Chapter 13

11.9K 386 17
                                    

Danny Schwarz as Charles Krukov

See the multimedia above

Happy reading :)

Gavin's POV

Para akong lantang gulay habang naglalakad papuntang school. Meron akong naglalakihang eye-bags at medyo mapula ang aking mata dahil sa pagkakapuyat ko kagabi. Bigla na lang ako nakaramdam ng sobrang inis ng maalala ko na naman ang dahilan ng pagkapuyat ko. Hayyyss. Paano ba naman kasi, pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay, di pa nga ako kumakain. Nakatanggap na ako ng text galing kay Laz tungkol doon sa assignment na pinapagawa niya. Ang dami pa namang pinapa-research doon and take note. Dalawa ang ginawa ko buong magdamag kaya hindi na ako nakatulog ng maaayos.

Buti na lang talaga at may laptop ako at maraming salamat na din sa wifi ng kapitbahay.

Mga alas-dos na ko ng madaling araw natapos sa homework namin at hindi pa rin umuuwi si Mark. Sobra na kong nag-aalala sa kanya. Oo nga't hindi maganda ang naging pagtrato niya sa akin simula ng mamatay si mama, pero hindi ko rin maitatanggi na kahit papaano ay naging ama ko na siya at minahal ko na siya na parang tunay kong ama.

Habang naglalakad ay kinakain ko ang egg sandwich na ginawa ko bago umalis ng bahay. Lakad lang ako ng lakad habang ngumunguya ng bigla na lang may tumigil na kotse sa tabi ko. Kulay pula ito at mukhang mamahalin. Para siyang yung mga kotse na makikita mo sa mga racing contest ba yon.  

Muntik na kong mapasigaw ng bigla-bigla na lang itong bumusina, at hindi lang basta bumusina. Kasi sunod-sunod na busina ang ginawa niya. Pakiramdam ko lalabas na ang eardrum ko at magwawala na ang mga bulate sa katawan ko sa sobrang pambubulabog ng driver ng sasakyan nato. 

Lumapit ako sa driver's seat ng kotse at akma na kong kakatok upang kausapin ang walang-hiyang driver ng sasakyan ng bigla akong nakatanggap ng isang text. Text galing sa isang demonyo.

09*********

"Knocking on my window isn't a good idea."

Napaawang naman ang mga bibig ko dahil sa pagkalito. Anong sinasabi niyang window niya eh hindi ko naman alam bahay niya. Wala naman akong naaalala na kumatok ako sa bahay niya and as far as I know siya ang nag trespass sa bahay ko. Siya ang pumasok sa bahay ko ng walang permiso ko. Siguro dapat kasuhan ko na tong lalaking to ng trespassing eh. Baka mamaya, mamamatay tao pala to, o kaya naman miyembro siya ng sindikato, o kaya naman, anak siya ng isang mafia boss. 

Aiigggsshhhhh!Ano ba tong pinagsasabi ko! Kakabasa ko to sa wattpad eh. 

Nagulat na lang ako ng muling bumusina ang kotse at napatingin ako sa salamin ng kotse.Labis akong nagulat at parang tinakasan ng kaluluwa ang aking katawan ng makita ko ang pares ng luntiang mata. Ang kaniyang mapupulang labi.Ang kaniyang naka-estilong buhok. At hindi rin nakatakas sa aking paningin ang kaniyang ngisi na parang nang-aasar sa akin.

"Enjoying the view, aren't we." sabi niya sa akin habang nakangisi.

Nang ma-realize kong masyado na pala akong nakatitig sa kaniyang mukha ay unti-unting nanumbalik ang paghihirap ko kagabi. Muling sumilay ang inis sa aking dibdib ng maalala kong siya ang dahilan kung bakit para akong lantang gulay ngayon.

"Hoy Ikaw! Alam mo ang tamad-tamad mo! Dahil sayo napuyat ako kakagawa ng homework mo. Ang kapal mo talaga!" sigaw ko sa kaniya habang kinakalkal ang loob ng bag ko upang hanapin ang short folder na naglalaman ng kaniyang napakahabang assignment.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon