Chapter 45

5K 203 17
                                    

Gavin's POV

Paikot-ikot akong naglalakad sa loob ng kuwarto habang nag-iisip kung anong klaseng damit ang aking susuotin. Hindi ko inaasahan na pupuntahan namin ni Laz ngayon ang kaniyang stepdad.

Naramdaman ko ang pagtagaktak ng malamig na pawis sa aking noo dahil sa labis na kaba. Natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan. Lalo na't alam kong ang taong kikitain namin ngayon ay isang lider ng napakadelikadong organisasyon.

Napasigaw ako nang makarinig ako ng mahinang pagkatok mula sa pinto ng aking kuwarto.

"Hey, Gab... You okay there?" Mahinahong tanong sa akin ni Laz.

Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili bago sumagot. Huminga ako ng malalim at pumikit upang maibsan ang kabang nararamdaman.

"A-ayos l-lang ako." Nauutal ko pa ring tugon sa kaniya.

"Hey, open the door." Sabi ni Laz sa seryosong tinig.

"H-hintayin mo na lang ako diyan." Mahina kong sigaw sa kaniya.

"Open this goddamn door, Gab." Ma-awtoridad niyang utos sa akin.

Tila nanuot sa aking mga buto't kalamnan ang makamandag niyang utos kaya naman dali akong tumungo sa pinto at pinagbuksan siya.

Tumambad sa aking paningin ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa aking nanginginig na katawan.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking magkabilang balikat.

"What's happening to you?" Nag-aalala niyang tanong. "Why are you shaking?"

Tumingin ako sa kaniyang mata. Naaninag ko mula rito ang labis na pag-aalala, hindi ko na napigilan ang aking sariling mapaluha. Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at mahigpit siyang niyakap sa kaniyang tiyan.

"Natatakot kasi ako." Umiiyak kong tugon sa kaniya. "Paano kung ayaw sa akin ng stepdad mo? Iiwanan mo na ako?" Lalo kong isiniksik ang katawan ko sa kaniya. Dinadama ang init nito sa bawat segundo.

Naramdaman ko na lang ang banayad niyang paghimas sa aking likod. Mahigpit siyang nakayakap sa akin habang ang isa niyang kamay ay malayang sinusuklay ang malambot kong buhok.

"Don't worry about that," bulong niya sa aking tainga. "I won't leave you even if he wants me to."

Hinawakan niya ako sa aking magkabilang pisngi. Pinunasan niya ang mga luhang lumalandas sa aking mata. Tinitigan ko siya at nakita ko siyang masayang nakatunghay sa akin.

"You'll really be the death of me." Bulong niya bago sinakop ang aking labi sa isang mainit ngunit banayad na halik.

***********************************

"You look cute." Malambing na sabi ni Laz sa akin matapos akong magbihis. Nakasuot ako ng isang kulay dilaw na sweater at maong pants. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Yumuko ako habang nahihiyang lumakad palapit sa kaniya.

Pinagsalikop niya ang aming kamay. Tinitigan ko ito at hindi ko maiwasang mapangiti. Inangat ko ang aking paningin at nakita ko siyang masayang nakatunghay sa akin.

"Are you ready?" Tanong niya sa akin.

Tanging isang matamis na ngiti at tango lamang ang aking naging tugon bago kami lumabas sa kaniyang condo.

Habang nakasakay sa elevator, may nakasabay kaming dalawang matandang mag-asawa.

Nakatingin sa aming dalawa ang matandang ginang, may nakaimplantang matamis na ngiti sa mga labi nito.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon