Chapter 37

5.2K 276 9
                                    

Gavin's POV

Hinatid ako ni Laz papunta sa bahay matapos ang pakikipag-usap namin kay Officer Benneth patungkol sa kaso ni Mark. Tahimik ang naging buong biyahe sa pagitan naming dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang aking bahay. Lumabas ako ng kotse at ganon rin siya. Nilakad niya ako hanggang sa pintuan ng aking bahay.

"Laz, maraming salamat sa pagsama sa akin kanina." Pagpapasalamat ko sa kaniya habang may matamis na ngiti sa aking labi.

"Anything for you, babe." Sabi niya habang may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

"Sige na, matutulog na ko," pagpapaalam ko sa kaniya."Umuwi ka na, mag-ingat ka sa biyahe mo." Paalala ko sa kaniya bago buksan ang pintuan subalit napahinto ako sa aking ginagawa nang narinig ko siyang  magsalita.

"I'm staying here," seryoso niyang banggit sa akin. "with you." Dugtong niya na nagpakabog sa aking dibdib.

Kumabog ang aking dibdib. Unti-unting bumilis ang tibok ng aking puso, kasabay nito ang  pamumula ng aking pisngi.

"Hindi na kailangan Laz," sabi ko sa malumanay na boses. "huwag mo akong alalahanin." Saad ko.

"I won't leave you here alone!" Medyo pasigaw niyang sabi sa akin. "After knowing that someone is stalking you, hell, I'll stay here with you, 24/7." Sabi niya sa boses na punong-puno ng awtoridad.

"I'll protect you, Gab. I won't let anyone hurt you." Sabi niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking pisngi. Ipinagdikit niya ang aming noo. Medyo nagtatama ang aming ilong at nararamdaman ko ang pagtama ng mainit na hangin mula sa kaniyang bibig.

"I love you." Bulong niya sa akin na puno ng lambing at pagmamahal. Kita ko sa kaniyang mata ang sinseridad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may ganito siyang personalidad. Sanay ako at ibang mga tao na nakikita siyang walang emosyon at palaging galit. Kaya naman naninibago ako sa damdaming ipinapakita niya sa akin. Nalilito ako, hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng ito, o isa lamang magandang panaginip.

Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin, umaasang muli niyang mahahagkan ang aking labi. Subalit, itinaas ko ang aking kamay at iniharang ito sa kaniyang bibig.

"Nasa labas tayo ng bahay," nakayuko kong pahayag. "baka may makakita na naman sa atin." Paliwanag ko sa kaniya sabay pihit ng doorknob at tulak sa pinto. Pumasok ako sa loob ng bahay habang naiwan si Laz sa labas ng bahay. Nakakunot ang noo, bakas ang iritasyon sa kaniyang mukha dahil sa naudlot niyang paghalik sa akin.

Payapa at tahimik kaming kumain ni Laz ng hapunan na aking niluto. Nagluto ako ng adobong manok para sa aming dalawa. Nakaramdam ako ng saya dahil halos si maubos ni Laz ang niluto ko. Halatang nasarapan siya at masaya akong nagustuhan niya ang pagkain.

"It's delicious, I've never eaten something like this before." sabi niya habang nakasandal sa upuan at hinihimas ang tiyan. "You're a great cook," pagpuri niya sa akin. "wife material, I guess?" Sabi niya habang nakatitig sa akin. May malokong ngiti sa kaniyang labi.

"Iuwi na kaya kita? What do you think? Isn't it a good idea?" Seryosong tanong niya sa akin. Nakahawak pa siya sa kaniyang baba at bahagya itong kinakamot na para bang nag-iisip talaga siyang mabuti.

Binato ko naman sa kaniya ang kutsarang hawak ko at direkta itong tumama sa kaniyang ulo. Mahina siyang napasigaw dahil sa sakit. Ibinaling niya ang tingin sa akin at nakita ko siyang sumimangot.

"That hurts, ganiyan mo ba tratuhin ang asawa mo?" Tanong niya sa akin na para bang punong-puno siya ng hinanakit. Napatawa naman ako dahil sa itsura niya. Para siyang isang batang inagawan kendi.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon