtagumpay naman siya.
Siya na ngayon ang nasa ibabaw ni Trixi at pinagsasapak niya ito at sinabunutan.
Sasapakin niya na sana ulit ito ng makaramdam siya ng sakit sa likod niya na parang may humampas dito kaya napahiwalay siya sa ibabaw ni Trixi.
Tama nga at may humampas sa kanya at si Yanni iyon na napadaan sa pwesto nila ni Trixi habang nakikipaglavan kay Shantal ay nagkaroon ito ng pagkakataon na mahampas siya sa likod.
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018