Chapter 32

6.1K 233 14
                                    

Gavin's POV

Nakahiga ako sa kama habang kumakain ng mansanas na tinalupan ni Laz na kasalukuyang nakaupo sa may sala habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Wala akong ideya kung ano ang dahilan ng kaniyang pagtitig. Ngunit, isa lang ang sigurado ako. Hindi ako komportable sa kaniyang ikinikilos.

Simula ng magkamalay ako ay si Laz na ang kasama ko dito sa ospital. Siya ang nagbabantay sa akin buong magdamag. Medyo nakokonsensya na nga ako dahil sa loob ng tatlong araw na pagbabantay niya sa akin, sa sofa lang siya natutulog. Halatang hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa eyebags na mayroon siya. Paminsan-minsan ko ring nakikita ang paghimas at pagmasahe niya sa kaniyang batok. Nangangalay na siguro iyon dahil sa hindi komportable ang posisyon niya sa pagtulog.

"Laz, ahhm... A-ano kasi..." Nauutal kong pagkausap sa kaniya upang basagin ang nakabibinging katahimikan sa kuwarto.

"Spill it." Simple niyang sagot sa akin.

Nananatili pa ring nakatunghay sa akin ang kaniyang mga mata habang binibigkas ang mga salita. Nagdulot lamang ito sa akin upang lalong kabahan at hindi makapagsalita ng maayos.

"Ahhm... Gusto ko lang magpasalamat sa pagbabantay mo sa akin." Pag-amin ko sa kaniya habang nakayuko. Nakatingin lamang ako sa mangkok na puno ng mga hiniwang mansanas.

"I'm just doing my part. You are my P.A. You are my responsibility." Seryoso niyang paliwanag sa akin.

Alam kong P.A niya lang ako. Alam kong hanggang doon lang ang relasyon naming dalawa . Hindi na hihigit pa doon. Subalit, hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing maiisip kong utusan lang ako sa kaniya. Naguguluhan ako. Hindi ko mawari kung ano ba itong nararamdaman ko. Nasasaktan ako kapag may babaeng lumalapit sa kaniya. Nawawala ako sa aking sarili sa tuwing malapit siya sa akin. Tila ba nasa ilalim ako ng hipnotismo sa tuwing kasama ko siya. Lahat ng bagay na naisin niya ay sinasang-ayunan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Lahat ng ito ay bago sa akin at ngayon ko lang naramdaman.

"Maraming salamt talaga, huwag kang mag-alala. Babayaran ko lahat ng utang ko sa iyo." Determinado kong sagot sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mukha.

"Kung kinakailangang magtrabaho ako sa iyo habang buhay ay gagawin ko." Paliwanag ko sa kaniya.

Nakita kong sumilay ang isang ngisi sa kaniyang mga labi. Ngisi ng isang demonyong nakakita ng isang inosenteng kaluluwa.

Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo. Bahagya siyang sumandal sa sofa at  ibinuka ang kaniyang mga hita dahilang upang tuluyang bumakat ang kaniyang pagkakalalaki sa suot niyang pantalon.

"Really? You're gonna do that?" Tanong niya sa akin habang nakataas ang kaniyang kanang kilay.

Pinamulahan ako ng mukha dahil sa kaniyang posisyon ngayon. Pilit ko mang ialis ang aking paningin sa kaniyang kaselanan, ay tila ba hinihigop nito ang aking paningin.

"Kung kinakailangan kong gawin upang mabayaran ka." Mahina kong bulong.

"Well that's nice. You'll be a good little boy to your master. You will do anything I want. Am I right, Gab?" Tanong niya sa akin. Halata sa kaniyang boses ang panunudyo.

Simpleng tango lang ang aking naisagot sa kaniya habang nakayuko.

Napalingon ako sa may pintuan ng kuwarto nang bigla itong bumukas. Iniluwal nito ang isang lalaking nurse na may dalang medical tray. Nang makita ako nito ay agad ako nitong binigyan ng isang matamis na ngiti. Nakita ko ang kaniyang pantay at maputing mga ngipin na bumagay sa kaniyang mapulang labi.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon