Chapter 41

4.5K 214 10
                                    

Gavin's POV

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Nakatitig lamang ako sa baril na hawak ni Laz, sa baril na kumitil sa buhay ng lalaking nakahandusay sa maputik na lupa.

"Gab," pagtawag niya sa akin. "let me explain."

Nakita kong hinakbang niya ang kaniyang mga paa patungo sa aking direksyon.

Kusang gumalaw ang aking katawan. Tumalikod ako at daling tumakbo palayo sa kaniya.

Nilukob ng kaba at takot ang aking sistema nang marinig ko ang kaniyang kaluskos sa aking likuran.

Hinahabol niya ako.

Patuloy lamang ako sa aking pagtakbo. Ang aking dibdib ay kumakabog dahil sa pagod at takot, subalit mas pinili kong tumakbo.

Hindi ko alam subalit nag-iba na ang pagtingin ko kay Laz. Tila lahat ng mga magagandang pinagsamahan namin ay naglaho na parang bula sa aking isip.

Ilang saglit pa ay napansin kong wala nang kaluskos na sumusunod sa akin. Tumingin ako sa aking likuran, subalit tanging mga puno lamang ang naroroon.

Tumigil ako sa pagtakbo upang magpahinga. Akma na akong sasandal sa isang puno nang makaramdam ako ng isang malalaking kamay na tumulak sa akin.

Napalikit ako sa sakit. Nang imulat ko ang aking mata, tumambad sa akin ang galit na mukha ni Laz. Ang mga mata nito ay kakikitaan ng kakaibang emosyon.

"Tulon-" natigil ako sa aking pagsigaw nang muli akong itinulak ni Laz sa puno. Napadaing ako dahil sa sakit.

"L-laz," pagtawag ko sa kaniyang pangalan. "Huwag mo kong saktan." Pagmamakaawa ko.

Nakita kong may mala-demonyong ngisi ang biglang naglaro sa kaniyang labi.

"You fucking ignored me the whole day," sabi niya habang unti-unting lumalapit ang kaniyang mukha.

"You run away from me a while ago." Bulong niya sa aking tainga. Narinig ko ang mariin niyang pagsinghot sa aking leeg. "I can smell the fear within you." Sabi niya sabay dila sa parteng iyon.

"Maawa ka... Huwag mo akong saktan." Sabi ko habang may mga mumunting luha ang tumutulo sa aking mata.

"I don't want to hurt you," sabi niya habang nakatitig sa aking mukha. "But you're giving me reasons to kill you." Bulong niya na nagbigay kilabot sa aking katawan.

"I'm mad," patuloy nitong bigkas sa aking tainga. "Because you're scared at me." Nakabaon pa rin ang mukha nito sa aking leeg.

"I'm mad to the extent that I want to hurt you so bad," sabi nito. Nakaramdam ako ng pamamasa sa aking leeg na sinundan ng isang hikbi.

"But I love you," sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata. "I love you so much, that it hurts just by imagining you running away from me." Aniya na nagpakalma sa aking kumakabog na dibdib.

"I will never hurt you."

Naramdaman ko na lamang ang mariing paglapat ng kaniyang labi sa akin. Marahas ang iginagawad niyang paghalik. Nakalingkis ang kaniyang mga braso sa aking baywang.

Ipinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Ang kaniyang kamay ay gumagapang sa aking buong katawan. Dahilan upang magsimulang mag-init ang aking katawan.

"I love you." Bulong nito habang pinagdidikit niya ang aming katawan.

"I love you." Kinagat niya ang aking leeg, dahilan upang mahina akong mapahiyaw sa sakit.

Akma ko nang ibubuka ang aking bibig upang magsalita nang muli niyang angkinin ang aking labi sa isang marahas na halik.

"You're mine," bulong nito habang ang aming mga noo ay magkadikit.

"You can't run away from me,"

"You can't leave me." Sabi nito. Nakita kong may luhang tumulo sa kaniyang mga mata.

Sa puntong iyon, tila naging konektado ang aming mga puso. Bigla ko na lamang naramdaman ang takot at sakit na nararamdaman niya sa di malamang dahilan.

Isinukbit ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Hinawakan ko ang kaniyang batok at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Muling nagtagpo ang aming labi sa isang mainit na halikan.

************************************

"I work in a mafia." Sabi ni Laz sa akin habang nakaupo kami sa loob ng kaniyang kotse.

Nagulat ako sa kaniyang tinuran. Hindi maproseso ng aking utak ang aking narinig.

"Just please," sabi ni Laz habang nakapikit. "Let me explain everything first."

Pinilit kong pakalmahin ang aking puso. Kahit panatag ako na hindi ako sasaktan ni Laz, hindi pa rin mawaksi sa aking isipan na ang lalaking katabi ko ngayon ay kaya akong patayin sa isang iglap.

"Explain everything now." Malumanay kong sabi sa kaniya.

"My stepfather is a Mafia leader," panimula niya. "I work from him as an assassin."

"I kill people for money. Lahat ng mga gusto nilang ipapatay ay nililigpit ko." Sabi niya habang seryosong nakatitig sa akin.

"But believe me when I say, I'll never hurt you." Dagdag pa niya.

"Kung nasa mafia ka," nagaalangan kong bigkas. "Pati si Maximus nasa mafia rin?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Yes, all of us are in the mafia." Sagot niya sa akin. "Maximus and I works as an assassin." Dugtong niya.

"B-bakit, pinatay mo yung lalaki kanina?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Nakita ko kung paano biglang dumilim ang ekspresyon ni Laz. Mula sa kaninang kalmado ay bigla itong na puno ng galit.

"He's stalking you," sagot ni Laz. "Siya ang nagbibihay ng regalo. I saw him outside your house."

Tila kinilabutan naman ako nang marinig ko ang paliwanag niya. Muling nanumbalik ang takot sa aking puso sa di maipaliwanag na dahilan. Pakiramdam ko ay simula pa lamang ito.

"B-bakit mo pinatay? Pwede ka namang humingi ng tulong sa mga pulis." Pagdadahilan ko sa kaniya.

"He's working from someone ," panimula ni Laz. "My guts' telling me he's working from someone powerful," paliwanag niya sa akin habang hawak niya ang aking mga kamay.

"I won't let your safety put into risk...I love you." Sabi niya bago bigyan ng halik ang aking labi.

Sa mga oras na ito, ang pag-aalangang naramdaman ko sa kaniya ay unti-unti nang naglaho. Bagama't alam kong delikadong mapalapit ako sa kaniyang buhay, sa kaniya ko lamang nararamdaman ang aking kaligtasan. Tanging sa mga halik at yakap niya ako nakakakuha ng lakas upang magpatuloy.

Unti-unti, nararamdaman ko nang hindi ko na kayang mabuhay nang wala siya sa aking tabi.

"I trust you." Tanging nasabi ko sa kaniya.

Sa ilalim ng dilaw na buwan, muling nagtagpo ang aming mga labi sa isang mainit na halik.






-Jay

Vote

Comment

Share

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon