Clark Bockelman as Giovannie Greene
See the multimedia screen above
Gavin's POV
"This is mine."
Bulong ng lalaki sa aking tainga. Di ko maipaliwanag kung bakit biglang nakaramdam ng kakaibang init ang aking katawan. Ang lakas ng tibok ng puso at nagsisimula na rin akong huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay maiihi ako dahil lamang sa kaniyang baritonong boses.Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam at hindi ko nagugustuhan kung paano tumutugon ang aking katawan sa presensiya ng lalaking kaharap ko.
Inilayo niya ang kaniyang mukha sa aking tainga. Muli kong nasilayang ang kaniyang luntiang mata na siyang nagpalambot ng aking mga tuhod.
Mga matang sing-kulay ng luntiang kagubatan. Mahahabang pilik-mata, mala-rosas na mga labi na kay sarap halikan, perpektong jawline at higit sa lahat ay ang kaniyang amoy tsokolateng hininga na lalong nagpatindi sa kiliting nararamdaman ng aking katawan.
Napaka-perpekto niya sa aking paningin. Tila ba huminto ang oras at bumagal ang paggalaw ng mga bagay-bagay sa aming kapaligiran. Tila kaming dalawa lang ang nagmamay-ari ng mundo sa mga oras na ito.
Nahinto lamang ang aking mumunting pantasya nang muling nagwika ang lalaki.
"This is mine."
Tumibok muli ng pagkalakas-lakas ang aking puso. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig at magwika ng mga salita, ngunit, tila ang aking katawan ko ay naparalisa ng dahil lamang sa kaniyang mga titig.
"A-aa-ano sa-sabi mo?" utal-utal kong pahayag na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo.
Kahit ang pagkunot niya ng noo ay napakaperpekto sa aking paningin. Parang wala akong makitang pagkakamali sa kaniyang itsura.
Waaahhhhhh! Anong nangyayari sa akin!
"This chair, this is my chair. You're occupying my seat, did you know that?" Tanong ng lalaki sa akin.
Namutla ang aking balat at nanindig ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan nang makita ko ang matatalim na titig na ibinibigay niya sa akin. Ang tila anghel niyang mukha kanina ay nagbagong bigla sa isang demonyo.
Sa isang kisapmata, tila nagbago lahat ang pagtingin ko sa kaniya. This man screams trouble. Saad ko sa aking sarili. Dapat akong lumayo sa kaniya kung gusto kong tumahimik ang pamumuhay ko sa eskwelahang ito.
"So-s-sorry di ko po alam, di k-ko po si-s-sinasadya."
Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Nanginginig akong gumilid sa kaniyang upuan at dali-daling kinuha ang aking bag at iba pang mga gamit. Yumuko ako sa kaniya at paulit-ulit humingi ng paumanhin.
Lumipas ang ilang segundo, wala akong narinig na kahit anong tugon sa nakakatakot na lalaki sa aking harap, kaya naman naglakad na ako patungo sa natitirang bakanteng silya sa kaniyang tabi.
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ng aking mga paa ng bigla na lamang niyang hinila ang aking braso at kinabig ang aking maliit na katawan palapit sa kaniyang malapad at matigas na dibdib.
Tumama ang aking mukha sa kaniyang dibdib at amoy na amoy ko ang halimuyak ng kaniyang pabango. Halatang mamahalin ang gamit niyang perfume. Namula ang aking mukha nang naramdaman kong inilapit niya ang bibig niya sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang hiningang tumatama sa aking balat.
Nakaramdam ako ng pagkabasa sa aking leeg. Unti-unting nakaramdam ng init ang aking katawan nang nagpatuloy ang paghaplos ng kaniyang dila sa aking maputing leeg. Itinaas niya ng bahagya ang kaniyang bibig patungo sa aking tainga. Naramdaman kong muling nilalaro ng kaniyang makasalanang dila ang labas ng aking tenga na lalong nagpainit sa aking sistema.
Pakiramdam ko ay sasabog ang aking katawan ng bumulong siya ng pagka- sexy sa aking tainga.
"I'm not done with you, nerdy kid."
Mapagbanta niyang sabi sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba sa pagbabanta niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Magtatanong na sana ako sa kaniya ng bigla niya akong itinulak palayo sa kaniya na naging dahilan ng aking pagkatumba. Pakiramdam ko ay para akong isang taong may nakakahawang sakit sa paraan kung paano niya ako ipagtabuyan palayo sa kaniya. Para bang sinasabi niyang ang isang basurang gaya ko ay walang karapatang dumikit sa isang gaya niya. Ang kaninang paghangang nararamdaman ko para sa kaniya ay agad na naglaho at biglang napalitan ng sobrang pagkadisguto. Sobra akong namuhi sa kaniyang ugali. Ano pa nga bang aasahan ko, pare-pareho lang naman talaga sila. Porke't mayayaman at may mga itsura ay pakiramdam nila ay kaya na nilang gawin ang lahat ng bagay na kanilang naisin.
Unang tumama ang aking pwetan sa lupa. Di naman gaano kasakit ang aking pagkabagsak subalit dahil sa hindi biniyayaan ng mga namumutok na muscles ang aking katawan. Naramdaman ko ang sakit ng aking pagkakabagsak. Hindi man lang nag-sorry. Napaka-arogante at antipatiko talaga.
Diretso lang siya sa lakad patungo sa upuan niya at nang tuluyan na siyang umupo. Pinasadahan niya ng tingin ang maliit kong katawang nanatiling nasa malamig na sahig. Bigla siyang nagpakawala ng isang mala-demonyong ngisi at bumulong ng "weak" na labis nagpainit ng aking ulo.
Wala siyang pinagkaiba sa mga estudyante rito. Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko. Kung sagot-sagutin niya nga yung propesor kanina ay akala mo siya ang nagpapalamon sa pamilya non. Kung umasta siya ay akala mo ay nabili niya ang buhay ng propesor namin.At sa tingin ko, siya rin yung nambugbog doon sa lalaking pumasok kanina. Hindi man lang naawa. Napakawalang puso talaga.
Shit ! Baka bugbugin niya rin ako! Hala, paano na to?
Dali-dali akong tumayo at sinigurado kong hindi nakatingin ang lalaki sa akin bago ko siya bigyan ng matalim na titig. Akala niya siya lang marunong non, pwes, marunong din ako.
Narating ko na ang aking upuan at dali-daling ipinahinga ang aking nalamog na pwet. Napasulyap naman ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin ng diretso sa harapan habang may mapaglarong ngisi sa kaniyang mapupulang labi. Ewan ko kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaking ito.
Naisip kong nababaliw na ang isang ito. Paano ba naman kasi, ngumingiti ng walang dahilan. Naku, dapat talagang lumayo ako dito, baka kung ano pang gawin nito sa akin. Baka patayin niya ako o kaya naman gahasain niya ako, tapos kukuhain niya yung mga lamang loob ko tapos ibebenta niya sa mga sindikato. Inalis ko na lang sa aking isipan ang mga ganoong klaseng senaryo. Ayokong takutin ang sarili ko.
Nagulat ako ng biglang bumaling ang kaniyang ulo sa gawi ko. Agad naman akong tumingin sa whiteboard para hindi niya mahalatang nakatitig ako sa kaniya. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin nang bigla ko na lang narinig na nag "tsss" siya. Pero ang mas nagpakaba sa akin ay ang sumunod niyang sinabi.
"Lagot ka sa akin mamaya." rinig kong bulong niya.
Napalingon ako sa direksyon niya, at ang puntong iyon ng aking buhay ang labis kong pinagsisisihan. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na may malokong ngiti sa labi. Nag-aalab ang kaniyang mga titig sa akin na tila nakakapaso sa aking balat. Meron akong nakita sa kaniyang mga mata na hindi ko mawari. Naramdaman ko na lang muli ang aking katawang unti-unting nilulukob ng takot.
"Ano ba tong pinasok kong gulo?" pagkausap ko sa aking sarili.
-Jay
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...