Author's note:
Yung kantang kakantahin ni Gavin as you read the chapter is "This is my now" by Jordin Sparks
Happy reading 😊
Gavin's POV
Matapos ang maikling komosyon sa pagitan ng lalaking may kulay berdeng mata at yung lalaking pumasok sa loob ng silid na puno ng sugat at galos ang katawan, ang kani-kaninang nanginginig na propesor sa aming harapan ay nagsimula ng magsalita. Hindi naman gaanong kaimportante ang kaniyang mga sinabi. Ipinaliwanag niya lang ang mga ilang patakaran niya sa tuwing siya na ang magtuturo at ipinakilala rin niya sa amin ang kaniyang sarili at ang asignaturang kaniyang ituturo. Akala ko ay tapos na ang klase matapos niyang ipaliwanag ang lahat ng mga bagay na nais niyang iklaro sa amin subalit, nagkakamali pala ako.
"Okay class, since unang araw ng klase ngayon at ilan sa inyo ay wala pang masyadong kakilalang ibang mga estudyante, gusto kong ang bawat isa sa inyo ay magpakilala sa harap at magbahagi ng kanilang talento. " mahabang litanya ng aming propesor na lalaki.
Narinig ko naman ang mga pagdaing ng aking mga kaklase, samu't saring reaksyon ang inani ng rebelasyon ng guro sa aming harapan. Samantala, ang dalawa ko namang katabi ay nananatiling tahimik at walang kibo. Tumingin ako sa aking bandang kaliwa upang tingnan ang kalagayan nung lalaking puno ng sugat. Nakayuko lang siya sa kaniyang armchair at hindi gumagalaw. Pinagmasdan ko ang kaniyang tiyan. Baka kasi hindi na ito humihinga kaya hindi gumagalaw. Nang nakita kong maayos pa naman ang paghinga niya ay inialis ko na rin ang tingin ko sa kaniya. Sumulyap naman ako sa gawing kanan upang tingnan kung ano ang pinagkakaabalahan nung lalaking may berdeng mata. Nakita ko siyang seryosong nakatingin lang sa harapan, walang emosyon ang kaniyang mukha na lalong nagpadagdag sa awra niyang nakakatakot at misteryoso. Ibinaling ko ang aking mata sa harapan at nakita ko ang propesor na direktang nakatingin sa akin.
"Mr. Andrada, since transferee ka dito bakit hindi ikaw ang maunang magpakilala sa harapn. Tell something about yourself and after that, share mo sa amin ang iyong mga talents." nakangiting sabi sa aking ng guro.
Tila parang binuhasan naman ng nagyeyelong tubig ang aking katawan matapos marinig ang kaniyang anunsiyo. Naramdaman ko na lang ang biglaang pagkabog ng aking dibdib at muling sumilay ang takot at kaba sa aking sistema. Hindi ko malaman kung tatayo na ba ako at maglalakad papunta sa harapan. Parang hindi gumagana ang aking pag-iisip dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
Ewan ko ba, nasa college na kami pero may introduction pa rin. Maiintindihan ko pa kung simpleng pagpapakilala lamang ang gagawin eh. Yung tipong tatayo ka lang sa upuan mo at sasabihin mo lang ang pangalan mo at tapos na. Matagumpay mo nang napakilala ang iyong sarili. Pero iba kasi ang sistema dito. Kailangan mong ipakilala ang sarili mo sa harapan ng klase at pagkatapos, kailangan mong magpakita ng talento mo. Kaya grabe talaga ang kabog ng dibdib ko nang malaman kong ako pa ang unang magpapakilala.
Kagat-kagat ko ang aking labi habang nakayukong naglalakad papunta sa harap. Tila napakabagal ng oras ng mga sandaling iyon at hinihiling ko na sana ay bumuka ang lupa at kainin ako ng buong-buo nang makita ko na naman ang mga mapanghusgang itsura ng aking mga kaklase.
Nagawa ko namang ipakilala ang aking sarili, kaya nga lang, di ko alam kung may naintindihan sila. Paano ba naman kasi, nang sinubukan kong humarap sa buong klase, mukha agad nung nakakatakot na lalaki ang nakita ko. Ewan ko ba, parang may pwersang humihila sa aking paningin para tingnan siya. Nakita kong muli ang magaganda ngunit nakakatakot niyang mga mata na siyang naging dahilan kung bakit nagkanda buhol-buhol ang aking dila. Yan tuloy nautal ako habang nagpapakilala.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...