Gavin's POV
Maaga akong gumising ngayong araw upang pumasok ng maaga sa eskwelahan. Hindi dahil sa natutuwa ako sa bago kong paaralan, sa totoo nga lang ay kabaliktaran ang aking nararamdaman. Oo, totoong dream school ko talaga ang Clifford University at tila isang suntok sa buwan ang oportunidad na makapag-aral ang isang katulad ko sa ganitong klaseng paaralan. Pero, di ko rin maiwawaksi na sa likod ng mga magagandang katangian ng unibersidad na ito ay siya namang kapangit ng ugali ng mga mag-aaral dito. Hindi ko namang sinasabi na lahat ng mag-aaral ay masasama at bastos. Mayroon pa rin namang may mabubuting-loob at respeto, pero bihira at bilang lang sa kamay ang mga estudyanteng ganon. Maaga akong papasok ngayon hindi dahil sa nagagalak akong makita ang mga kaklase ko, sa halip, may isang tao akong gustong sadyaing makita at makausap. Si Laz, siya ang dahilan kung bakit maaga akong papasok. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa trabahong inaalok niya sa akin. Napagisip-isip ko kasi na malaking tulong sa akin ang alok ni Laz na iyon. Bukod sa malaki ang sahod ay ibabalik niya pa sa akin yung susi na galing kay Mark. Ewan ko ba pero malakas ang kutob na mahalaga ang susing iyon. Kung sa ibang tao siguro ay hahayaan na lang nila na mawala iyon. Pero hindi ako ganon, yung susing iyon ay isa sa mga mahalagang bagay kay Mark kaya naman iingatan ko iyon sa abot ng aking makakaya. Gaya ng pag-iingat ko sa mga masasayang ala-ala naming buong pamilya noong panahong masaya pa kami.
Dali akong naligo at nag-ayos ng sarili upang pumasok sa eskwelahan. Baon ang pasensya at kababaang-loob, lumabas ako sa pintuan ng aking bahay nang may buntong-hininga.
Lumipas ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na rin ang unibersidad. Dali akong pumasok at mabilis na naglakad. Para akong pusang naliligaw dahil sa hindi mapirmi ang aking ulo sa kakalingon sa paligid. Pilit kong sinusuri ang bawat tao sa paligid. Hinahanap ang malaking bulto ng katawan at perpektong ayos ng mga buhok, at higit sa lahat ang pares ng berdeng mga matang kayang magpalambot ng aking mga tuhod.
Sa kakalingon ko ay di ko namalayang may isang lalaking nakatayo sa aking harapan.
"Looking for someone huh?" Tanong ng lalaki sa kawalan.
Agad naman akong napahinto sa aking paglalakad at napaharap sa bulto ng katawang nakaharap sa akin. Muntik pang tumama ang aking mukha sa napakalapad at matigas na dibdib ng lalaki. Unti-unti kong itinaas ang aking ulo at doon tumambad sa akin ang seryosong titig ni Laz
"L-Laz, ahhm-ahh, h-hello, go-good morning." Pagbati ko sa kaniya habang may kinakabahang ngiti sa aking mga labi.
Nanatili lamang ang seryoso niyang mata sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon. Blangko lamang ito at di kakikitaan ng anumang emosyon.
"Have you decided already?" Malamig at seryosong tanong niya sa akin.
"H-huh? A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"My offer, the work. Have you decided?" Pagpapaliwanag niya sa akin.
Tila parang may bumbilyang umilaw naman sa ibabaw ng aking ulo nang bigla kong maalala ang tungkol sa bagay na iyon.
"Ahhhmm, Oo, tinatanggap ko na yung trabaho. " Nakayuko kong sabi sa kaniya. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Napakapakipot ko pa kagabi, tatanggapin ko rin naman pala.
Inangat ko ang aking ulo upang tingnan ang kaniyang ekspresyon at nakita kong may sumilay na ngisi sa sulok ng kaniyang labi. Sa paraan ng pagngiti niya ay nararamdaman kong hindi maganda ang mga bagay na naglalaro sa kaniyang isipan.
"Good" Bulong niya sa aking tainga bago tumalikod.
Akma na siyang aalis nang bigla kong kabigin ang kaniyang braso upang muli siyang iharap sa akin. Napatingin siya sa kaniyang brasong hawak-hawak ng aking kaliwang kamay. Nakita kong tila nag-apoy ang kaniyang mga mata. Dumako ang kaniyang nag-aalab na titig sa akin at di ko mawari ang ipinahihiwatig nito.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...