Timothée Chalamet as Sean Anderson
See the multimedia above
Happy reading :)
Gavin's POV
Wala akong maramdaman kung hindi ang matinding sakit sa aking puso. Pakiramdam ko ay muli akong pinagtaksilan ng tadhana dahil sa balitang aking natanggap. Para bang isang bomba itong sumabog sa aking sistema na naging dahilan upang tuluyang gumuho ang kakaunting pag-asa na bumubuhay sa aking namamatay ng kaluluwa. Ang mga boses sa aking paligid ay hindi ko marinig, para bang tuluyan nang hindi gumana ang aking pandama dahil sa balitang wala na ang kaisa-isang taong tinuturing kong pamilya.
Hindi ko alam kung nananatili pa ba akong nakatayo sa aking kinalalagyan, hindi ko alam kung gising pa ba ako o tuluyan nang hinimatay. Sana ay hinimatay na lang ako at hindi na muling gumising pa. Nang sa gayon ay unti-unti na kong makawala at makatakas sa mala-bangungot kong buhay.
Naramdaman ko ang malakas na pagbuhos ng aking luha sa aking mga mata. Kasabay ng pagtagas nito ay ang unti-unti ring pagkaubos ng pag-asa sa aking puso na magiging maayos at matiwasay rin ang lahat. Alam kong humihikbi ako subalit ang mga mumunting tinig na inilalabas ng aking bibig ay hindi ko marinig. Sobra akong nasasaktan sa mga oras na ito na para bang hinihiling ko sa Panginoon na sana ay isang malagim na bangungot lang ang lahat. Na gigising rin ako at muling babalik sa dati ang aking buhay.
Nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa aking balikat ngunit hindi ito naging sapat upang mapawi ang sakit, pait at lumbay na nararamdaman ngayon ng nagdurugo kong puso. Hindi ko namalayan na nagpakawala na pala ako ng isang nanghihinang sigaw. Isang sigaw na punong-puno ng hinanakit at lungkot.
"B-bakit? A-ano b-bang ginawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito?" Tanong ko sa aking lumuluhang sarili.
"Ano bang nangyari Gab?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng malamunay na tinig.
Nilingon ko ito at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng aking katrabaho na si Sean. Nakita kong nakaluhod siya sa aking tabi habang marahan niyang hinahaplos ang aking likod upang pagaanin ang aking pakiramdam. Unti-unti naman niya akong napakalma subalit hindi pa rin ito sapat upang tuluyang tumigil sa pag-agos ang aking mga luha.
"P-patay na siya." Sabi ko sa kaniya.
"Iniwan na nila akong lahat." Paghagulgol ko sa aking katabi habang naramdaman ko ang marahan nitong pagyakap sa nanginginig kong katawan.
Narinig ko ang marahan nitong pagbulong sa akin na magiging ayos lang ang lahat. Subalit, malayo sa katotohanan ang kaniyang sinasabi. Kahit kailan ay hindi na muli pang magiging maayos ang lahat. Sa halip na gumaan ang aking pakiramdam ay lalo lang akong nilukob ng kalungkutan nang sumampal sa akin ang sakit ng katotohanan. Katotohanang mamumuhay akong mag-isa. Nakita ko na lang ang sarili kong mas mahigpit na niyakap ang binata sa aking harapan habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha.
Nagulat na lang ako ng marinig ko ang sigaw ng isang babae sa loob ng restaurant. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Maam Athena.
"Gab! Sean! Anong nangyari ?" Tanong sa aming dalawa ni maam.
Siguro ngayon ay nagtataka siya kung bakit kami nakasalampak ni Sean sa malamig na sahig ng restaurant habang may mga luhang tumatagas sa aking mga mata. Umalis ako sa aking pagkakayakap kay Sean. Sinubukan kong tumayo kahit nanlalambot ang aking mga tuhod. Mabuti na lang at agad akong tinulungan ni Sean upang hindi ako matumba. Agad akong iniupo ni Sean sa isang upuan habang inabot niya sa akin ang isang baso ng malamig na tubig upang kumalma ang aking pakiramdam. Ininom ko ang tubig at pinasadahan ng tingin ang dalawang tao sa aking harapan. Halata sa kanilang mga mukha ang labis na pagkalito at pag-aalala. Tila nakaramdam naman ako ng pagka-konsensiya sa kadahilanang alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nag-aalala.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...