Chapter 42

4.6K 184 5
                                    

Gavin's POV

Nagising ako sa aking mahimbing na tulog at ang unang tumambad sa akin ay ang maamo at payapang mukha ni Laz. Ang kaniyang mga braso ay mahigpit na nakayapos sa aking baywang. Ang aming katawan ay magkadikit, dahilan upang maramdaman ko ang init na inilalabas ng kaniyang balat.

Marahan kong tinapik ang pisngi ni Laz upang siya ay gisingin at para makapaghanda na sa eskwela.

"Laz, gumising ka na." Bulong ko sa kaniyang tainga.

Narinig ko siyang umungol. Ang kaniyang kamay ay bumaba papunta sa aking pang-upo at marahan itong pinisil. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa ginawa niya.

"Ano bang ginagawa mo?" Nahihiya kong tanong.

"I'm not doing anything." Sabi niya habang may ngising naglalaro sa kaniyang labi.

Mahina ko siyang hinampas sa kaniyang dibdid. Pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin, subalit sadyang malakas talaga siya. Tila isa siyang pader na nakayakap sa akin.

Nagulat ako nang biglaan niya akong hinaltak paibabaw sa kaniya. Mahina akong napahiyaw dahil sa pagkabigla. Nakaupo ako ngayon sa kaniyang ibabaw at ramdam ko sa aking pang-upo ang matigas niyang pagkalalaki.

Napayuko ako dahil sa hiya, samantalang siya ay halatang natutuwa sa kaniyang nakikita.

"Laz, tumigil ka na nga." Sabi ko sa kaniya.

Sa halip na tumigil, ipinuwesto niya ang kaniyang kamay sa aking batok at hinila ito palapit sa kaniyang labi.

Naglapat ang aming mga labi sa isang mainit na halik. Gumanti ako sa paraan ng paghalik na iginagawad niya sa akin. Uhaw at marahas.

Habang ginagalugad ng kaniyang dila ang loob ng aking bibig, ang kaniyang kamay naman ay naglalakbay sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Damang-dama ko rin ang pagtama ng matigas niyang pagkalalaki sa aking pang-upo. Dahilan upang mas lalong mag-init ang aming mga katawan.

"I love you." Bulong niya habang magkalapit ang aming labi.

Matamis akong napangiti sa kaniya. Nakita ko kung paano lumiwanag ang kaniyang mga mata habang nakatitig ito sa akin.

Umikot ako dahilan upang mawala ang mahigpit na pagkakayakap niya sa akin. Dali akong tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto.

"Bumangon ka na diyan," sigaw ko sa kaniya. "Male-late na tayo."

Bago tuluyang makalabas, narinig ko pa ang kaniyang tugon.

"Is it hard to say I love you too." Sigaw niya sa loob.

Hindi ko maiwasang mapangiti at magpakawala ng isang mahinang tawa.

************************************
Narating namin ni Laz ang Clifford University ng tahimik at payapa. Kagaya ng dati, napunta sa amin ang atensiyon ng mga estudiyante pagkalabas namin ng sasakyan. Tanging tingin lamang ang kanilang nagawa, walang naglakas-loob na magsalita.

Papasok na sana kami sa loob ng building nang may narinig akong sumisigaw ng aking pangalan. Lumingon ako sa direksiyong pinagmumulan ng tinig at nakita ko si Noah, tumatakbo patungo sa akinh direksyon.

"Gab, can we talk privately?" Hinihingal niyang tanong sa akin.

Akma na sana akong sasagot nang makaramdam ako ng mahigpit na mga brasong yumapos sa aking baywang.

"Why it has to be in private?" Seryosong tanong ni Laz kay Noah. "Just talk to him here." Dugtong pa nito.

Hindi sumagot si Noah. Tumingin lamang ito sa aking mata. Tila nakikiusap.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon