Chapter 1

26.5K 582 55
                                    

Luhan of Exo as Gavin Jacob Andrada

See the multimedia above .

Gavin's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na direktang tumatama sa aking mukha. Unti-unti kong iminulat ang aking  mata at inilibot ang aking paningin sa loob ng aking kwarto. Kinuha ko ang luma kong cellphone sa bedside table at napasigaw na lamang ng makita ko ang oras.

Dali-dali akong tumayo at iniligpit ang aking higaan. Pumasok ako sa banyo at naligo ng mabilis. Nang matapos akong maligo, dali-dali kong kinuha ang medyo lumang T- shirt sa aking drawer at isang maong pants. Since college na ako, hindi na kami obligado na magsuot ng uniporme. Pero wala naman akong sapat na pera para bumili man lang ng panibagong pares ng t- shirt at pantalon. Napa buntong-hininga na lamang ako dahil sa isiping ito. Hahanap na lang siguro ulit ako ng panibagong pagtatrabahuhan para magkaroon ako ng income sa sarili ko kahit papaano. Nag-resign kasi ako sa trabaho ko sa isang fast-food chain. Muntik na kasi akong pagsamantalahan ng boss ko. Oo lalaki ako, pero maraming nagsasabing para raw babae ang itsura ko. Idagdag pa na bakla ako kaya medyo mahinhin ang kilos ko. Aminado akong bakla ako, pero hindi ako yung tipong nagme-make up at nagsusuot ng pambabae. Gusto ko pa ring magmukhang lalaki at desenta at karespe-respeto sa mata ng mga tao.

Lumabas na ako ng aking kwarto at umalingasaw ang amoy ng alak sa bawat sulok. Tumambad sa aking paninginang mga nagkalat na pakete ng chichirya sa sahig. Bumaba na ako sa sala at doon ko nakita ang natutulog at lasing kong stepdad. Nakahiga siya sa sofa habang nakataas sa hanggang dibdib ang kaniyang suot na puting t-shirt. Kitang-kita ko ang maamo niyang mukha habang payapang natutulog subalit, kita rin dito ang labis na lungkot, pagdadalamhati at pananabik. Kung kaya ko lang sanang baguhin ang nakaraan ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat manumbalik lang sa normal ang lahat subalit, hindi ko kaya. Wala akong ibang kayang gawin.

Pinalaki ako ng mama kong mag isa. Sabi niya sa akin bata pa lamang daw ako ng pumanaw si papa. Lagi ko siyang tinatanong kung ano ang nangyari kay papa. Gusto ko kasi malaman ang lahat-lahat sa kaniya. Alam kong hindi mababago ng mga impormasyong malalaman ko ang katotohanang matagal nang namamahinga ang aking ama subalit, gusto ko pa ring malaman ang katotohanan. Ang tanging sagot lang na ibinibigay sa akin ng aking ina ay sumakabilang-buhay siya dahil sa isang aksidente. Iniligtas raw ako ng aking ama kapalit ng kaniyang buhay. Sumula ng malaman ko iyon ay parang naramdaman kong kasalanan ko kung bakit hindi kami kumpletong pamilya. 

Minsan nga ay dumating sa punto na nakita ako ng aking ina na nasa loob ng banyo at umiiyak habang bumubulong na kasalanan ko ang lahat. Kitang-kita ko sa mukha ni mama ang labis na pag-aalala sa akin ng mga panahong iyon. Sa tuwing sinisisi ko ang aking sarili ay lagi niyang sinasabi na wala akong kasalanan. Na ginawa ni papa ang bagay na iyon para sa kapakanan ko.

Lumaki akong masaya kahit pa walang ama ang gumabay sa aking paglaki. Hindi naman nagkulang si mama sa akin, sa halip, masasabi kong sapat na siya para sa akin at wala na akong mahihiling pa. Sa pamumuhay namin ni mama. Hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon siya ng panibagong makakasama kaya nagulat ako ng may ipinakilala sa akin si mama na isang lalaki. Mga 7 years old ako ng ipinakilala niya sa akin si Mark. Hindi naman ako tutol sa muling pag-aasawa ni mama lalo pa't naiintindihan ko na naghahanap lang siya ng kalinga at pagmamahal na tanging asawa lamang ang makapagbibigay. Mga kasing edad lamang ni mama si Mark. Sinabi niya sa akin na mahal niya si Mark at gusto nilang magpakasal. Agad naman akong pumayag sa desisyon ni mama lalo na't nakikita kong masaya talaga siya sa piling ng lalaking iyon na aking magiging stepdad. Di kalaunan ay nagpakasal sila. Itinuring ako ni Mark na tunay niyang anak. Ibinibigay niya ang lahat ng pangangailangan namin ni mama. Namuhay kami bilang isang masaya at kumpletong pamilya. Isang pamilyang hindi ko inaakala na magkakaroon ako. Parang isang panaginip lang ang lahat sa akin nung mga panahong iyon. Isang maarugang ina at mapagmahal na stepdad. Para sa akin ay perpekto na ang lahat subalit ang lahat ay naglaho na parang bula. Ang lahat ay nagbago sa isang kisapmata lamang.



The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon