Gavin's POV
Nagising ako sa aking komportableng pagkakatulog nang makaramdam ako ng malalapad na brasong nakagapos nang mahigpit sa aking baywang. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at iginala ito sa paligid. Hindi pa gaanong matindi ang sikat ng araw sa labas. Naglalaban pa ang kadiliman ng gabi at ang pasibol na liwanag dulot ng araw.
Iginalaw ko ang aking katawan upang bumangon at mag-ayos ng sarili. Akma ko nang aalisin ang nakayapos na braso ni Laz sa akin nang bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kaniyang hubad na katawan. Isiniksik niya ang kaniyang ulo sa pagitan ng aking leeg at marahang humihinga.
Dama ko ang maskuladong hubog ng kaniyang katawan sa aking likod at ang senswal na pagtama ng mainit niyang paghinga sa aking leeg. Sinubukan kong bumangon muli, subalit hindi ako nagtagumpay. Mas lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
"Laz, gumising ka na diyan... Maghahanda pa ko ng almusal." Mahina kong paliwanag sa kaniya.
"Hmmmmmm, five more minutes babe." Bulong niya sa akin sabay yakap ng mahigpit at halik sa aking tainga at leeg.
Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa kakulitan niya ngayon. Di ko inaakala na ang isang katulad niya ay may kakayanang kumilos na parang isang bata. Napangiti ako sa aking sarili habang nag-iisip ng paraan sa aking isip kung paano mapapabangon si Laz.
Ilang segundo lamang ang lumipas at nakaisip ako ng isang magandang plano kung paano pababangunin ang lalaking katabi ko ngayon. Pumikit muna ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga bago sumigaw na para bang may masakit sa aking katawan.
"Arrrghhhh... A-arayy ko... L-laz, b-bumangon ka na diyan." Sigaw ko na punong-puno ng pekeng sakit.
Wala pang dalawang segundo ang lumilipas, ang kaninang Laz na parang isang panda kung makayapos sa akin ay dali-daling bumangon at natatarantang humarap sa akin.
"Hey, hey, what's wrong? Anong masakit, Gab? Fuck! Where's my phone!" Natatarantang saad ni Laz. Nasilayan ko ang kaniyang mukha at kita sa kaniyang mata ang labis na nerbyos at takot. Sa di maipaliwang na dahilan, nakaramdam ako ng tuwa sa aking nakikita. Hindi ko maatim na ganito pala kasayang utuin ang katulad niya.
Hindi ko na napigil ang aking sarili at tila isang bombang sumabog ang aking tawa. Halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang kakatawa. Hindi ko na nabigyan ng atensiyon si Laz na ngayon ay seryoso na palang nakatitig sa akin. Nang mahimasmasan ako ay binaling ko ang aking paningin sa kaniya at nakita ko siyang prenteng nakaupo at nakatitig sa akin. Medyo kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya subalit hindi ko ito ipinahalata.
"You done?" Seryosong tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kaniya.
"Ikaw kasi eh, ang tagal mong bumangon. Na-prank tuloy kita." Sabi ko habang muling nagpipigil ng tawa.
Akma na akong babangon sa aking pagkakahiga nang bigla na lamang tinulak ni Laz ang aking balikat. Dahilan upang muli akong mapahiga sa malambot na kama. Pumaibabaw siya sa akin at may mala-demonyong ngisi ang naglalaro sa kaniyang labi.
"You already learned how to put an act on me huh?" Sabi niya sa akin. Puno ng malisya ang tono ng kaniyang pananalita. "You scared me, Did you know that?" Muli niyang tanong habang ang kaniyang mukha ay palapit nang palapit sa akin .
Napatingin ako sa kaniyang mata, pababa patungo sa kaniyang labi. Mapula ito at halatang malambot. Nakita kong kinagat niya ito at pinasadahan ng kaniyang dila. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniyang mata. Napalunok ako nang makita ko siyang nakangisi sa akin habang may nagbabagang pagnanasa sa kaniyang mga mata.
"L-laz, b-bumangon n-na ta-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niyang tinapalan ang aking labi gamit ang kaniyang bibig. Ang halik niya ay malamyos, banayad ngunit dama ang pagiging dominante. Dinilaan niya ang aking pang-ibabang labi at wala akong nagawa kung hindi ang magpaubaya. Ibinuka ko ang aking bibig at hinayaan siyang maglakbay sa loob nito.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...