Chapter 47

4.7K 186 25
                                    

Gavin's POV

Tahimik akong nakatayo at nakatitig sa kalawakan habang taimtim na sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin sa hardin ng mansyon. Napapaisip ako, nagtataka't nagtatanong kung sa paanong paraan biglang nagbago ang aking buhay sa loob ng napakaikling panahon.

Inaalala ko ang mga panahong tila kahapon lamang. Dumadaan ang mga ito sa aking isip na tila ba isang sariwang sugat na kailanman ay hindi nakaranas ng  paghilom. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga,

Handa na ba akong harapin ang panibagong yugto ng aking buhay? Kasama si Laz?

Tanong ko sa aking sarili habang nagninilay.

Sa loob ng maikling oras, masasabi kong malaki ang naging pagbabago sa akin simula nang makilala ko si Laz. Ayaw ko man tanggapin, subalit isinisigaw ng aking puso na mahal ko na ang lalaking 'di ko inaakalang magmamarka ng ganitong kalalim sa aking puso. Sinubukan kong labanan, sinubukan kong iwasan. Subalit tila isa siyang drogang hinahanap-hanap ng buo kong pagkatao.

Nakakatakot isipin na unti-unti, mabagal man ngunit sigurado, siya na ang nagiging buhay ko. Sa kaniya na umiikot ang aking mundo na labis nagbibigay takot sa akin.

"The garden is quite beautiful, isn't it?" Pagbasag sa payapang katahimikan ng isang baritonong tinig. Malalim at kariringgan ng kapangyarihan, subalit punong-puno ng kalungkutan at pagdadalamhati.

Lumingon ako sa aking likuran, at doon ko nakita ang mukha ng isang lalaki. Nakapaskil ang matatamis na ngiti sa mga labi nito habang naglalakbay ang paningin sa paligid. Subalit ang mga mata niya'y iba ang sinisigaw, taliwas sa kasiyahang makikita sa mga ngiti. Umaapaw sa labis na kalungkutan ang kulay abo nitong mga mata.

"What are you doing here Gab?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

"Nagpapahangin lang po sir," nakangiti ko namang sagot sa kaniya.

"Sir is too formal, you can call me tito." Sagot niya naman.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya at muling tinignan ang hardin na puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

"You know what, Gab... This garden, it was made by a beautiful lady 19 years ago." Sabi niyang bigla sa kawalan.

"That lady, she's so inlove with different flowers that she wanted to build a garden filled with flowers."

Habang nagkukuwento siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot, bakas sa bawat detalye ng kaniyang ekspresyon na isinasalarawan niya sa kaniyang isip ang babaeng kaniyang ikinukwento sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ng babaeng ito, ngunit alam kong may mahalagang parte ang babaeng ito sa kaniyang buhay.

"So she created this wonderful place that used to be so dull and lifeless," patuloy niyang pagkukuwento.

"And it is beautifil and tragic at the same time." Tumingin siya sa akin habang nakangiti.

Hindi ko alam subalit nakaramdam ako ng matinding koneksyon sa istorya ng misteryosong babaeng ito. Hindi ko napigilan ang aking sariling magtanong.

"Bakit naman po?" Tanong ko sa kaniya.

Malungkot na napangiti ang lalaki habang nakatanaw sa helera ng mga pulang bulaklak sa gilid.

"It was beautiful because that lady is my wife. She's the one who made this place vibrant and wonderful,"

Malungkot siyang tumingin sa akin.

"And it's tragic because the same lady who created this, who used to be my life, died a miserable death 19 years ago. She left me the same year she created this garden."

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon