Sean O'Pry as Van Lazarus Smith
See the multimedia screen above
Gavin's POV
Pinakatitigan kong maigi ang kapirasong papel na hawak ng aking mga kamay.
Main building
6th floor
I- Zeus
Sigurado akong itong kinatatayuan ko ang main building at nasa ika-anim na palapag ang kwartong aking magsisilbing sana'y pangalawang tahanan.
Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. May kaba, saya at higit sa lahat, takot na namumutawi sa aking puso. Habang naglalakad ay nakakita ako ng isang elevator. Sa halip na mag-hagdan, sumakay na lamang ako sa elevator para naman mas mabilis akong makapunta sa 6th floor na siyang pinakataas na palapag ng main building.
Bumukas ang pinto ng elevator at unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa palabas ng elevator.
Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Walang anino ng estudyante ang makikita sa mahaba at napakalinis na corridor.
Sa tingin ko, nagsisimula na ang mga klase kaya't walang estudyanteng nasa labas. Naglakad ako at hinanap ang pangalang Zeus sa taas ng pintuan ng mga classroom. Hanggang sa napadpad ako sa isang gintong pintuan. Itinaas ko ang aking paningin at doon ko nabasa ang salitang Zeus.
Inilapit ko ang aking mga kamay sa doorbell at pinindot ko ito. Ilang nakamamatay na segundo ang dumaan nang unti-unting bumukas ang pinto at iniluwal ang isang di-katandaang lalaki.
"How may I help you, Mister?" tanong sa akin ng propesor.
"Ahh-a-ako po s-si Ga-gavin Jacob Andrada. Yu-yung s-sc-scholar p-po." pautal kong sagot sa kaniya.
"Ahhh, ikaw pala yon. Come in."
Tumango ako bilang sagot sa kaniya at inihakbang ko ang aking paa sa loob ng classroom. Nang tumama sa aking balat ang malamig na hangin dulot ng aircon ay lalong tumindi ang kabang aking nararamdaman. Dama ko ang lahat ng mapanuring tinging ipinupukol nila sa akin.
Mga malalim kong paghinga at malakas na kabog ng aking dibdib lamang ang tanging tunog na pumapasok sa aking tainga. Labis ang kabang aking nararamdaman habang nakayukong pumapasok sa silid. Di ko namalayang pabunggo na pala ako sa table sa harapan at dahil sa nakayuko ako, tuluyan akong bumangga at medyo nabuwal sa aking pagkakatayo.
Malakas na tawanan ang bumulabog sa apat na sulok ng classroom. Nangilid ang aking luha sa labis na pagkapahiya. Ewan ko ba kung bakit pa ako naiiyak ngayon. Di pa ba ako nasanay, kahit naman sa dati kong school ay ganito na ang palaging senaryo kaya bakit hindi pa rin ako sanay sa sakit. Pasensiya lang, kailangan mo lang magpasensiya Gab. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.
"Look at him, he looks like a beggar."
Dinig kong bulong ng isang babae doon sa katabi niya pang babaeng mukhang coloring book dahil sa kapal ng kolorete sa mukha.
"Ang pangit naman niyang nerd na yan. At mukha pa siyang mabaho. Look at his clothes." sagot naman nung babaeng sobrang kapal ng make-up. Nagulat na lang ang lahat ng biglang sumigaw ang propesor sa harap ng silid.
"Stop! I will not tolerate this kind of behavior in my class. I want you all to treat this new kid nicely and with respect. Do I make myself clear?" sigaw ng aming propesor.
"Yes" sigaw ng lahat
"You may take your seat over there Mr. Andrada"
Dali kong nilingon ang tinuro niyang pwesto sa may bandang likuran ng silid.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...