Clifford University in the multimedia screen above-Happy reading 😊
Gavin's POV
Natapos naman nang mapayapa ang morning classes ko. Although, hindi pa rin nawala yung mga kaunting bulungan sa paligid. Hindi naman nila ako sinaktan physically kasi yun ang hindi ko kakayanin. Kaya kong tiisin lahat ng panlalait, basta't wag lang nila akong sasaktan.
Dumagundong ang tunog ng bell sa buong building. Hudyat na simula na ang lunch break. Agad-agad ko namang inayos ang bag ko at dali-daling lumabas ng classroom.
Nagkalat ang mga estudyante sa corridor. Lahat sila ay masayang naglalakad kasama ang kanilang mga kaibigan. Grabe! Unang araw palang may mga kaibigan na agad. Ganito siguro talaga kapag mayaman. Ako lang ata ang walang kakilala dito eh.
Sa halip na sumakay sa elevator, mas pinili ko na lang na maghagdan. Natatakot kasi akong makulong sa loob ng sila ang kasama ko. Hindi ko alam ang takbo ng kanilang mga isip. Mas mabuti ng sigurado kaysa masaktan ako.
Lumabas na ako ng main building at sinundan na lamang ang karamihan ng mga estudyante kung saan sila pupunta. Hindi ko kasi alam kung saan ang canteen nila dito, eh sigurado naman akong doon ang punta nila, kaya susunod na lang ako.
Nakarating ako sa canteen or should I say "cafeteria" base na rin sa mga tawag na naririnig ko ng ibang estudyante.
Halos lumuwa ang aking mata ng makita ko ang isang napakagara at malaking establisiyimento. Grabe ang laki ng cafeteria dito! Basta napakalawak at halatang pang mayaman.Parang kumikinang ito sa tuwing nasisinagan ng araw dahil halos gawa sa salamin ang kabuoan nito.
Lumapit ako patungo sa pinto upang buksan ito at pumasok sa loob.Itutulak ko na sana ang pintuan ng bigla na lang itong bumukas, dahilan upang bumagsak paharap ang aking katawan. Malalakas na tawanan na naman ang bumungad sa akin.Hindi ko naman alam na automatic palang bumubukas ang pintuan dito. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Lumapit ako sa counter at iniangat ang aking tingin sa mga pagkaing kanilang ibinebenta. Mukhang masasarap lahat ang mga pagkain dito. Parang kahit anong bilin mo ay siguradong mabubusog ka. Tiningnan ko naman ang presyo ng mga pagkain dito at halos malaglag ang panga ko ng makita ko kung gaano kamahal ang mga bilihin nila. Ang isang cup ng kanin nila ay nagkakahalaga ng 50 pesos, ang kanilang 250 ml na mineral water ay 35 pesos at karamihan sa mga student at package meals nila ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa 600 pesos. Grabe naman, saan ba gawa ang mga pagkain dito. Sa mga diyamante at iba pang mamahaling bato. Ang pinakamura na ata dito ay nagkakahalaga ng 250 pesos at ulam lang iyon. Partida, side dish lang talaga siya pero para sa aking parang ulam na.
Sa sobrang pagkagulat ko sa mga presyo ng pagkain dito ay hindi ko napansin ang babaeng kaharap ko na tila naiirita na sa akin dahil sa sobrang tagal ko nang nakatayo pero wala pa rin akong ino-order.
"Bibili ka ba o hindi?" tanong sa akin ng babae habang nakataas ang isa niyang kilay.
Naramdaman ko naman na nakatingin sa akin yung ibang mga estudyanteng nakapila. Yung iba naman nagbubulungan at siguradong ako na naman ang laman ng usapan nila.
"A-ahm w-wag na lang po." magalang kong sagot.
Agad akong tumalikod at tumakbo papalabas ng cafeteria nang biglang tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay. Itinaas ko ang aking paningin at nanginig ang aking mga kalamnan nang makita ko na naman ang luntian niyang mga mata.
"S-so-sorry, d-di ko si-sinasadya" nauutal kong sabi sabay takbo ng mabilis palabas ng cafeteria.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa isang mapunong lugar dito sa school. Mapuno siya pero hindi siya yung parang masukal type na gubat. Maaliwalas pa rin ang pakiramdam kaya napili kong maglibot. Napadpad ako sa isang parang gazebo. Umupo ako at doon ko piniling magpahinga. Nilabas ko rin ang baon ko sa bag. Ewan ko ba sa sarili ko, may baon naman ako, bakit pa kaya ako bumaba doon sa cafeteria. Sinimulan ko nang kainin ang baon kong adobo na kagabi pa namin ulam. Late na kasi umuwi si Mark kagabi dahil lasing na naman siya kaya di niya nakain yung ulam niya. Nang matapos akong kumain, niligpit ko na rin agad yung spongebob kong lunch box. Mahilig kasi ako sa spongebob, favorite ko talaga yon.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...