Troye Sivan as Noah Carter
Happy reading guys :)
Gavin's POV
Sari-saring boses ng mga taong kumakain sa loob ng fast-food chain na pinagta-trabahuhan ko ngayon ang tangi kong naririnig. Medyo lumalalim na ang gabi ngunit nananatiling marami ang taong pumapasok sa loob ng establisyimento.
Masaya naman ako sa aking trabaho lalo na't ang babait at masayahin ang mga katrabaho ko.
Nang matapos kong linisin ang mga bakanteng silya ay agad akong pumunta sa counter upang tumulong sa pagtanggap at pag prepare ng mga order.
" Huy ! Baka mahimatay ka na niyan. Masyado mong binubugbog yung sarili mo sa trabaho." Sabi sa akin ni Sean. Isa sa mga katrabaho ko.
" Ayoko lang madisappoint sa akin si Maam Athena. Utang na loob ko sa kaniya ang trabahong ito kaya dapat ko talagang sipagan." sabi ko naman sa kaniya.
Tumango-tango na lamang ito at pinagpatuloy ang paghahanda ng mga order ng iba pang mga customers.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng restaurant. Medyo napaawang ang aking labi ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking pumasok. Teka, siya yung lalaking binugbog ni Laz di ba?
Pagtatanong ko sa aking sarili.
Agad lumakad ang lalaki palapit sa counter na aking inaasikaso. Subalit dahil masyadong mahaba ang pila sa akin. Dali-daling nagsalita si Sean na sa next counter na lamang ito pumila dahil papatapos na ang pila roon.
Subalit parang walang naririnig ang lalaki, nanatili itong nakapila sa counter ko at hinintay na siya na ang umorder.
Hindi na lamang namin ito pinansin dahil sa baka maging dahilan pa ito ng gulo na labis kong iniiwasan.
Ilang minuto ang lumipas at kaharap ko na ang poker face na mukha niya. Agad ko siyang binati ng may masayang tono.
"Good Evening Sir! What's your order?" Masayang bati ko sa kaniya.
"Have you eaten already?" biglang tanong niya sa akin na labis na ikinagulat ko. Ramdam ko rin ang pagkagulat ng aking katabi dahil sa biglaang paghinto nito sa kaniyang ginagawa.
" Ah-ah S-sir di pa po ako kumakain, pero mamaya pong pag-uwi ko kakain na ko." sagot ko naman sa kaniya.
Nagulat akong muli ng bigla-bigla itong nagsalita at sinabi ang kaniyang order. Masyadong marami ang mga binili niya. Parang pang dalawa tao.
" 1250 pesos po lahat sir" magalang kong sabi sa kaniya.
Agad naman siyang nag-abot ng dalawang libo na agad ko namang tinanggap. Sinuklian ko rin siya.
Nang naibalot ko na ang mga inorder niya ay agad ko itong inabot sa kaniya sabay sabi ng:
" Enjoy your food sir. Please come back again."
Bago siya tuluyang umalis ay nanghingi muna siya ng extrang paper bag. Agad naman siyang binigyan ni Sean ng extra.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...