Gavin's POV
"I think, I deserve to punish you."
Senswal niyang bulong sa aking tainga na nagdulot ng libo-libong boltahe sa aking katawan. Ramdam ko ang mainit na pagbuga ng kaniyang hininga na direktang tumatama sa aking tainga at sensitibong leeg.
" Laz, what brought you here?" Rinig kong tanong ni Maam Athena sa gilid naming dalawa.
Unti-unting lumayo sa akin si Laz at hinarap si Maam Athena.
"I'm here for my supposedly personal assistant who can't even fucking check his own phone to see if there was any messages from his boss." Seryosong paliwanag ni Laz kay Maam Athena bago ako lingunin at batuhin ng nakamamatay niyang titig.
Labis akong nakaramdam ng hiya kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo na lamang at iyuko ang sariling ulo. Pakiramdam ko ay wala akonh mukhang maihaharap sa kaniya. Hindi ko siya kayang harapin lalo na't alam ko sa sarili kong ako ang may kasalanan kung bakit siya nagagalit ngayon.
"I'm sorry Laz, I'm talking to him awhile ago, that's the reason he forgot to check your messages." Pagtatanggol ni Maam sa akin. " Please, nagmamakaawa ako Laz, spare him. Give him another chance." Dugtong pa ni Maam Athena.
Napaangat ako ng ulo at doon ko nakitang nakatingin sa akin si Maam Athena nang may awa sa kaniyang mga mata. Napangiti ako ng mapait sa kaniya. Napabaling ang aking atensyon sa lalaking nakatayo sa gilid at nakita kong napalingon siya sa akin bago ako bigyan ng isang mala-demonyong ngising hindi ko alam kung para saan at kung ano ang kahulugan.
"Okay, I'll forgive him this time." Seryosong sagot ni Laz.
"Really? Thank you son." Masayang sagot ni Maam Athena sabay lakad palapit kay Laz at akmang yayakapin ang binata.
"Cut the drama. I'm heading out." Sagot ni Laz sa kaniyang malamig na pananalita.
Nakita kong mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Maam Athena. Para bang biglang nairita ang mukha niya subalit agad rin itong napalitan na para bang napahiya siya at nakaramdam ng labis na lungkot.
"Okay, take care son." Sagot ni Maam Athena.
"I'm taking him with me." Sabi ni Laz habang seryosong nakatitig sa akin.
Ang kaniyang luntiang mata ay kakikitaan ng kung anong ekspresyon. Hindi ko maunawaan kung ano iyon. Tila nag-aapoy ang kaniyang mga ipinupukol na titig sa akin. Ang kaniyang mukha ay seryoso. Ang kaniyang tinig ay sinlamig ng niyebe. Subalit ang kaniyang mata ay tila mga bolang nag-aalab sa init. Hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig niya kaya naman napayuko ako at pinagmasdan ang sahig.
Naramdaman ko na lang ang marahas na paghapit ni Laz sa aking braso. Muli kong naramdaman ang pagdaloy ng kakaibang init sa aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang bagay na iyon subalit nagugustuhan ko ito.
Naglakad na patungo si Laz sa may pintuan upang lumabas ng restaurant habang patuloy pa rin ang mahigpit niyang pagkapit sa aking braso. Nagsisimula ko nang maramdaman ang sakit dulot ng pagkakahawak niya subalit minabuti kong manahimik na lamang. Ayokong dagdagan pa ang galit na nararamdaman niya sa akin. Ayokong kamuhian niya ako. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman sa kaniya. Basta ang alam ko, iniisip ko pa lang na lalayuan niya ako at labis na kamumuhian ay nararamdaman ko na ang pagsikip ng aking dibdib at ang pamumuo ng mga luha sa aking mata.
"Laz, mag-iingat kayo. Drive safely." Rinig kong sigaw ni Maam Athena sa loob ng restaurant.
Nang tuluyang makalabas ay dali-dali niya akong kinaladkad patungo sa kaniyang sasakyan. Marahas niya akong itinulak papasok at siya naman ay pumasok na rin sa kabilang pintuan. Nang nakapasok na kami sa kaniyang sasakyan, inaasahan kong magsisimula na siyang magmaneho, subalit lumipas na ang ilang minuto ay nananatili lang siyang nakatitig sa daan. Napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang leeg at malalim na paghinga niya. Minsan ay napapapikit pa siya at mahigpit rin ang paghawak niya sa manibela ng sasakyan. Para bang may bagay siyang gustong gawin subalit pinipigilan niya ang kaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...