Chapter 38

4.7K 192 1
                                    

Gavin's POV

Tinakbo ko ang daan papunta sa swing. Aktong uupo na ako nang may nakita akong batang lalaki. Naglalakad ito palapit sa akin habang ang kaniyang kilay ay naka-arko paitaas. Kulay berde ang kaniyang mga matang nakatingin ng matalim sa akin.

"A-anong p-pangalan mo?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Bakla ka ba? Bakla ka yata eh? Tingnan mo, may hawak ka pang teddy bear, HAHAHAHAHA" pang-aasar niya sa akin.

"Ang sama ng ugali mo. Mukha ka na ngang halimaw, bad guy ka pa. I REALLY HATE YOU!" Ganting sigaw ko naman sa kaniya. Nainis talaga ako sa kaniya ng sabihan niya akong bakla. Ano naman ngayon kung bakla nga ako. May magagawa ba siya, wala naman di ba.

"ANONG SABI MO! AKO MUKHANG HALIMAW! Ang pogi-pogi ko kaya. Alam mo bang ang daming babaeng nagkakagusto sa akin. " pagmamayabang niya sa akin habang naka pogi pose.

"Ahhhhh, alam ko na. Siguro crush mo rin ako no? Sinabi mo lang na mukha akong halimaw kasi di mo maamin na nagu-guwapuhan ka sa akin di ba?" pagdugtong niya sa kaniyang sinabi.

"No, hindi kaya, di kita crush no. Ang gusto ko yung mabait,hindi kagaya mo. Masama ang ugali at nakakatakot tumingin." pagtaliwas ko sa kaniya.

"Palusot ka pa diyan. Alam ko na namang crush mo ang gwapo kong mukha eh."

"Ang kapal mo ri-" 

Nagulat ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa aking bibig. Di ko maipaliwanag ang pakiramdam. Matamis ang mga iyon. Lasang chocolate. Parang ang sarap tuloy kagatin.

"Iyan, ang ingay-ingay mo kasi eh. You should be thankful. Ikaw pa lang ang naki-kiss ko."

"K-kiniss mo ko. EH MAG-ASAWA LANG ANG NAGKI-KISS EH! DI NAMAN TAYO MAG-ASAWA EH!" sigaw ko sa kaniya.

"Edi a-asawahin na kita ngayon. Maganda naman yang mukha mo eh. Para ka ngang babae eh. Tapos ako gwapo naman ako, bagay talaga tayo" sabi niya sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang lahat.

"Ewan ko sayo, diyan ka na nga" sinabi ko na lang sa kaniya.

Akma na akong aalis ng bigla niyang hinablot ang teddy bear ko.

"Oyyyy akin na yan! Magnanakaw ka rin pala eh no! Masama ka talaga. Alam mo bang bad guys go to hell."

"Oo alam ko. Pero wala akong pake. Ang sarap mong asarin. HAHAHAH" sabi niya sa akin habang tumatawa ng pagkalakas-lakas

Sinubukan kong agawin ang teddy bear, subalit masyado siyang matangkad kumpara sa akin. Pilit kong inaabot ang kaniyang nakataas na kamay upang kunin ang teddy bear.

"Gusto mo bang ibalik ko to sa iyo?" tanong sa akin ng lalaki.

"Oo, pleaseeeeee" pagmamakaawa ko.

"Sabihin mo muna name mo sa akin. Besides, aasawahin naman kita diba. Kaya dapat alam ko pangalan ng asawa ko."

"Gavin, but you can call me Gab. Iyan ang name ko kaya ibalik mo na yan. Gift pa yan ng mommy ko eh."

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon